48

1K 28 0
                                    

2 yeas later

Dino's POV

Pagbalik ko galing Korea, nagdecide na ako to stay here for good. Lalo na nung naaksidente sina Dada and Mommy.

Sobrang takot ko nun, ayokong mawala ang Dada and Mommy ko. Gusto ko pa silang bigyan ng apo. Hehe.

Speaking of, nagkabalikan na kami ni Tasha. I thought she was already married nung nagkita kami dati sa Batangas. Hindi pala. Nagassume lang pala ako.

Paano ko nalaman? Tito JV reached out to me nung nasa Korea pa ako. He gave me Tasha's number. Simula nun nagkaroon na kami ng communication and luckily naging kami ulit. Hehehe.

So next year na pala yung kasal namin ni Tasha. I already proposed to her nung pagkagaling pa lang ni Dada. Syempre, sa Idol tayo kukuha ng idea diba?

Hindi nga lang sa Eifel Tower naganap yung proposal pero goods na. Basta si Tasha ang pakakasalan ko, kahit saan pang simbahan at kahit ilang beses pa yan, G ako. Hehehe!

Sinabihan ko nga pala yung 2 na mauuna muna ang Kuya bago sila no. Hehehe! Same with Davi. Si Davi naman ay ikakasal sa long time girlfriend nyang si Fifi Sharma. Akala ko noon, walang gf pero meron pala. Masyadong malihim e. hahaha!

The following year na lang daw sila magpapakasal ni Fifi kasi baka masukob. Charot lang!

Naglalaro pa kasi si Fifi sa PVL ngayon, so gusto muna nyang mag enjoy kahit 1 year lang. So next year na lang daw after ng kasal namin ni Tasha. Yieeeee!!!

Todo kamot pa ng ulo sina Dale and Devon kasi baka iwan na daw sila nila Ashley and Elaine pag namove na naman ang kasal nila. Nakapagpropose na kasi sila. Dinelay lang ang kasal kasi nga naaksidente sila Dada.

Pero mas matindi pa daw ako. Kasi nauna daw sila nagpropose pero mas nauna pa akong magpapakasal.

Abah! Baka kasi magbago pa isip ni Tasha pag pinatagal ko. Heheh!

"Mabuti alam mo! Tagal ng istorya natin dito, hindi mo pa ako binalikan agad. Hmmmp!" Cutie ng fiancee ko. Yieee fiancee!

"Love, nagiging blooming ka lalo. Ganyan ka na ba kaexcited maging Mrs. Dino Wong?" Nakatikim naman ako ng kurot sa tagiliran ko.

"Pasalamat ka inantay kita. Ang daming nagkakandarapa sa beauty ko. Anong akala mo Mr. Dean Isaac Noel G. Wong!!" Hehe. Cutie mainis oh.

"Thank you nga Love love ko. My soon to be Mrs. Atasha Mielle Wong." Nakita ko naman na kinilig sya. Kaya niyakap ko na lang ulit. Ayoko nang asarin baka magbago pa ang isip e. Hehehe.

Hindi ko pa pala nasasabi guys no? Andito kami sa ospital ngayon.

Dahil...

Ewan ko ba kung gaano katindi tong Dada namin. At wag ka meron pong bagong angel sa buhay namin.

"Ang cutie nya talaga Love!!" Sabi ni Tasha habang nakasilip kami dito sa nursery room.

"Syempre, Wong yan e. Tignan mo ako super cute." nagpout pa ako at ginagaya si...

Dean Robert Ewan or Drew. The youngest Wong in the family.

Yes guys, you heard it right.

Sya nga pala ang bunso naming kapatid.

So... Naachieve talaga ni Dada yung first six sa mens volleyball team. Hindi nga lang kami magaabot sa PVL dahil baka pag laki neto e.. pwede na akong maging lolo. Hahaha!

Pero at least diba? Yung pangarap nila Mommy noon e natupad pa rin sa dinami dami ng mga pinagdaanan nila.

I can still remember nung bata pa ako na lumaki ako na wala si Dada sa tabi ko. Nung nagkabalikan sila ni Mommy, I saw how wonderful my Dada is.

Hindi man sya tunay na lalaki, but she was able to provide the best life for us. Sa amin ng mga kapatid ko.

She was a role model lalo na nung lumalaki ako. She made terrible mistakes before.. pero what I admire her the most is her bravery to accept and acknowlegde yung mga lapses sa ugali nya and sa buhay nya.

She acknowledged na tao lang din sya, nagkakamali at nagkakaroon ng mga maling decision sa buhay. Ang importante daw e...mahalaga. char lang!

Ang importante daw e natututo tayo sa mga maling decision natin. Diba?

She told me na, sobrang saya ng buhay nya kasi nagkaroon sya ng mga anak na katulad namin. Na mababaet na e.. pogi pa katuld nya. Cool diba?

Pero kidding aside. I want to be like her pag kinasal na kami ni Tasha at pag naging Daddy na rin ako. Pag may Junior na ako, I promise to love him the way my Dada and Mommy loves me.

I will have a very big happy family tulad ng sa amin.

Mag aaway man kaming magkakapatid pero kami kami lang din ang magkakampi hanggang sa huli.

I will make Taska the happiest wife she could ever be. Kasi nga.. a happy wife means a happy life.

I want that kind of love that my Mommy and Dada have. Yung unselfish, napakaunconditional and pure. Yung kahit magkamali ka.. she will pick you up and carry you para sabay kayong lalakad to a better future.

Gusto ko nung ganong pagmamahal.

The kind of love that will always choose you.

The kind of love that will be your home forever.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now