21

767 23 0
                                    

Hi Dada! I missed you na po. I just want you to know whatever it is.. that you're going through.. I understand you.

You've been my idol, kayo po ni Mommy simula bata pa lang ako. I know it was hard to make decisions lalo na pag galit tayo.

Pero Dada, I hope you know na mahal na mahal po kita. Ikaw yung naging bestfriend at number 1 supporter ko. Minsan basher pa nga. Hehehe!

I felt happy kasi I'd get to experience being loved by you.. and being your daughter. Madaming inggit sa akin for having you as my Dada.

I will forever cherish you Dada. Sana one day, makasama ka ulit namin. Kami ni Doni lalo na ni Mommy. We miss you Dada and I know she misses you so much too.

Take care Dada and please don't drink na ah? Sayang naman po yung abs nyo. Hehe.

I love you my Dada!

Your baby princess,

Jade

Naiyak na lang ako sa message ng anak ko. Sa sobrang galit ko. Hindi ko na naisip kung anong magiging effect ng decision ko sa kanila.

Anak ko?

Tama naman si Jema. Never ko bang nafeel na hindi ko sila anak?

Ang tanga mo nga Deanna Wong! Bakit nagpadala ka sa galit mo?

Anak ko man o hindi si Jade at Doni, dahil anak sya ni Jema.. na asawa ko. Kaya anak ko din sila.

(Yan napapala ng padalos dalos Boss D!)

Mabuti pa na tahimik ka na lang author e. Kasi pasmado yang bibig mo.

(Ayyyy! Sabi ko nga po Boss D, mananahimik na lang ako.)

Good!

Jade's POV

Andito kami sa gym ngayon at may training kami. Ngayon na lang kami ulit magkikita ni Jana simula nung dinala namin sa ospital si Mommy.

Hindi din kasi siya pumapasok. May emergency daw. Sakto ring 1 week kaming walang game sa UAAP kaya ngayon lang talaga kami nagkaroon ng chance na magkita ulit.

Kinakabahan ako.

"Wong!" Si Kylie yun.

"Oh bakit?" Kunwaring iritang sabi ko.

"Bakit parang ang saya mo ata?" Kita ko kasi yung utak nya sa sobrang laki ng ngiti nya e.

"Pag masaya ako, bawal? Kailangan pag malungkot ang beshy ko.. malungkot din ang lola mo???" Natawa naman ako sa hirit nya.

"Oh bakit nga kasi."

"Eeeeeeekkk!!! Kami na kasi ni KC!" Wow! Good news nga naman talaga yan. Very good reason para ipakita sa akin ang utak nya dahil sa laki ng ngiti nya kanina. Ahahhaha!

"E di good!" Kunwaring walang emotion na sabi ko.

"Yan tayo e. Lakihan mo na rin ngiti mo kasi anjan na yung baby mo. Yieeeee!" Pagsabi nya nun.. bigla akong kinabahan. Tapos automatic din akong napangiti. Pero di kita utak ah? Maliit lang naman kasi labi ko compared kay Kylie. Hhahaha!

"Hi Baby!" Mahinang sabi ko.

"Hi Jade. Si Kap?" Saglit lang yung tingin nya sa akin. Parang kakilala lang ganun.

At si KC pa ang hinanap. Tapos Jade na lang ulit ako?

Sakto pagkasabi nya nun.. nasa likod ko na rin pala si KC.

"Yes? Hanap mo daw ako?" Tanong ni KC. Hindi na ako lumingon kasi alam kong iniiwasan ako ni Jana.

Tsaka.. hindi pa ako pwedeng lumapit gano sa kanya kasi nga.. low key diba?

Tama. Very wrong naman kasi ako. Bakit tinawag ko syang baby. E mahina lang din naman yung sabi ko.

(E ba't di mo kaya sya tanungin?")

Hayaan mo na muna po sya author. Mamaya ko na lang sya kakausapin ulit.

Nagstart na nga yung training namin. I can feel yung pagiging cold sa akin ni Jana. In between drills kasi, tumitingin ako sa kanya alam nyo na para magpacute pero never nya talaga akong tinignan kahit isang beses lang.

Nasasaktan na ako.

Sa sobrang sakit ng pag iwas nya napahawak ako sa dibdib ko.

Gusto ko nang umiyak, pero...

"Let's talk after the training sa usual spot." Bulong sa akin ng boses na miss na miss ko.

Nagfocus na lang muna ako at inantay ko na lang matapos yung training.

Di ko alam pero I know hindi magiging maganda ang pag uusap namin mamaya.

Natapos na rin ang training at pumunta na rin ako sa usual spot na sinasabi nya.

Sa spot kung saan kami nag aminan ng feelings namin sa isa't isa. Sa may malapit sa parking. Dun na rin kami madalas tumambay noong low key pa kami.

Teka.. bakit dito. Kung mag uusap kami.

I mean..

"Jade, sorry pero we need to stop this." Walang emotion na sabi nya.

Wala man lang entry na maganda. Wala man lang passing. Alam nyo yun pagkareceive palo agad ganun kasakit. Mas masakit pa sa facial.

"Why Jana? Ganun na lang ba katindi yung pagkaayaw sa akin ng Dad mo?"

"It's not about that!"

"E ano? Hindi ko ba deserve malaman yung totoo??"

"Basta, we need to stop seeing each other. Or even talking Jade. I will block you na rin sa lahat ng social media accounts ko. I just want to inform you para lang di ka magtaka."

"So you're breaking up with me? Ganun ba yun?" Tahimik na ulit si Jana.

"So what happened to that..

Ipaglalaban kita hangga't kaya ko?" Sarcastic na tanong ko. Hindi sya sumagot.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now