27

767 23 0
                                    

Jema's POV

"Anak, may delivery ka oh!" Sabay abot sa akin ni Mama ng bulaklak pati na rin ng sulat. Binasa ko to.

Jema, I know galit ka pa rin sa akin pero sana bigyan mo ulit ako ng pagkakataon.

I'm really sorry!

Pagkabasa ko nun, tinapon ko na agad pati na rin yung bulaklak. Hindi nya ako madadaan sa ganito.

Tapos na kami. Tapos na tapos na.

"Oh anak, bakit mo naman tinapon? Sayang naman!" Eto si Mama makulit pa sa mga anak ko e.

"Ahhhh Ma, kasi may uod po. Nakakadiri e kaya tinapon ko na." Si Mama alam mong di convinced.

"Ahhhh.. baka jan lang sa gedli binili ano?" Sabay alis habang tawa ng tawa.

"Ang daming alam ng mga matatanda dito sa story na to, sa true lang!"

Sa irita ko kay Mama, bumaba na muna ako. Kaso sana di ko na lang pala ginawa.

"Hi!"

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Nakayuko na sya nung sinabi ko yun.

"Anak, ayusin nyo na mag asawa ang problema nyo. Maawa naman kayo sa mga bata." Malalaki naman na ang mga anak namin sa tingin ko maiintindihan naman na nila kung anong nangyayari sa amin ni Deanna.

Hindi na lang din ako kumibo.

"Jema, please? Mag usap muna tayo." Lumapit pa sa akin. Kaya naiirita na naman ako sa kanya.

"Pwede ba Deanna umalis ka na. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa bahay namin. Please lang!" Pasigaw na sabi ko. Aakyat na sana ako ng magsalita si tatay.

"Jema! Taong humarap si Deanna dito, sana tratuhin mo din sya nang maayos." Hindi nyo po kasi alam ang ginawa nyang magaling na manugang nyo Tay. Baka kayo na mismo magtaboy sa kanya pag nalaman nyo.

Pero syempre diko sinabi yun. Hangga't kaya kong itago ang nangyari sa amin ni Deanna sa harap ng magulang ko, gagawin ko. Sya parin naman ang Dada ng mga anak ko kahit hiwalay na kami.

Tinignan ko na lang si Tatay na halos magmakaawa na ako.

"Tay, wag na po natin ipilit. Please?" Sabay akyat ko. Hindi ko na tinignan si Deanna baka lalo lang masira ang araw ko.

Pag akyat ko sa kwarto nagready na ako para sa game nila Jade. Manunuod kasi kami nila Mama. Alam kong pupunta rin si Deanna pero wala akong pake sa kanya.

On the way na kami sa San Juan Arena. Kasama ko sina Mama at Tatay. Yung dalawang kambal may pasok sa school kaya hindi makakasama e. While si Doni naman susunod na lang after ng class nya.

"Anak, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Deanna at halos ayaw mo nang makita yung tao?" Nagulat ako sa tanong ni Tatay habang nagddrive ako.

"Nambabae ba ang Boss D ko? Kaya di mo na mapatawad?" Dagdag pa nya.

Sana nga Tay ganun na lang e. Baka mapatawad ko pa. Kaso ang bigat po e.

"Sus! Mambabae pa Tay? E halos sa restaurant na nga lang yan pumupunta e tapos uuwi din agad kasi namimiss yung anak mo." Parang bigla naman nagflash sa isip ko yung sinasabi ni Mama.

Totoo naman, halos laging tumatawag sa akin si Deanna kahit gaano sya kabusy sa resto. Pag nasa office sya.. magkavideo call pa kami kahit di naman kami nag uusap. Naka on lang ang phone namin. Sya nagttrabaho, ako naman nagaasikaso sa bahay.

Hindi ko maiwasan kahit papaano mapangiti.

"Ayyyy iba na itu!" Hirit ni Mama kaya nagserious mode na lang ulit ang mukha ko.

"Mga bata talaga ngayon Tay! Madami ding alam e no? Napakaarte! Hahahaha!" Pinagtatawanan ba ako ng magulang ko? Jusko! Pwede ba sila isoli?

(Try mo Mare! Haha!)

Eme lang author! Lab ko yang dalawang yan. Hehehe!

Nasa Arena na kami at magstart na rin yung game. Kalaban nila Jade ngayon ay La Salle. Kaya medyo kabado din kami. Parehas kasi silang walang talo pa.

Nakita naming pumasok na sina Jade sa court at magwarm up na. Napapansin ko yung pag iwas ni Jana kay Jade. Bakit kaya? Alam na din kaya nya yung nangyari sa amin ni JV?

Kitang kita sa mata ng anak ko yung lungkot. Actually, napansin ko na to nung minsang umuwi sya sa bahay. Nag away ba sila? Hmmmm.. tatanungin ko na lang siguro sya mamaya sa bahay.

Start na yung game at kitang kita mo na halos wala sa wisyo yung mga sets ni Jana. Puro error lalo na pag kay Jade nya binibigay.

Nagtry si Jade na kausapin si Jana pero kita mo pa ring iwas na iwas si Jana sa kanya.

I can sense hindi lang din to basta basta na away.

20-13 ang score sa first set at lamang ang La Salle. Nilabas na si Jana at kitang kita ko sa mukha nya yung frustrations. Haaaay! Ganyang ganyan din kami noon ni Deanna lalo na pag nag aaway kami tapos may game.

(Uuuyyy! Naaalala nya si Boss D ulit. Makipagbati ka na kasi Mare.)

Tigilan mo ako Author baka kunin ko yung bola at ispike ko sayo. Hmmp!

(Apaka brutal ihhh!)

Huling SandaliWhere stories live. Discover now