18

806 23 0
                                    

Jema's POV

"I hate you Deanna Wong!" Tinanggal ko na yung singsing sa daliri ko at binato ko sa kanya.

"Hindi ko alam na sa tagal nang pagsasama natin aabot pa tayo sa ganito na maghihiwalay tayo.

At least bago man lang ako mawala sa mundong to.. nakita ko kung gano kababaw ang pagmamahal mo sa akin!!" Galit na sabi ko sa kanya.

Hindi nya pinansin yung wedding at engagement ring namin na binato ko lang sa kanya.

"Umalis ka na Jema. Ayaw na kitang makita dito sa bahay ko." Yan ang huling salita ni Deanna sa akin bago pa ako tuluyang lumabas sa kwarto ni Dino.

Nakakapagod na magmahal. Nakakapagod na din masaktan.

Dire diretso akong lumabas ng bahay namin. Sakto namang wala pa sa bahay ang kambal kaya pwede ko na silang sunduin.

Tumulo na ang lahat ng luha ko. Akala ko hindi na mangyayari sa amin ni Deanna to. Akala ko pangangatawanan na nya ang pangako nya sa akin na hindi na nya ako iiwan ulit..pero lahat ng yun akala ko lang.

Nung nahimasmasan na ako. Binuksan ko ang spotify ko at nagsimula nang magdrive.

Sakto namang ang kanta...

Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasingsakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

Kung darating din ang gabing
Walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon
Aasa bang maibabalik ang kahapon?

Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin

At sa bawat minuto ako'y sinaktan mo.
Pinili mong iwanan ang pusong gulung gulo.
Mananatili ang pag ibig sa iyo hanggang huli
Ngunit tanong ko sa iyo, hanggang kailan magtiis?

My version of this song. Ang sakit, sobrang sakit.

If this is the end of us, I can say nilaban ko naman to. Nilaban ko rin ang pag ibig ko sa kanya.

Jade's POV

"Hi Mommy!" Bati ko kay Mom pagkapasok ko pa lang ng kotse.

She smiled at me naman. Pero alam mong malungkot sya.

Kitang kita yung magang mata ni Mommy pero ayoko na ring magtanong.

Lately kasi hindi sila nag uusap ni Dada at ganun din sya akin.

Alam ko naman kung bakit pero kasi.. akala ko tapos na kami sa chapter ng buhay namin na yun e. Hindi pa pala.

Si Jana din buong araw akong di kinausap. Iniiwasan nya ba ako? Ano bang nangyayari?

Si Doni naman tahimik lang din kaya di na rin ako masyadong nagsalita.

I tried to chat Jana pero di sya nagseseen sa message ko.

I closed my eyes na lang and tried to relax. Nakakapagod din ang araw na to.. physically and emotionally.

I opened my eyes nung biglang napahinto si Mommy. Then, napansin ko si Mommy na umiiyak. I did not dare to ask. Alam ko malaki ang problema nila ni Dada.

I just stared at the road. Tahimik lang ako. I just want her to feel na andito lang ako kung kailangan nya ng kausap.

"I'm sorry anak." Huh? Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Kaya napatingin ako sa kanya.

Tumingin din sya sa akin sabay hawak ng kamay ko.

I know and I feel kung para saan yun kaya.. naiiyak na rin ako. Pero pinigilan ko.

I smiled at her, gusto kong malaman nya na naiintindihan ko kung bakit hindi nya ako kinakausap lately.

Nagpatuloy na lang sya sa pagddrive nang napansin kong may kakaiba.

"Mom?"

"Hmm..?"

"Bakit po mali tayo ng nilikuan? Our house is.."

"We're going to stay at MamaLa's!" Malungkot na sabi nya.

I knew it.

Tumahimik na lang ako at tinignan ko si Doni sa mirror. Nakapikit sya pero alam kong nagbuntong hininga sya kanina.

Whatever it is that's going right now, alam ko may connection to sa amin ni Jana.

Pagkadating namin sa house nila MamaLa nagpatulong sa amin si Mommy na ibaba mga gamit namin.

Pang isang taon na ata tong dala namin pagbukas pa lang ng trunk ng sasakyan.

Alam kong di lang simpleng away to.

Maghihiwalay na ba sila? Dahil ba sa akin? Sa amin ni Jana?

Nakatitig lang ako sa mga gamit namin sa trunk.

"I told Manang Lucing na I'll drop by to your Dada's house para sa ibang gamit ninyo." Your Dada's house? Bakit hindi house namin?

Diko na talaga matiiis.

"Mommy, may problema po ba kayo ni Dada?" Lakas loob na tanong ko.

"Dahil po ba sa akin Mommy? Sa amin ni Jana?" Bigla namang tumulo ang luha ko.

I can see in her eyes na nasasaktan siya. Nang sobra. Kaya diko na napigilan ang sarili ko.

"Mom, kung dahil sa amin ni Jana kaya maghihiwalay kayo ni Dada.. I can break up with her Mom. Ayoko po na maghiwalay kayo Mommy please!" Pagmamakaawa ko.

"Anak.." lumapit sa akin si Mommy.

"Mommy, I can change. Kung gusto mo lalaki ang mahalin ko. I'm okay with that Mom. Please! Wag naman pong ganito!" Iyak na ako nang iyak habang hawak ko yung kamay ni Mommy.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now