22

754 28 2
                                    

"Of course. Sinabi mo lang yun baka kasi on a high ka pa dahil kakasagot mo lang sakin halos nun. Sabagay sino ba ako para ipaglaban mo?"

"Jade please?"

"What Jana? Sinasaktan mo ako ngayon. Can't you see? I'm a mess now! Naghiwalay ang parents ko thinking na baka dahil sa akin.. sa atin. Pero did you know what my Mom told me?

Kung anuman yung nararamdaman mo para kay Jana anak, push mo lang. I will support you. Hindi kita pipigilan. Ngayon kailangan ni Jana na ipakita mo sa kanya yung sinasabi mong pagmamahal mo sa kanya. Wag kang basta basta susuko. Hindi yung nahirapan ka lang saglit, wala na. Tatapusin mo na.

Ganun ka din ba Jana, pag nahirapan ka na.. susuko ka na? Akala ko.. worth the risk tong love na meron tayo. Akala ko deserve ko din yung mahalin mo ako. Pero hindi pala."

"Jade.."

"Ano Jana?? Tell me!!!" Nagtitinginan na yung mga tao sa amin pero wala na akong pakialam sa low key na yan.

"Jade wag kang sumigaw. Nakakahiya!"

"Why? Nahihiya kang malaman nila na naging girlfriend mo ako? Ganun ba?"

"Mag usap na lang tayo ulit some other time. Aalis na ako!"

"Wala nang some other time Jana, kasi.. ayoko na rin. Tutal mukhang di naman totoo yang sinasabi mong pagmamahal mo sa akin. Kasi kung totoo hindi mo ako basta basta ilelet go."

"Hindi mo ako naiintindihan!"

"Bahala ka na." Paalis na sana ako nang..

"Magkapatid tayo Jade!" Napatigil ako nung sinabi nya yun.

Paano nangyari yun?

Kaya ba nya ako iiwan?

Yun ba yung dahilan bakit naghiwalay sina Mommy at Dada.

Umalis na si Jana sa harap ko. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng parking area. Hindi ako makagalaw.

Hindi ako makapaniwala.

Totoo ba yun? Bakit? Paano?

I need to know the truth.

Deanna's POV

Pagkatapos kong basahin yung message ni Jade agad ko syang tinawagan.

"Dada?"

"My Baby Princess! How are you na anak?"

(Akala ko ba...)

Shut up author!

"Hi Dada. I'm good po. Kamusta ka na po Dada? Baka umiinom ka po jan palagi ah?" Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Sorry anak, babawi na lang si Dada."

"What do you mean Dada? Susunduin mo na po ba kami nila Mommy?" Dinig na dinig ko yung excitement sa boses nya. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa mga anak ko at pati na rin kay Jema.

"Basta anak, just be with Mom okay. Alagaan mo sya for me. Okay? I love you my baby princess!!

"Ewwww Dada! Pero sige na nga.. I love you too Dada ko!"

End call.

Alam ko nagkamali ako. Kasal kami ni Jema at tatanggapin ko sina Jade at Doni kahit hindi man sila sa akin.

Mahal ko sila, I was there nung una silang nagsalita. Naglakad. Nung unang beses na nakita ko silang humawak ng volleyball.

Dapat hindi ako nagpadala sa galit ko. Dapat kahit masakit pinakinggan ko si Jema. Dapat mas naniwala ako sa asawa ko.

Kinuha ko yung pictures at DNA result at tinapon ko na yun. Wala na akong pakialam. Magkadugo man kami o hindi.. hindi na importante sa akin yun.

Basta ang alam ko.. anak ko sila. At gusto kong ako lang ang nag iisang Dada nila.

Inayos ko na yung kwarto namin ni Jema. Inayos ko na rin ang sarili ko.

Gusto ko pag humarap ulit ako sa mag iina ko.. maayos ako.

Sana hindi pa huli ang lahat. At sana.. tanggapin pa rin ako ni Jema.

Maya maya, nagring ang phone ko.

Si Des.. yung attorney ni Jema. Bigla akong kinabahan. Kaya di ko agad nasagot.

Nagtext naman sya.

"Deanna, let's meet at your resto at 2."

"Okay!" Yun na lang ang naisagot ko. Alam ko kung para saan to.

Hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat para balikan nya ulit ako.

Alam ko naging siraulo ako. Pero, para sa pamilya ko.. para sa akin at sa mga anak namin willing akong magmakaawa na balikan ako ni Jema.

Pagdating ko sa resto nakita ko na agad si Des.

"Hi, Deanna! Long time ah?" Nakipagbeso muna ako sa kanya.

Niyaya ko na rin sya sa office ko. Para mas private ang pag uusap namin.

"I will not waste our time here Deanna. Here.. just sign this." Ayos! Wala nang paligoy ligoy.

Binasa ko yung nakasulat. Lahat ng demands ni Jema na andon.

Yung custody ng mga bata. Pwede ko silang bisitahin. Mga ganung bagay.

Pero.. walang binanggit doon about sa pera. Knowing Jema, hindi talaga mangyayari yun.

Pagkatapos kong basahin, hindi ako nagsasalita.

Nanghihina ako e. Nasasaktan.

Pero.. at the back of my mind. I deserved this. Sinaktan ko sya e. Dapat nga triple pa dito siguro ang dapat na maranasan kong sakit.

"Nagtataka ka siguro bakit wala jan yung financial support sa mga bata." Umiling ako.

"Hindi nakakapagtaka yun Des. Wala syang gustong makuha kahit singkong duling galing sa akin. Si Jema yun e.. never mangyayari yun." Nagsmile na lang si Des sa sinabi ko.

"Grabeh Des no? Sa tagal namin ni Jema. Sa paulit ulit na hiwalayan at balikan.. dito pa rin talaga ang bagsak namin no?" Malungkot na sabi ko.

"Alam mo Deanna.. never kong nakita na naging ganun si Jema. Simula nung nakilala ko sya.. napakamasayahin nyang tao. Napakapositive..pero ngayon, ibang iba ang aura nya. Hindi na sya ngumingiti. Napakaformal na nya even to me." Hindi na ako nagtaka. Nasaktan ko sya e.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now