Jema's POV
Andito kami ngayon sa resto namin ni Deanna. Dito ginanap yung championship celebration nila Jade.
Ang saya nung hinandang short program ni Deanna para sa kanila. Lahat halos ng kaibigan namin naandito. Pati na rin ang pamilya ni Jana.
"Jema?" Si Tin. Ngayon na lang ulit kami magkakausap after so many years.
"Kamusta, Tin?" Nahihiya pa syang magsalita. Kaya dinaldal ko na lang para maging at ease sya sa akin. Wala naman akong sama ng loob sa kanya e.. even kay JV. Kahit na may mga nagawa syang di maganda sakin noon.
"Jema, I'm really sorry sa nangyari sainyo ni Deanna. If only I could.." biglang bago nya ng topic. Kanina puro katatawanan pinag uusapan namin. Okay na sana e..
"Shhhh.. siguro meant to be na maging ganito na lang MUNA ang status namin ni Deanna. Tignan mo naman ilang beses na rin kaming naghiwalay at nagbalikan. Baka napagod na rin si Lord sa amin e. Hahahah!" Natawa ako pero hindi sya natawa.
"MUNA??" Tanong nya. Pero nginitian ko lang sya.
"Napakaswerte ni Deanna sayo Jema. At ganun ka din kay Deanna. Wag mo sanang pakawalan ang bestfriend ko kahit abnormal yun, mahal na mahal ka nun." Haha! Baliw talaga to. Magbestfriend nga sila.
"I know. And mahal na mahal ko pa rin naman sya e. Hindi ko lang alam kung paano kami ulit magsisimula." Nanglaki ang mata ni Tin sa sinabi ko.
"You mean.." I cut her na. Hehe!
"Yes. Gusto ko syang balikan ulit. Gusto kong maging masaya ulit Tin. At alam kong sya lang ang makakagawa nun para sakin." Ngumiti naman si Tin. Na kala mo excited na ibalita kay Deanna ang itsura. Hehe.
Nakita kong palapit sa amin si JV. Naramdaman naman ni Tin na gusto akong makausap ni JV kaya nagexcuse na rin sya.
"Kamusta ka na Jema? Nakakahiya na andito pa kami sa resto nyo ni Deanna. Despite sa mga nagawa ko sainyo." Alam mong sincere yung pagkakasabi nya nun.
Napangiti ako.
"Ahhh.. I'm really sorry Jema ha? Kung mababalik ko lang sana ang oras. Hindi ko sana ginawa lahat ng yun."
"Wala na yun JV! Siguro naman quits na tayo. Dahil naghiwalay tayo noon. Hahaha!" Natawa na rin sya sa sinabi ko.
"Grabeh Jema, napakaswerte mo kay Deanna. I never thought na sa angas ng dating nya na yun. E ang lambot din pala ng puso nya." Anong ibig nyang sabihin? Alam ko lang na inurong na nya yung kaso nya kay JV.
Napansin ni JV na parang diko magets yung sinasabi nya.
"Tin, is sick. Stage 4 brain cancer." Nanglaki yung mata ko. Oh my gosh! Bakit?
He smiled bitterly habang nagkukuwento. Alam mong he's hurting too.
"Wala kaming ganung kalaking pera Jema para ipagamot sya. But Deanna offered help to us. Mapapagamot ko yung asawa ko dahil sa tulong ng taong halos buong buhay kong kinamuhian. Nakakahiya. Pakiramdam ko mas lalaki pa sa akin si Deanna ngayon e." Hinawakan ko yung kamay ni JV.
"Binibigyan ka ni Lord ng chance JV para itama mo yung mga maling nagawa mo noon. And God is using Deanna to make sure na magagawa mong magbago para kay Tin at sa mga anak mo."
"Pangako Jema, aalagaan ko si Tin. I'll make sure na makakabawi ako sa kanya. Ibibigay ko ang lahat ng pagmamahal na kailangan nya."
Nakakatuwa naman na okay na ang lahat.
Kami na lang ni Deanna ang kailangan maging maayos para everybody happy na diba?
Nilapitan ko na si Deanna nung natapos na yung program at nagkanya kanya nang inom ang mga kaibigan namin.
"Thank you ha?" Bulong ko sa kanya. Nagulat naman sya nung nagsalita ako. Nag iisa kasi siyang umiinom sa table habang nanunuod kina Jade.
"For being the best Dada to our children. Kahit magkahiwalay na tayo ngayon, hindi mo pa rin sila pinapabayaan.. kaya thank you!" I offered my hand to her.
Tinignan nya lang to. Nakakainis parang ayaw pang hawakan ah?
Halos manginig naman ako dahil sa kuryente na naramdaman ko nung hawakan nya ako.
My gosh! Ganito yung feeling ko nung una kaming magmeet e.
Haaay! Namiss ko yung magkahawak yung mga kamay namin. I miss my baby na so much.
Nagkamustahan na lang muna kami ni Deanna dito. Saka ko na sya kakausapin about sa divorce namin.
Medyo nakainom na rin kasi sya e. Baka sa maboteng usapan pa mapunta to e.
Nung natapos na ang party. Isa isa nang nag siuwian ang mga bisita. Niyaya ako ni Deanna na magcoffee. Parang okay sa akin ito. Hindi naman siya ganun kalasing kaya maayos syang makakapagdrive.
Habang nasa byahe kami, diko maiwasan na kiligin. Ngayon na lang ulit kami nagkasama sa iisang lugar na kaming 2 lang.
Namiss ko sya.. namiss ko yung ganito kami.
Nung malapit na kami sa SB, papaliko na sana sya nung nagulat kami na may biglang dumaan na SUV sa harap namin. Sobrang bilis ng takbo.
Hindi ko na namalayan ang nangyari. Nagulat na lang ako. Nasa labas na ako ng operating room at inaantay ang doktor na nagcheck kay Deanna.
Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob. Kung pwede ko lang silang pasukin don ginawa ko na e.
Duguan ako. Pero alam kong wala akong sugat. Kaya kahit anong pilit ng nga nurse e hindi ako nagpapacheck up. Hangga't hindi ko nalalaman ang lagay ni Deanna hindi ako aalis dito.
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?