10

997 23 0
                                    


Jema's POV

Andito kami sa bahay nila Ate Jia. Dito gaganapin yung mini reunion ng CCS Fam. Andito sina Ate Ly, Ate Jia, Ate MG, ang BFF kong si Kyla, Sina Tots and Ced, pati na rin si Ate Ella. Haaay! Miss na miss ko na tong mga to.

Lahat kami married na even si Ate Ly. Naging husband nya si Chew Min Feng yung sikat na volleyball player ng Singapore. Oh diba? Happy na lovelife nya ulit. Hehehe.

"Jema!!! Grabeh! Yan ba ang may 6 na anak? Jusko! Parang di nagbago katawan mo!" Sabi ni Ate Jia!

"Well!" Pagyayabang ko. Hahahah!

"Pano naman siguro inaaraw araw nyo naman ni Wong." Sabat naman netong si Tots.

"E ano kung araw araw? Ikaw nga maya't maya." Pangbabara ni Ced. Na lalong kinatawa naming lahat mga loko loko parin e.

"Oh kamusta na mga anak mo Jema?" Tanong ni Ate Ly.

"Bakit parang ako ata ang hot seat dito? Ha?" Nagtawanan naman ang lahat.

"Abah teh! Ikaw kasi ang may first six na anak sa volleyballandia kaya sagot na!" Si Ate Ella na hanggang ngayon baliw pa rin.

"Okay okay. Suko na ako. Si Dino and Davi, maglalaro na sila sa Korea!" Di naman na sila nagulat.

"Oh buti pinayagan mo na?" Sabi ni Ate Ly.

"Long story pero paiksiin na lang natin. Hehe! Matatanda na mga anak ko, okay na din yun. Para madami silang options sa buhay." Lahat naman sila nag agree.

"Sina Dale and Devon, last playing year na nila sa Ateneo. Inoofferan na rin sila ng Cignal, kaya malamang igrab na nila."

"Ahhhh..." Chorus silang lahat. Hahaha!

"Good for them!" Sabi naman ni Ate MG.

"At yung isa ko pang kambal.. mga freshmen na. Sa Ateneo din si Doni tapos sa Adamson naman si Jade." Nagulat silang lahat except for Kyla syempre.

"Hindi yata namin nabalitaan yan?" Sabi ni Ate Jia.

"Oo Ate. Last minute decision lang din. Tapos gusto daw na sumunod sa yapak ko kaya sa Adamson nagpunta." Kwento ko pa.

Napansin ko si Ate Ella.. ang ingay ingay kasi nito kanina. Ngayon biglang tumahimik nung nabanggit ko si Jade.

"Ells! Ilabas mo yan. Ang baho na nyan mamaya. Hahaha!" Hindi lang pala ako ang nakapansin.

"Bakit bigla ka atang tumahimik?" Tanong ni Ate MG.

"Wala to guys! Kayo talaga ang big deal nyo pag tumahimik ako no!" Nagtawanan kami. Pero alam kong may di siya sinasabi.

"Big deal talaga! Tumatahimik ka lang naman pag pinapagalitan ka ni coach e." Hirit pa ni Ate Ly kaya natawa kaming lahat. Si Ate Ella naman napakamot na lang ng ulo.

Pero dahil di rin ako convinced e.. kailangan ko syang pilitin. Magsasalita na sana ako nang biglang humirit si Ate Jia.

"Ate Ella, matagal na kitang kilala. At isa sa di mo talent e.. ang magsinungaling." Sabi ni Ate Jia. Kaya kaming lahat naman nag agree kaya no choice na sya.

Tahimik lang kaming lahat. Nag aantay na magsalita si Ate Ella.

"Guys.. ahmmm.. hindi nyo ba alam?" Lahat kami nakatingin na sa kanya.

"May anak si John Vic De Guzman sa ADU." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ha? Sino don?

"Hindi mo alam Jema??" Nagtatakang tanong nya. Kasi kita sa mukha ko na nag iisip pa ako kung sino yung anak ni JV.

Pero dahil si Ate Ella to nakaisip ako ng kalokohan!

"Ate Ella, kung alam ko e di hindi sana ganito mukha ko ngayon? Hahaha!" Pilosopong sagot ko sa kanya. Pero natawa si Tots.

"Tse!" Nagroll pa ng eyes. Hahahah!

"Hindi ko maalala yung name. Pero parang Ja.. Jane.. Je.." napaisip naman ako. Sino kaya yung anak nya?

"Ate Jema? Nakita mo na ba to?" Sabay pakita sakin ni Ced ng phone nya.

Kinakalampag ng mga BBW ang Twitter.

Saw Jade Wong at SM Aura today. Grabeh ang cute nya!!

Trueeee! At ang ganda ng girl na kasama nya.

I know her.. that's JV De Guzman's daughter.

Yeahhhh! She's Jana Victoria De Guzman from ADU!

Oyyy ang sweet nung 2 ha?

Grabeh sila pala

Sabagay Wong e.. kaya matinik din sa girls.

Ilan yan sa mga nabasa ko. My gosh! Bakit hindi ko naalala na pinsan nga pala ni Tasha si Jana.

Hindi ko siguro napansin nun kasi nga ang focus ko that time si Dino. Haaay! Malaking gulo na naman to. I need to tell Deanna about this.

Ayoko nang magtagpo ang mga buhay namin ulit. Pero bakit hanggang ngayon connected parin kami sa kanya?

Jusko! Anong mangyayari pag nabasa ni JV ang tweet na yun. Hindi nya pwedeng galawin ang anak ko.

"Jema, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Ate Ella.

"Oo Ate. Iniisip ko lang si Jade e." Nag aalalang sagot ko sa kanya.

Iniba na lang ni Tots yung topic at nagpatuloy na lang kami sa chikahan. Namiss namin ang isa't isa kaya nagkasundo na lang kami na goodvibes na lang muna kami for the rest of the night. Haaay! I love this group of people talaga.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now