I lost my gf because of you.
I lost my Dada too because of you!" Hindi ko alam pero parang hindi ko na maramdaman yung mukha ko. Para na akong namamanhid sa sobrang pag iyak ko.
"Si Dada po yung nawala pero bakit parang kayo din nawala na sa amin, lalo sa akin?
Si Dada yung nawala pero bakit ako po yung nagdudusa? You've been so hard to me Mommy to the point na I can't breathe anymore because of you.
The only person that I loved, nasasaktan ko pa dahil sa inyo. At iniwan na rin ako." Sorry Mommy. Pero pagod na din po ako.
"Lahat ng mahal ko iniwan na ako. Yung taong lagi kong kakampi simula bata ako, nawala nang dahil sayo.
Yung babaeng laging anjan sa tabi ko kahit ang hirap hirap ko nang mahalin, nawala din nang dahil sainyo!" Hindi na rin makapagsalita si Mommy. I know nasasaktan ko sya, pero.. masakit na rin e.
"Namimiss ko na yung Mommy ko... And
I miss my Dada too so much, Mommy.
Sobrang sakit na po dito Mommy oh. Hindi ko na po kaya!!" Sinabi ko yun habang hawak hawak ang dibdib ko.
"Sana ikaw nalang yung nawala e.
Baka sakali naging mas masaya pa ako." Sabay alis ko. Iniwan ko na sila.
Sana sinama na lang ako ni Dada. Sana pareho na lang kaming nawala. Baka sakali, iniiyakan din ako ni Mommy ngayon. Baka sakali hinahanap din nya ako.
Doni's POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina. Hindi ko na rin magawang pigilan pa si Jade kasi alam ko yung hirap na nararanasan nya ngayon.
If only I could take half of it gagawin ko para sa kambal ko.
Tulala na si Mommy ngayon at magang maga na rin yung mga mata nya kakaiyak. Kaya niyaya ko na lang na umakyat ng kwarto nya.
Umalis ng bahay si Jade. Kailangan kong kausapin ang kambal ko pero for now, aayusin ko muna ang lagay ni Mommy.
"Ganun na ba ako kasama kay Jade Doni? Anong nagawa ko bakit galit na galit sya sa akin?" Tumulo na naman ang luha ni Mommy. Pinunasan ko naman agad ito.
"Wag nyo na po intindihin si Jade Mommy. Maybe she's just tired today. Pahinga ka na po. Let's go na." Sumama naman sya sa akin at hinayaan nya lang ako na alalayan ko sya hanggang sa kwarto nya.
Inayos ko na yung kama ni Mommy. And nakahiga na rin sya. I kissed her forehead bago sana ako umalis.
Hinawakan nya yung kamay ko.
"Anak, are you mad at me too?" Umiling naman ako.
"No Mom. And Jade's not mad at you also. Maybe she's really tired. We love you so much Mommy and never kaming magagalit sayo." I tried to calm her para maayos ang pagtulog nya.
"Mahal nyo ako kahit nawala ang Dada nyo because of me?" Nagulat ako sa nadinig ko.
Alam nya? Paanong..
"I know that you're Dada left us already. Hindi ko lang siguro matanggap na wala na talaga sya. That's why I tried my best to live na parang buhay pa sya."
"Mommy..." She looked at me and hugged me tight.
"I'm really sorry anak ha? Kung dahil sa akin napapagod na kayo. Kung andito lang sana Dada nyo.. sya ang nag aalaga sa akin."
"You rest na Mommy. Hindi kami mapapagod na alagaan ka. We love you po." Naramdaman kong kumalma na rin si Mommy.
I will just ask Jade to talk to Mommy tomorrow. Baka may nangyari lang sa kambal ko kaya naging ganun sya kanina.
Jema's POV
Pag alis ni Doni dun ko na binuhos lahat ng iyak na pinipigilan ko kanina. What did I do to Jade to say that?
Ganun na ba ako kasamang ina?
Ganun na ba ako kawalang kwentang ina at anak?
I know it was my fault bakit namatay si Deanna. She saved me from that accident. Sya lahat sumangga ng impact na yun kaya galos lang ang nakuha ko.
Kaya I tried to live everyday na parang andito sya. I pretended na maysakit ako in front of my children. Kasi natatakot akong harapin yung katotohanan na wala na si Deanna. Na iniwan na nya talaga ako.
Sinisi ko din si JV, ang pamilya nya kaya namatay si Deanna. Kung hindi dahil sa kanila hindi kami maghihiwalay ni Deanna. Buhay pa sana sya ngayon.
I tried to force Jade to look for someone at wag na si Jana. Gusto kong mawalan na ng connection ang pamilya ko kina JV. I know that was so selfish of me. I know masasaktan ko ang anak ko pero ginawa ko pa rin.
Although sinagot sagot ako ni Jana kanina, I still admire her for doing what I asked her. She tried to be with Patrice dahil na rin sa kagustuhan ko.
But she ended up being hurt. Dahil na naman sa akin.
Nasasaktan ko ang mga anak ko..
Nasaktan ko din ang mga magulang ko dahil na rin sa maling nagawa ko kay Deanna noon.
Kung naging mas mapagpatawad pa sana ako..
Kung mas hinabaan ko pa sana ang pasensya ko. Hindi ako magdudusa nang ganito.
If only I could turn back time. Hindi ko sya iiwan at itataboy.
Mahal na mahal kita Deanna Wong.
Sunduin mo na ako B. Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko.
Please sunduin mo na ako..
"Jema.. Jemaa..."
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?