Deanna's POV
Ilang araw na rin simula nung umalis sina Jema.
Halos araw araw din akong umiinom. Hindi na rin ako nagpupunta ng resto. Buti andito sina Ate Bei and they're helping the kids to manage the resto habang wala ako.
"Dada, you need to eat po. We don't want you to get sick." Si Devon yun. Nung inagaw nya yung baso ko na may lamang alak.
"Dada, it's too early for this. Come on let's eat na Dada please?" Pangungulit pa nya kaya medyo naiirita na ako.
"Mauna na kayo. I don't have an appetite." Medyo galit na sagot ko.
"Are you trying to kill yourself Dada?" Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya at ininom ko ulit yung alak.
"Dada please?" Ang kulit ah?
"Would you please stop? Get out of my room. Kumaen na kayo don. And please stop bothering me. Okay? Pasigaw na sabi ko.
Naglagay ulit ako ng alak sa baso at tinungga ulit yun.
Akala ko umalis na yung dalawa, nagulat pa ako nung may magsalita ulit.
"I just want to let you know Da, you still have children living with you here. In case you haven't noticed." Si Dale naman yun. Sabay labas ng kambal sa kwarto ko.
Halos napaiyak naman ako sa sinabi nya.
What am I doing? Napapabayaan ko na yung sarili ko. Pati na rin ang mga anak ko.
Anong magagawa ko? Siguro naman deserve ko to. Kasi niloko lang naman ako ng asawa ko diba?
Hindi na ako umiinom e. Pero.. ikaw ba naman iputan sa ulo ng asawa mo diba? Baka kung ibang tao to.. baka napatay ko pa sila.
Nagpatuloy lang ako sa pag iinom habang hawak hawak ko yung pictures ni Jema at JV na nasa kwarto. Pati na rin yung DNA Test result ng kambal.
Tang ina mo JV! Napakahayop mo!
Halos mabasag ko na yung hawak kong baso sa galit ko.
Ilang oras din ang nakalipas nakatulog na rin pala ako dahil sa sobrang kalasingan.
Pagcheck ko ng phone ko ang daming missed calls and messages ni Ate Bei. Ayoko munang basahin bahala sya.
Ang sakit ng ulo ko pati na rin ng tyan ko. Isang araw na rin pa lang puro alak lang laman ng tyan ko.
Pumunta na ako sa kusina at nagdecide na akong kumain.
Meron namang niluto si Manang pero ewan ko ba parang iba ang hinahanap ko.
Binuksan ko na lang yung ref para maghanap ng pwede kong lutuin.
Ilang araw nang wala si Jema dito pero bakit parang punung puno pa rin ang ref namin.
Nakakita ako ng marinated na chicken sa ref kasi mukhang masarap kaya niluto ko.
Nung okay na.. nagsimula na akong kumaen.
Halos maiyak ako kasi.. gawa ni Jema to. Alam ko ang lasa ng food na pineprepare nya.
Sakto namang pumasok din sa dining area si Manang Lucing. Gusto kong itanong kahit alam ko naman na yung sagot.
"Manang, ang galing nyo po ah? Ang sarap ng pagkamarinade nyo nito." Tumawa naman si Manang ng nakakaloko.
"E anak, yung nasa table na may takip. Yan yung gawa ko. Yang niluto mo e.. sa magandang babaeng kilala ko. Yung hindi na pwedeng banggitin ang pangalan sa bahay na to!"
Diko napigilan matawa sa sinabi ni Manang. Kasi alam ko nasabihan ko sina Dale at Devon nung after umalis ni Jema na bawal nang banggitin ang Mommy nila simula nun.
"Manang ikaw ha? Ang dami nyo pong alam." Natawa na naman sya.
"Ay oo anak. Sa tanda ko ba namang to?" Pati ako natawa na rin.
"Anak, maiba nga pala ako. Bilin pala ng babaeng bawal banggitin ang pangalan na.. wag daw kitang hayaan na uminom lagi. Kaso sabi ko ikaw po ang Boss D dito e. Kaya diko mapipigilan. Pero.. ayun po dahil Boss nyo naman po sya dati e.. sumunod na po ako. Yung mga alak mo kasi anak ayun.. nasa basurahan na. Ahmmm. Ep way ay lang daw sabi nung..." Ang kulit talaga neto ni Manang. Kainis!
"Jema Manang. Sabihin nyo na po." Yung ngiti ni Manang parang baliw.
"Napanuod ko na to dati e. Alam ko na mga ganitong eksena e. Tsk! Tsk! Mga bata talaga!" Sabi ni Manang bago umalis.
"Manang.."
"Hmmmm..?"
"Buti nakabili na kayo ng stocks. Sinamahan ba kayo ng kambal mamili?" Curious kasi talaga ako e.
"Ahhh.. yan. Dala yan lahat ni Jema anak. Alam ko namang alam mo pero sinabi ko na rin. Ganun talaga ang asawa e.. kahit na mag away pa kayo, she still cares for you." Naks! Umeenglish pa si Manang ah? Hahahah!
"O sya anak.. matutulog na ako. Ikaw naman tutal gising kana.. may time ka na para ayusin ulit ang pamilya mo." Nagulat ako sa sinabi ni Manang.
"Ang tagal ko na dito Deanna anak. Pero alam ko yung pagmamahalan nyo ni Jema hindi basta basta mawawala. Mauuna pa akong mawala kesa jan sa pagmamahal nyo e. Laban na anak! Tama na tong pagpapahirap mo sa sarili mo at kay Jema." Nagsmile si Manang sa akin. At ganun din ako.
Umalis na din si Manang.
Pati pala yung stocks namin dito na food, punung puno din..
Diko napigilan ang sarili ko na mapangiti.
Kahit na nasaktan ko sya.. alam kong iniisip nya pa rin ako.
Teka.. baka para sa mga anak namin tong stocks na to.
Oo nga naman.. pero sabi ni Manang.. yung alak pinatapon ni Jema. Kasi ayaw nya akong uminom.
Yiieee! Kinilig naman ako.
(Diba? Galit ka Boss D?)
Oh nabuhay ka ulit author!
(Abah Boss D. Syempre naman patapos na tong story nyo. Kaya madalas na dapat ang screen time ko no! Hehehe!)
Going back...
Bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Kinuha ko na yung cellphone ko and started checking it.
Hindi ko muna pinansin yung mga messages ni Ate Bei.
I saw na may message sa akin si Jade.
Kinakabahan ako.. pero at the same time naexcite din.

YOU ARE READING
Huling Sandali
RomansBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?