For second chances daw! Okay ba yun?"
"Next question na ba baby?" Pacute pa nya. Hmmmmp!!
"Ikaw ba may pakana bakit late ang announcement ng MVP?" Nagtaas baba naman sya ng kilay. Haha! Pasalamat ka cute ka.
"Salamat!" Ay wow! Hahaha!
"Paano nangyari na okay na kayo ni Dad?" Yun talaga ang tanong ko e.
"Mahabang kwento pero basta ang mahalaga pwede na ulit maging tayo." True naman..
"This time mas masaya na kasi may basbas na rin ni Daddy..este ng Dad mo. Haha!" Kinurot ko yung ilong nya. Apakacute kasi e..kainis!
"Pero paano nga nangyari yun?"
"Ganito na lang.. I just asked for his permission muna bago ko plinano ang lahat. Siguro, I just got lucky. Hahaha!" Nako! Mukhang diko makukuha ang totoong sagot. Kaya titigil na ako.
"Basta baby, ang importante ngayon..tayo na ulit. But this time alam na ng mga tao. Kaya hindi na pwede na low key lang tayo." Then she smiled.
Ackkkkkk.. kinikilig ako. Syettt!!
"I have something for you pala." Biglang may kinuha sa bulsa nya.
"This." Pumunta sya sa likod ko at may kinabit sa leeg ko.
W na necklace.
Tapos sa kanya J. Pinasuot naman nya sa leeg nya yung J na necklace.
"Bakit W sa akin?" Takang tanong ko.
"Wong ibig sabihin nyan. Eto naman. J, for Jana..
Jana Wong. Ang cutie diba? Hehehehe!" Kinikilig na sabi nya..alam mong kinilig din sya sa sarili nyang banat.
"Parehas kasi tayong J e, so yan naisip ko para maiba naman. Tska.. para in the future, pwedeng pwede mo pa rin suotin lalo na pag niyaya mo na ako magpakasal." Sabay kindat pa.
"Wow ha? Ang hangin mo po!" Sabay tawa ko.
Takte yan ang corny pero kinilig ako. Ang bata pa namin para sa pagsasama ng name namin pero.. iba din magpakilig ang Jessica e.
Haaay! Thank lord okay na kami ulit ni Jade. At mas lalong thank you Lord kasi mukhang okay na sina Daddy at Tita Deanna.
Deanna's POV
On the way na kami sa Toi et Moi kung saan kami magcecelebrate. Alam naming may team dinner sina Jade pero nagpaalam na lang ako kay Coach Reg na sa amin na sasabay sina Jade at Jana pumayag naman to. May paparty pa naman daw ang management sa kanila in the coming days kaya okay lang daw.
We invited din sina Kyla and fam, pati na rin ang mga aswang kong mga kaibigan. Hehe!
Pinasara ko muna yung resto para sa celebration namin today.
Naghanda ako ng short program para kina Kylie, KC na hinila ng jowa nya to join us, Jana and Jade.
"Okay guys, before we start. Wala ba kayong mga kamay?" Pinatayo na namin yung apat sa harap. Hehe.
Standing ovation pa kaming lahat dito. Syempre naman proud na proud kami sa kanilang lahat. Lalo na at puro mga freshman pa sila. Malayo pa yung mararating nilang apat sa volleyball world.
Pinagspeech na namin sila isa isa syempre huling nagsalita ang rookie mvp ng season na to.
"Hello po! Masyado na po akong madaming sinabi kanina sa MOA pa lang kaya iiksian ko na lang dito. Hehe!" Tinawag nya si Jana sa harap para samahan sya. Ang cutie nila. Parang kami lang ni Jema nung bago bago pa lang kami.
"Thank you po sa inyong lahat lalo na po sainyo Mam and Sir. For bringing this wonderful woman in this world." Nagsigawan naman kami dito dahil lahat kami kinilig e.
Ngumiti naman pareho sina JV and Tin.
"Syempre po.. hindi matatapos ang gabing to without saying this.
I just want to thank you all. Kayo po yung reason why I got this award. Kayo po ang naging inspiration ko.. naming lahat dito para maging best sa ginagawa namin.
To my Mommy and Dada, thank you for giving me this talent. Ito pong sport na to ang isa sa mga reasons bakit masaya po ang buhay ko besides having you two as my parents." Hala sya nakakaiyak naman.
"I know that you both tried to be the best parents sa amin ng mga Kuya ko, we may not have a normal family pero.. if given a chance to live again, I still want you both to be my parents. I will be forever grateful because of you!
I love you Mommy and Dada!" Naiiyak na sabi nya. Haaay! Ang sweet ng baby princess namin.
"Bago pa po bumaha ng luha dito. Let's start the party na!!! Wooohooo!" Sigaw naman ni Kylie manang mana sa nanay nya. Light of the party talaga e.
I feel so honored to be your Dada, Jade. I hope you always remember that.
"Thank you!" Nagulat ako sa pamilyar na boses na yun.
Nagsasayawan na sila dito kaya di na kami napapansin nang iba na nagmomoment dito. Hehehe!
I smiled.
Namiss ko to, namiss ko sya.
"Para saan naman?" Kunwaring tanong ko pa.
"For being the best Dada to our children. Kahit magkahiwalay na tayo ngayon, hindi mo pa rin sila pinapabayaan.. kaya thank you!" She offered her hand to me. Gusto ko syang hilahin para yakapin kaso baka magalit sya. Kaya kinuha ko na lang din yung kamay nya at hinawakan nang mahigpit.
Sana kahit sa paghawak lang ng kamay nya.. she can feel na mahal na mahal ko pa rin sya. Mula noon hanggang ngayon.
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomantizmBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?