Si Doni di namin napansin ni Mommy pero pumasok na pala sa loob ng bahay.
Bago pa lang naman kami ni Jana, I know she will understand yung decision ko.
Tumingin si Mommy sa akin.
Niyaya nya akong umupo sa may malapit sa pool.
Bumuntong hininga muna si Mommy bago sya magsalita ulit.
Ako naman, tumigil na ako sa pag iyak. Alam kong sa mga oras na to, I need to be mature para sa akin at lalo na kay Mommy.
"It's not about you anak. Don't worry okay!" She managed to stay calm after almost crying in front of me.
"Pero Mom.."
"May mga problema talagang kahit anong gawin natin anak hindi na natin kayang isolve."
"And.. ayokong maging reason para di ka maging totoo sa sarili mo anak. Kung babae ang gusto mong mahalin, go I will not stop you!"
"Hindi nyo po ba ipaglalaban si Dada Mom?" Tumingin sa malayo si Mom alam kong patulo na ulit yung luha nya.
"Minsan kasi anak, malalaman din natin kung kailan yung tamang oras para lumaban pa.. at kung kailan kailangan na rin nating sumuko." Tumingin sa mga mata ko si Mommy and she held my hand.
"Kung anuman yung nararamdaman mo para kay Jana anak, push mo lang. I will support you. Hindi kita pipigilan. Ngayon kailangan ni Jana na ipakita mo sa kanya yung sinasabi mong pagmamahal mo sa kanya. Wag kang basta basta susuko. Hindi yung nahirapan ka lang saglit, wala na. Tatapusin mo na."
Alam mong ang lalim ng hugot ni Mommy. Haaaay!!
"Pero pano po si Dada Mommy, sina Kuya Dale at Kuya Devon po?"
"Anak, we can still visit your Kuyas naman some other time. Wag na muna ngayon please.." how about Dada? Hindi ko na tinanong baka masapak na ako ng nanay ko.
Yumuko na lang ako. Alam kong Mom's hurting too.
Siguro ang magagawa ko na lang is just be with her simula sa mga oras na to.
Yung about sa amin ni Jana, makakapagantay naman siguro yun. For now, si Mommy muna ang priority ko.
Pumasok na kami ng bahay. Tuwang tuwa naman sina MamaLa at Tatay Lolo nung nakita kami.
Namiss din namin sila e. Kahit malapit yung bahay namin sa kanila, minsan di rin kami makadalaw lalo na at medyo busy sa school and trainings.
They understand naman daw since ganun din naman daw sina Mommy noong player pa sila.
Ang daming food na niready ni MamaLa. Kaya kahit malungkot kami ni Doni sumaya naman yung tyan namin.
Jana's POV
"Siguro naman titigilan mo na yang babaeng yan! " Hindi ako makapaniwala sa pinakita sa akin ni Dad na document.
"Paanong.."
"Naging girlfriend ko si Jema before kami magkabalikan ng Mommy mo. And Luckily nagbunga yung pagmamahalan namin bago pa kami ikasal ng Mommy mo. Kaya kapatid mo si Doni at Jade." Ganun ganun lang yun? Parang maliit na bagay lang to para sa napakacalming na reaction nya.
"Mommy? Totoo po ba to?" Tahimik lang si Mommy. Ako naman halos magwala na yung puso ko sa sobrang galit ko.
Hindi ako naniniwala. Hindi pwede to.
"Kaya tigilan mo na yang kalokohan mo Jana! Oras na lumapit pa yang Jade na yan sayo, dadalhin na kita sa US at dun ka na mag aaral. Iiwan mo yang pagvovolleyball mo at mga kaibigan mo pag di ka nagtino." Galit na sabi ni Dad.
"So anong gagawin nyo Dad sa mga kapatid ko na sinasabi nyo?" Pilosopong tanong ko.
He smirked.
"Anong gagawin ko? Maayos naman ang buhay nila. I have you and Jan Victor, so okay na ako don." Wow! Talaga ba? Ganun lang yun?
"Hahahha! You're unbelievable Dad! So hahayaan nyo lang si Tita Jema na buhayin yung mga anak nyo? Magkapatatay naman kayo kung totoo mang anak nyo sila." Totoo naman.
"Malalaki na sila, they can take care of theirselves. Yang buhay mo ang intindihin mo wag yung ibang tao." Ibang tao? Wow, just wow talaga Dad.
"Napakawalang kwenta nyo namang tatay Dad. Nakakahiya namang maging anak ninyo!" Halos matanggal ang ulo ko sa sampal na binigay sa akin ni Dad.
Si Mommy naman na kanina lang tahimik e naitulak nang malakas si Dad.
"Don't you dare do that again JV! Wag mo na ulit sasaktan ang anak ko lalong lalo na sa harap ko."
Ngayon ko lang nakitang nagalit si Mommy sa kanya.
"E bastos e. Kaya ganyan yan kinukunsinte mo!"
"Sinasabi ko sayo John Vic, isa pang beses. Isa pang beses na gawin mo yan. Hindi na kita mapapatawad." Kitang kita mo yung galit kay Mommy.
At ngayon ko lang din nakitang natakot si Dad.
"Tssss! Magsama kayong mag ina." Sabay walk out ni Dad.
Napaupo na lang ako sa dining chair namin dahil na rin sa masamang balita na nalaman ko.
"Mommy, totoo po ba?" Naiiyak na tanong ko kay Mommy.
Tahimik lang si Mommy.
"Mahal ko si Jade Mom. Sobra po." Niyakap ako ni Mommy nang mahigpit kaya mas lalong tumulo na yung luha ko.
"Anak, I guess it's time to move on na. I mean, baka this is God's way of saying na hindi talaga kayo para sa isa't isa."
"Pero Mom.."
"Bata ka pa naman anak. You can still find someone na mamahalin mo."
Parang ang daling gawin..
Gusto kong sabihin sa kanya na ayoko. Pero paano ko pa mamahalin si Jade.. kung kapatid ko sya.
Haaaaaay!
Jade, baby. I'm sorry!
I'm sorry kung hanggang dito lang tayo.
Kaya ba umpisa pa lang..
Ang hirap hirap na?
Kaya ba umpisa pa lang..
Ang sakit sakit na?
Sana maging masaya ka pa rin kahit hindi na ako ang dahilan.
Sana makita mo pa rin yung happiness na deserve mo.
Ako.. siguro..
I will just love you sa paraang alam ko.
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?