51

1.1K 26 4
                                    

Mahirap maging nanay pero masaya. Lalo na kung nagtutulungan kayo ng asawa mo para mapabuti ang buhay ninyo pati ng mga anak ninyo.

"B, meet our baby boy bunso." Tinabi na sa akin ni Deanna si Drew. Napakagwapo naman ng bibi na yan. Singkit tapos ang pula pa ng labi. Manang mana na naman sa taong nagenjoy habang ginagawa sya.

"Hi baby! Ang cute cute mo naman." Gusto ko sana panggigilan kaso nakabantay ang Dada. Kulang na lang humiga na rin sa tabi ko para lang di makalayo kay Drew e.

"Deanna Wong, pwede bang umusog ka muna don. Hindi mawawala tong anak mo. Nakakaloka ka. Kanina mo pa sya buhat e."

"Wala lang B, namiss ko kasi magkaroon ng baby e." Sabay kindat sa akin.

"Tigilan mo na ako Deanna Wong ah? Last na to. Jusko ka! Ginawa mo na akong inahing baboy." Tumawa pa sya ng malakas. Kaya pati ako natawa na rin.

Sabay iyak naman ni Drew. Kaya sinaway ko na rin si Deanna. Bukod don kasi biglang sumakit ang tahi ko. Pasaway talaga.

Maya maya nagsidatingan na yung mga anak namin. Jusko. Sa dami ng mga Wong na to e, punung puno yung room. Buti na lang solo ko tong room kung hindi baka binato na ako ng ibang pasyente. Hahaha!

Deanna's POV

Flashback

Deans, okay na. Sure ka na ba dito?

Yup, Des! Thank you sa tulong mo. And sorry na rin kasi diko na pinaabot ng 1 month.

Haaay! Ganun talaga ang life e. O sya, alam kong nanunuod kayo. Send hugs na lang kina Jade sa game nila today.

See you Des!

After namin mag usap ni Des bumalik na ako sa upuan ko para manuod ng championship game nila Jade.

Actually, nagusap kami ni Des na sabihin kay Jema na pinirmahan ko na ang divorce papers namin pero ang totoo e.. hindi. Hehe!

Bakit ko naman hahayaang mawala ang nag iisang babae sa buhay ko. Na sa lahat ng kasalanan ko sa kanya noon.. sa sakit at pang iiwan ko she stayed with me.

Alam ko na mahirap na akong patawarin ulit dahil sa mga nasabi ko sa kanya kung bakit kami naghiwalay pero I know that deep inside her. Mahal nya pa rin ako at ayaw nya akong mawala.

So kung nag give up sya.. ako naman mag aantay lang sa kanya hanggang maging ready na ulit sya na patawarin ako, at pabalikin ulit sa buhay nya.

Hindi tayo pwedeng sumuko dahil, sinukuan na tayo ng taong minamahal natin. Just stay by her side, malay natin she will still find her way home back to you. Diba?

Minsan kasi nakakapagod na rin magmahal e. Pero kung yung taong hihintayin mo e.. worth the pagod, edi go. Willing to wait tayo jaan. Hehehe!

About sa ring na tinapon ni Jema nasa akin na nga pala. Binigay sa akin yun ni Manang Lucing nung naglinis sya ng kwarto namin ni Jema.

Actually, si Manang Lucing talaga ang dahilan bakit narealize ko ang dapat kong gawin.

"Anak, si Jema yung klase ng babae na pang matagalan. Oo, malakas sya... Matapang sya. Pero minsan kahit gano ka pa kalakas o katapang, kailangan mo rin ng sandalan. At ikaw lang yung gusto nya na maging sandalan nya habang buhay.

Minsan, nagkakamali tayo anak. Pero hindi ibig sabihin nun na lagi lang tayong bibigay sa mga problema. Kailangan din nating magkamali para matuto tayo.

Nagkamali ka ng desisyon noon, pero hindi ibig sabihin mapapagod ka din at di na itatama ang lahat.

May ilang days ka pa. Go get your girl dude!" Hahahha. May actions pa yun kaya tawang tawa ako e.

Pero that hit me hard.

Good catch na ako kay Jema noon pa lang, so bakit ko sasayangin yung lifetime ko sa iba kung na sa akin na si Jema diba? Hehehe!

Back to the ball game, nagchampion na nga sina Jade. At syempre.. diko maiwasang di maging proud sa achievement ni Jade..pati na rin ng mga anak ko.

Sa sobrang saya ko pinasara ko na yung resto namin para doon magcelebrate.

Ininvite ko na lahat ng friends namin pati na yung buong pamilya nila.

Habang pinapanuod ko sila na nagkakasiyahan, uminom ako mag isa. Nagulat ako nung lumapit sa akin si Jema.

She offered her hand pa nga to me. Nagpasalamat sya for being the Best Dada daw sa mga anak namin.

Pero.. sa totoo lang. Ako dapat ang magpasalamat.

Siguro, kung hindi sya ang naging asawa ko.. hindi din ako magiging best dada sa mga anak ko.

Kaya ako ganito, ay dahil sayo Jema.

Pinagpatuloy namin ang kwentuhan namin sa Starbucks. Nilubos ko na.. habang good mood pa si Misis. At hindi na masyadong allergic sa akin.

Kaso.. naaksidente naman kami.

Nung time na yun, wala akong ibang nasa isip kundi iligtas si Jema. Hindi kami pwedeng parehong mawala. Kawawa ang mga anak namin.

Hindi sya pwedeng mawala. Mahal na mahal ko si Jema and I will do everything para lang mabuhay sya.

End of Flashback

Huling SandaliWhere stories live. Discover now