"Pero Mom bakit po? Ayaw nyo po ba kasi pareho kaming babae? Diba po nakwento ko na sya sainyo last week? Okay naman kayo nun diba Mommy?"
"Yes, but not until I met her." Ha? Bakit akala ko ba Jade looks nice naman. Ang gulo nya po.
"Mommy whould you please explain to me what's happening? Okay naman po sya diba? Mabaet naman po at magalang. Maayos naman po syang nakipag usap sainyo kanina. Bakit po ba talaga Mommy?" Naguguluhan na talaga ako e.
"Hindi mo na dapat malaman pa. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na wag kana magpakita sa kanya. Do you understand that Jana?" Mataas ang boses nya. Kaya mas lalo akong nainis.
"No Mommy!!" Galit na sigaw ko din sa kanya.
Tumigil si Mommy sa isang car space na nakita nya.
Kinakabahan ako kasi kung mag aaway man kami ni Mommy ngayon this is the first time. She's always been my kakampi simula nung bata pa ko. At alam kong favorite nya akong anak. I know she loves me.. and she understands kung bakit si Jade yung minahal ko.
"Titigilan mo to o sasabihin ko sa daddy mo ang kalokohan mo?" Ayan na. Gumamit na sya ng Daddy card. Alam nya kasing ayoko ng attention galing kay Dad. Ayoko din na nagagalit sa akin si Daddy kasi hindi na nga nya ako paborito e galit pa sa sya sa akin. E saan ka pa diba?
Tumahimik na lang din ako.
Nagdrive na pauwi si Mommy kaya di na rin ako nagsalita pa.
Ayoko na munang makipagtalo sa kanya. Not that I agreed sa gusto nya.. pero baka nabigla lang si Mommy kaya ganun ang reaction nya kanina.
First time kong magkaroon ng relasyon sa babae pa. So baka nga.. just maybe shocked lang sya sa news ko.
Pero kasi last week nakwento ko naman na yung about sa feelings kay Jade. Very supportive naman sya hanggang kanina.. hanggang bago nya malaman na isang Wong si Jade. Hindi kaya magkakilala ang parents namin?
Baka nga.. kasi dati ring National Player si Daddy sa volleyball. Di nga lang ganun kasikat unlike ng parents ni Jade.
Hayyyyy! Hahayaan ko na muna si Mommy baka nga nabad mood lang sya bigla.
Baka nga..
Pag uwi ko sa bahay dire diretso na lang ako sa kwarto ko.
Kinuha ko na yung phone ko and tatawagan ko na sana si Baby ko nang may magmessage ulit sakin..
Teka.. inunblock na ko ni Mybabyfalcon..?? Bakit?
Hi Baby!
Baby are you home na?
Baby!!!
Baby I miss you!!
Baby? Teka.. sya ba si..
Nagvideo call ako sa kanya then sinagot nya.
Shocks!!!
Surprised?
Hi Baby. How are you?
Ikaw si..
Yup you're one and only!
Kainis! Medyo kinilig naman ako doon.
Kinwento na nya kung bakit nya ako minessage noon at blinock. Pati na rin yung username nya bakit ganun.
Ikaw ha? Umpisa pa lang crush mo na ako no! Pang aasar ko sa kanya kaso.. yung banat.
Umpisa pa lang Mahal na nga kita diba? Kaya wag ka na magtaka.
Tse! Kainis!
Uuyyy kinikilig. Ganyan pala kiligin ang Baby Setter ko! Awwww! Ang cutie.
So how are you baby? Tanong nya. Medyo kinilig na naman ako guys!!!
Yieee. Di parin ako sanay. Kaya bawat sabi nya ng baby napapalip bite ako. Kasi naman e..
Tigilan mo nga muna ako Jade.
Jade? Jade ba pangalan ko? Diba Baby?
Hahaha. Ang arte.
Oo na baby.
Tigilan mo muna kasi ako sa pagpapakilg mo.
Iiihhh nakakatunaw naman kasi tumingin tong isang to e.
Sunduin kita bukas ha?
Teka...
About that. Pwede bang low key muna tayo?
Kinakahiya mo bako? At nagpout pa nga.
Hindi naman.. pero kasi..
Kasi ayaw sakin ng Mommy mo no?
Yun nga ang nakakapagtaka e.
Sya kaya mismo nagsabi saki na sabihin sayo na gusto kita. Kita ko naman na nagulat si Jade sa sinabi ko.
Really???
Yes.. Kaya nagtataka ako bakit ganun reaction nya nung nalaman nya yung name mo. At anak ka nila Tita Jema e.
Hmmm.. hayaan na lang muna natin sila baby. Baka nabigla lang din si Tita.
Siguro nga.. kaya.. For now baby, low key lang muna tayo ah?
Yieee. Kinikilig din ako nung tinawag ko syang baby.
O sige na eat ka na muna jan Baby. Andito pa kami sa dinner e.
Pero let's meet pa rin tomorrow okay? First date natin yun e.
Okay.. I love you baby!
I love you!!
Nag end na yung call namin.
First date with my first baby. Awwww cutiieeee!!!
Ahhhh!!! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Haaay!
Pinalitan ko na yung name nya sa cp ko. Kailangan bukas may picture na kami para mapalitan ko na rin yung wall paper sa phone ko. Yieeeee!
Ahhhhhhhhh!!! Kinikilig pa rin talaga ako.
Sa sobrang kilig ko napatawag na din ako sa BFF ko.
Swishhhyyy???
Oh my gash wag mong sabihin..
Yes kami na nga Swissshyy!!!
Sabi ko wag mong sabihin e. Hahaha!!
Ayun kinuwento ko na sa kanya ang buong detalye ng aminan namin kanina at kung pano naging kami.
Sinabihan pa akong maharot. Kasi di man lang daw ako nagpakipot.
Papakipot paba e Jade Wong na yung lumalapit. Tsaka sabi ko sa sobrang torpe nun baka umurong na naman ang dila at maunsiyami pa yung love life ko diba?
Palay na lumalapit e.. kaya tuka agad. Char. Hahaha!
Bigla kong naalala si Mommy. Bakit ganun yung reaction nya? Sana naman nabigla lang talaga sya. Wag naman sana akong pigilan ni Mommy kung sino yung gusto kong mahalin.
![](https://img.wattpad.com/cover/344961815-288-k716620.jpg)
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?