"So anong gusto mo?" Lakas loob na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam bakit tinanong ko yun.
"Haha! I know where this is going. Ikaw.. sabihin mo." Sarcastic na sabi nya. Sabay punas ng luha nya.
"I don't have time for this Jana. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin." Nakatingin lang ako sa kanya. I can see in her eyes na nasasaktan ko sya pero pilit nyang tinatago.
"Tsk! Dahil ba meron kang Patrice kaya madali na sayo na sukuan ako, ganun ba yun ha Jade?" Please lang! Stressed na ako sa buhay ko. Wag nang paligoy ligoy pa.
"Jade kaya kong tanggapin na wala kang oras sakin dahil inaalagaan mo si Tita Jema. Pero yung magsinungaling ka.. at makikita kita dito kasama mo pa yan si Patrice. E iba na yun!"
"Wala akong ginagawang masama Jana." Pagtatanggol ko.
"Wala nga. Pero hindi ibig sabihin nun hindi mo ako nasasaktan." Umiiyak na rin ako sa sinabi nya. Ayoko syang nakikitang nasasaktan. Mahal na mahal ko siya.
"Girlfriend mo ako Jade. Baka lang nakakalimutan mo." Tahimik na lang ako. Halos hindi na ako makapagsalita dahil na rin sa pagpipigil ko ng iyak.
"Akala ko ba hindi mo ako susukuan?" Lakas loob na tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi ako sumusuko Jade. Ikaw, ang gusto kong lumaban para sa atin. Pero mukhang hindi mo yun kaya. Pagod na pagod ka na kasi diba?"
"Jana, please??" Umiiyak na sabi ko.
"I can fight for you for as long as I know you will always choose me. Pero hindi e.. ako lagi yung huli sa priority mo. Ako lagi yung dapat umintindi sayo.
Siguro nga kasi, alam mong hindi kita susukuan. Siguro nga kasi alam mo na sobrang mahal kita.
Pero Jade, may hangganan din tong puso ko sa pagmamahal. Napapagod din to. Nasasaktan.
I'm really sorry Jade, pero.. we're done!" Sabay alis ni Jana. Hindi na ako makagalaw dito. Halo halo na din yung emotions ko.
Ganun lang yun? Ganun lang kabilis nawala ang babaeng pinakamamahal ko.
Stressed na ako kay mommy, sumabay pa etong issue namin ni Jana.
Gusto ko na lang mawala sa mundo e...
Gusto ko na lang sumama kay Dada.
Nagstay muna ako sa MOA at dun na lang ako nagpalipas ng oras. Gusto ko munang mapag isa.
Kung pwede nga lang hindi umuwi sa bahay ginawa ko na. Pero.. alam kong sasakit rin ang ulo ko pag ginawa ko yun.
Pag uwi ko ng bahay nakaabang na agad si Mommy sa living room.
"O how was it." Nakasmile pa sya nung nagtanong sya.
"Good Mom." I showed her our picture together.
"O diba sabi sayo e. You look good together talaga. Haay! Ang ganda talaga ni Patrice." Nakatitig pa rin sya sa pic namin na pinakita ko.
Hindi na ako ganong nagsasalita. I'm not in the mood dahil na rin sa away namin ni Jana kanina.
Tatayo na sana ako nang magsalita ulit si Mommy.
"Tawagin mo na Dada mo Jade kakain na tayo. " Hindi ako sumagot. Umupo na lang ako ulit sa sofa.
Tumayo na sya dahil pupunta na sya ng dining area.
"Wala ka bang nadidinig Jade?" Medyo napalakas na yung boses nya.
Pero hindi pa rin ako sumasagot.
Lutang na ako sa kakaisip ng mga sinabi sa akin ni Jana kanina.
"Ano ba? Nakikinig ka ba ha??" Sigaw ni Mommy sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas ng loob ko pero..
"Wala na si Dada Mommy. Patay na sya." Walang ganang sagot ko.
"Anong sinasabi mo ha?" Biglang dating naman ni Doni. Sa sobrang lakas ng sigaw ni Mommy kaya siguro napababa sya bigla.
Humarap na din ako kay Mommy para sagutin siya.
"Tanungin nyo pa si Doni Mommy. Wala na si Dada. Iniwan na nya tayo!" Umiiyak na sabi ko. Ngayon na bumuhos yung luha ko dahil na rin sa galit sa akin si Jana.
"Ikaw na bata ka bastos ka na. Dahil yan jan sa gf mong si Jana e.. anak kasi yan ni JV kaya masama ang influence sayo." Eto na naman po kami.
"Talaga ba Mommy?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumagot pa lalo.
"Bro, tama na yan!" Singit pa ni Doni. Pero diko sya pinansin.
"Bakit po Mommy? If it weren't for you.. kung hindi nyo naging BF yang si Jv na sinasabi nyo. Maayos sana buhay nyo ni Dada. Wala sana kayong naging problema. At sana buhay pa si Dada hanggang ngayon!!!" Sinampal na ako ni Mommy. Sa sobrang lakas lalong tumulo yung luha ko.
Pero wala na akong pake. Mas masakit pa dito ang nararamdaman ko ngayon.
"Kung meron man dapat sisihin dito kung bakit nawala si Dada kayo yun Mommy kayo!!"
"Bastos ka talaga ah?" Sasampalin pa sana ako ulit ni Mommy pero pinigilan na sya ni Doni.
"Jade, tama na please." Pagpigil sa akin ni Doni.
"Umalis kana dito sa bahay ko. Wala akong anak na bastos."
"Aalis po ako Mommy don't worry po. Katulad ng ginawa niyo kina MamaLa. Isusumbat nyo din ba sa akin na kayo ang naghirap sa akin?" Todo todo na yung luha na lumalabas sa mga mata ko.
"Siguro naman po bayad na ko, Mommy.
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?