26

780 24 0
                                    

"Hindi mo na gustong basahin no? Kasi pinapamukha lalo sayo ng papel na yan how stupid you are!" Galit na galit na sabi ni Ate Bei.

"Te Bei, hindi naman sa akin importante kung anak ko ba sila o hindi e. Narealized ko yun nung umalis sina Jema sa bahay at iniwan ako. Mali, nung pinaalis ko pala sya."

"Hindi pala importante e. Bakit ginawa mo?"

"Nasaktan din naman ako Ate. Nakita ko na magkasama si Jema at JV sa iisang kwarto. Nagdilim ang paningin ko kaya ayun.." nakakahiya man pero wala si Ate Bei naman to. Tatanggapin ko kung ano pang sasabihin nya.

"Ewan ko ba sayo Deanna. Hindi ka naman abnormal pero yung mga decisions mo..

Hindi nakakaPAPI!" Natawa ako kaya nakatikim ako ng batok.

"So anong gagawin natin kay JV?" Hayop na yun! Wala nang ginawang matino sa buhay nya.

"Hindi ko na muna sya focus ngayon Te Bei. I need to win back my wife."

"Sabagay.. 1 month lang pala ang binigay sayo ni Des!" Nagtaka naman ako bakit alam nya.

"Hello??? BeaDel to no!" Sabay tawa na halos wala nang mata.

"Pero Wong, ayusin mo to. Kung kailangan araw araw mong ligawan si Jema gawin mo. Paghirapan mo yang asawa mo kasi abnuy ka!" Makaabnuy naman hmmmmp!!

"Oo na Te Bei, quota nako sa kakaabnuy mo! Tara na kumaen na tayo. Gutum na gutom na ako!"

"O ayan.. edi hindi ka rin nakakakaen nang masarap lalo na pag gabi dahil jan sa kaab..."

"Heeehh! Tumigil ka na Te." Nagtawanan na lang kami.

Pumunta na kami ni Ate Bei sa dining area para kumain. Inasikaso naman kami ni Manang. Sya muna daw si Boss J habang wala yung tunay na Boss J ng buhay ko. Tawang tawa naman si Ate Bei kay Manang dahil sa mga hirit nya.

Ang sarap ng kain namin. Ang niready kasi ni Manang na food e.. yung pinadala ni Jema para daw sa maga baby nya. So kasama ako don? Hihihi. Sweet naman ng asawa ko.

Pero tong si Ate Bei, sinabi pa na para lang daw talaga sa kambal yun. Inaasar nila ako pareho ni Manang. Mga baliw talaga e. Magsama kayong dalawa.

Bea's POV

Hi guys!!!

Matatapos na ang kwento kaya dapat may paPOV na sa akin si author since ako ang dakilang ama ng nag iisang Boss D.

May paflashback muna tayo para mas maintindihan natin ang mga kaganapan.

Flashback

"Love, anjan si Jema sa baba." Ang daming tanong sa isip ko. Bakit atsaka anong oras na ba?

"It's a little bit late na ah? Tara samahan mo ako!" Pinuntahan na namin si Jema at nakakaawa syang tignan kasi halos di mo na makita yung mata nya sa sobrang maga.

"Jems, what happened? Asan si Deanna?" Nakita ko yung biglang pagbago ng expression ng mukha nya.

"Yun? Walang kwenta yun. Mahilig lang syang mang iwan." Teka ano bang nangyayari talaga? Gusto ko sanang tawagan si Deanna pero pinigilan ako ni Jho.

"She needs us now! Hayaan mo muna yang anak mo." Kinwento na sa amin ni Jema kung anong nangyare. Halos magwala na rin ako sa galit dahil na rin sa ginawa ni Deanna.

Anong katangahan yun? Haaaay! Humanda talaga sa akin to e.

"Alam ko sa puso ko na anak namin yung kambal. Katawan ko to, I should know kung may nangyari ba sa amin o wala." Alam ko namang anak nila yung kambal. Pero bakit naisip ni Deanna na hindi sa kanya yun.

Jusko! How stupid Deanna Wong!

"Jems, alam naman namin na hindi mo kayang gawin yun kay Deanna." Sabi ng asawa ko.

Tumingin naman sa amin pareho si Jema.

"Mabuti pa kayo! Alam nyo. Pero bakit sya hindi?" Hindi ko masagot yung tanong nya. Pero kasi naman...

Hinayaan na lang namin si Jema na uminom. Yung mga bata naihatid naman na daw nya kina Tita Fe.

"Love, anong gagawin natin? Pwede nating kasuhan si JV sa ginawa nya. Kung anak nya nga talaga yung kambal, pwede syang makasuhan ng rape diba? Gawin natin yun. Napakahayop nya!" Awang awa naman ang asawa ko kay Jema. Bukod sa matagal na kaming magkakaibigan e, halos pamilya na rin kami.

"Don't worry ako nang bahala. Just take care of her now Love. Hayaan mo muna syang maglabas ng sama ng loob. I'll ask our lawyers para matulungan tayo." Ginawa naman ng asawa ko yung sinabi ko sa kanya.

She comforted Jema in any way she can. Ako, bilang mas matino ang utak kay Deanna Wong, I asked one of my men to do investigation.

Alam kong ginugulo lang ni JV ang buhay nila Deanna. Pero bakit ganun ang ginawa mo? Bakit hinayaan mong mawasak nya kayo?

Mga tanong sa isip ko na gustung gusto kong sabihin kay Deanna. Pero dahil late na rin at malamang nagpapakawasted na rin yun ngayon, palalagpasin ko na lang muna ang kalokohan nya ngayong araw.

Kinabukasan

"Boss Bea, eto po yung DNA test na binigay ni JV kay Mam Jema. Nakalagay po jan kung saang ospital. Nalaman ko po na forged ang document na ito para lang palabasin na sya ang tatay ng kambal.

Yung tao din po na naglabas ng document na yan is a closed friend nung mag asawang De Guzman." Napakahayop talaga ng JV na yan!

"Sige Jomar, thank you for this. May bonus ka sa akin. Nasend ko na sa account mo!" Umalis na si Jomar at ako naman gusto ko sanang tawagan kaso malamang lasing pa yun. Baka lalo lang mag init ang ulo ko dahil sa hirap nyang kausap.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now