31

1K 38 12
                                    

Jana's POV

Nakauwi na kami ng bahay nila Mommy at Jan. Magdinner pa sana kami sa labas kaso sinabi kong pagod na ako.

Pero ang totoo nun gusto ko na lang talagang umuwi dahil na rin kay Daddy. Ayoko syang makasama hangga't maaari. Lalo na sa ginawa nya kanina.

Maya maya..

"Sir JV, may mga pulis po sa labas. Hinahanap po kayo." Sabi ni Ate Mona, kasambahay namin.

Pinapasok naman ni Daddy yung mga pulis sa loob. Pinaakyat na kami ni Jan sa mga kwarto namin. Si Jan dumiretso na. Pero ako, nagtago na lang sa likod ng pinto.

"Sir, para saan po ba to?" Tanong ni Mommy sa mga pulis. Nakita ko naman na may inabot yung pulis kay Daddy.

"Ano to??" Galit na sabi ni Daddy sa mga pulis.
Inexplain naman nila na nagdedemanda daw si Tita Deanna dahil sa ginawa ni Dad. Kasong rape and defamation daw.

"Hahaha! Hindi totoo to! Anak ko ang mga yun!

Tsaka anong rape? May patunay ako na pareho naming ginusto yung nangyari sa aming dalawa ng asawa nya." Paliwanag pa ni Dad.

"Sumama na lang po kayo sa amin Sir." Sabi pa nung isang pulis.

"Tin, tawagan mo si Noel yung lawyer natin." Nakita ko naman na tumawag na rin si Mommy. Haaaay! Gulo na naman to.

"Yes Sir, dun na po kayo magkita sa prisinto pero sa ngayon kailangan nyo na pong sumama sa amin." Nadinig ko naman na hindi na rin tumanggi si Daddy. Maayos na syang sumama sa mga pulis.

Agad kong pinuntahan si Mommy pagkaalis nila Dad.

"Mom, are you okay?" Nakita ko kasing tulala si Mommy.

Nakausap na rin nya yung lawyer na sinasabi ni Dad.

"Is it true Mom na nirape ni Daddy si Tita Jema?" Tumingin lang sa akin si Mommy. I know she wants to tell me, pero may pumipigil sa kanya.

"Ang sama ko bang tao na lagi ko na lang iniisip yung gusto ng Daddy mo?

Masyado ko na bang inispoil ang Daddy mo kaya naging ganyan sya?" Naawa naman ako kay Mommy kaya hinawakan ko na lang yung kamay nya.

Pero sa totoo lang, oo ang sagot ko. Masyadong naging sunud sunuran si Mom kay Dad simula bata pa lang ako.

Alam kong madaming maling decisions si Mommy at isa don e.. yung lagi na lang syang sumusunod sa gusto ni Dad kahit mali na.

"I'm really sorry anak ha?"

"I'm sorry if I wasn't a good example to you and Jan." Paiyak na sabi ni Mommy.

"Actually Mommy, you are. I admire your love for Dad. Just maybe a little too annoying sometimes but.. I get it. I understand you!" I smiled at her.

Totoo naman, grabe lang talaga siguro yung pagmamahal ni Mommy kay Dad kaya naging ganito na sya halos kamartir.

Sana lang malagpasan na rin namin to. Sana magbago na rin si Dad hindi para sa amin kundi para kay Mommy.

Jema's POV

"Bakit andito ka na naman ba?" May binigay sa akin na papel si Deanna.

"I filed a case for JV. Rape and defamation!" So? Anong ineexpect nya matuwa ako?

"Para saan pa? Rape?? Are you sure na nirape nya nga ako? Are you sure na hindi sa kanya ang kambal?" Matapang na tanong ko kay Deanna pero hindi pa rin nagbabago ang reaction ng face nya.

"Anak nya man o hindi ang kambal, he deserves to be in jail."

"Tigilan mo na to Deanna. Walang magbabago sa  decision ko. I will still continue with the divorce kahit ano pang kaso ang ibigay mo kay JV." Galit na sabi ko.

"This is the only thing I can do to protect you and our children from that moron!" Talaga ba? Bakit hindi nya ginawa umpisa pa lang.

"So what made you change your mind Deanna? What made you decide na magfile ng rape case against JV?

Kasi ano? Takot ka? Takot kang mag isa? Ganun ba  ha?"

"Jema parang awa mo na please! Pakinggan mo muna sana ang paliwanag ko. Please baby?"

"Pakinggan? Hahaha! Wow Deanna? Binigyan mo ba ako ng chance magexplain sayo nun? Hindi diba??"

"I know kaya nga I'm sorry Jema. Please isave natin tong marriage natin. I know I've made a mistake." Umiiyak na si Deanna. Hindi ko sya tinitignan kasi baka madala ako.

Kailangan ko tong pigilan.

"Please Jema para sa mga bata?" Lumuhod na si Deanna sa harap ko. Ayoko mang gawin nya to, kaso nagawa na nya..hindi ko alam pero hindi ko na halos maramdaman yung sakit sa ngayon.

Manhid na ba ako? O baka..

Hindi ko na sya mahal?? Mga tanong na paulit ulit sa isip ko.

"Para sa mga bata? Nung time na pinalayas mo ako inisip mo ba yung mga bata? Iniisip mo lang kasi yung sarili mo. Lagi kang ganyan Deanna. Pag alam mong hindi mo na kaya. All you know is how to get out!

Alam na alam mo lang kung paano ako iwan. Pero never mo kinonsider yung lagay ko." Galit na sabi ko habang umiiyak pa rin sya at nakaluhod.

"Naaalala mo paba yung rason bakit ako nagkasakit noon? Kasi paulit ulit mo akong iniiwan Deanna!

Huling SandaliWhere stories live. Discover now