Ganun na siguro talaga yung naging effect ng ginawa ko kay Jema.
"You see Deanna, I never thougt talaga na maghihiwalay pa kayo ulit ni Jema. Nung unang beses na iniwan mo sya.. never akong kinontact nyan. Nauna pa nga kitang nakita ulit kesa sa kanya e. Remember when you first filed the divorce?" Yep. I remembered that. Isa sa mga maling decision ko sa buhay noon.
"Pero this time.. iba na. Ibang iba na si Jema Deanna. I'm sorry pero.. I can tell sa aura ni Jema na there's no turning back na Deanna. I'm really sorry." Masakit man na madinig ang totoo pero.. alam kong tama ang sinasabi ni Des.
"Yes, I am too. Masyado kong sinaktan ang asawa ko sa mga maling decision ko sa buhay. Mga decision na sobrang nakasakit kay Jema. If only I could turn back time. Hindi ko gagawin yun. Pero Des.." she looked at me.
Natigilan ako. I can see sa mata ni Des yung...
"There's still a chance Deanna." She said it nang nakangiti.
Totoo? May chance pa ako to save our marriage?
"Since alam na alam ko naman na hindi mo rin talaga pipirmahan to ngayon.." yung itsura ko.. diko na rin maintindihan.
"Haaay nako Deanna Wong! I just went here to see kung mahal mo pa ba ang asawa mo. Kasi yung mukha ni Jema parang pinagsakluban ng tadhana e. Akala ko talaga wala ng comeback e. Pero sabi nga nila.. habang may buhay may pag asa." Medyo malalim na ata yun? Pero gets ko. Gets na gets ko!!
"I can give you a month para ayusin ang pamilya mo." Nagulat ako sa sinabi ni Des.
"Really Des? Oh my gosh!!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko maiyak.
"Jema's like a family to me.. kayo ng mga anak mo Deanna. I still look up to you guys as a perfect LGBT family. Alam mo yun, napakasikat nyo as a couple tapos achievers pa mga anak ninyo. Pwede na kayong masama sa mga huwarang family of the country e. Hehehe!" Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Pero kidding aside Deanna. I can see na mahal nyo pa rin ang isa't isa. Medyo mabigat lang talaga ang reasons pero I know, kakayanin nyo tong dalawa." I smiled sa thought na may chance pa ako para itama ang mga mali ko.
"Consider this as my wedding gift sa inyo." Nagtaka naman ako. Parang ang gulo.
"Ikakasal na kasi ako. So dahil masaya ako na ikakasal na ako, ako na ngdecide na regaluhan kayo. Hehe!"
"Des, sobrang salamat!" Sobrang saya ko sa balita na to.
"Tigilan mo na tong hiwalayan eme nyong dalawa. Jusko! Nasa book 5 na tayo di pa rin tapos to. Gusto ko ng happy ending please lang!" Natawa naman ako sa hirit nya.
She said na sasabihin nya kay Jema na bigyan sya ng 1 month para ayusin yung divorce papers namin.
Tinawagan nya muna saglit si Jema para ipaalam yung balita. Nung una parang umaangal pa si Jema pero dahil nga makulit si Des e.. walang nagawa ang asawa ko. Hehe. Asawa ko parin naman talaga sya.
Pumayag naman daw si Jema. Kaso.. muntik na daw syang tumumbling sa sobrang kulit ni Jema.. Napapayag nya lang daw nung sinabi na ni Des na she's preparing for her wedding daw.
Pero ang totoo naman e.. next year pa talaga yung kasal. Haha!
Thank you Lord for Desiree Cheng! You really matter especially to our family.
Haaay! Nakapaswerte ko talaga sa mga tao sa paligid ko.
So, it all depends on me now.
Operation ibalik ang tamis ng pag ibig part 100!! Hahaha!
(Tawa ka jan. Tignan natin kung hanggang saan ang tibay mo Boss D!)
Author parang gumaganda ka everyday.
(Tse!! Wala sa akin ang bolang kristal kaya tigilan mo ako.)
K. 🤣🤣
(A/N: Imagination lang to everyone. Dahil nasa wattpad tayo nasa akin ang bertud. Hahaha!)
Jana's POV
It has been a week simula nung huli kaming nag usap ni Jade. I focused myself sa studies ko at sa volleyball.
Never na akong lumabas ng kwarto ko kahit free time ko. Sa school na ako kumakain at madalas pagkagaling ko ng school e natutulog na rin agad ako pagkauwi.
I don't open my socila media accounts na.
Si KC nga sa training at school ko na lang din nakakausap e. Kahit nagtatampo na yun.. bahala muna sya. Masaya naman sya ngayon dahil sila na ni Kylie.
I'm happy for them.
Si Mommy and Daddy naman napapansin ko hindi na rin masyadong nag uusap lalo na this past few days.
Si Jade naman nakikita ko na lang din sa class at pati sa training. Kinakausap naman nya ako especially pag nasa practice lang. Pero after nun wala na.
I saw her once nga e.. sa parking din nung pauwi na ako. Sino nga yun.. ahh.. si Jen Nierva ng NU. Maganda sya ah? In fairness bagay sila.
Kahit na alam kong magkapatid kami, hindi pa rin nawawala yung feelings ko for her. I don't know kung hanggang kailan to.. o kung mawawala pa ba?
Naiinis ako nung naaalala ko kung paano ngitian ni Jade si Jen. Sa sobrang inis ko. Nag init yung ulo ko kaya bumaba muna ako para kumuha ng tubig sa kitchen.
Pero bago pa ako makalapit, nadinig ko si Mommy and Daddy nag uusap.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganito kasama sa mga Wong JV?"
"Tin, pwede ba pagod ako."
"Hindi JV, ngayon tayo mag usap."
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?