Andito kami ngayon sa hospital. Kapapanganak lang ulit ni Jema para sa baby naming si Dean Robert Ewan or Drew. Sabi ko sainyo guys, ipipilit talaga ni author na maging 7 ang anak namin.
My lucky 7. Hehehe.
I admire Jema for carrying and giving birth to my children. Umpisa pa lang ng love story namin alam kong magiging mabuti syang ina. And hindi naman ako nagkamali doon.
Madami kaming pinagdaanan noon na akala ko hindi na namin malalagpasan ng magkasama. Pero eto kami ulit matatag.
Naalala ko tuloy nung magising ako mula sa aksidente.
Flashback
After ko lumabas ng ospital, I planned on something. Since eto naman talaga ang balak ko bago pa kami maaksidente ni Jema e.. itutuloy ko na.
Si Jema lang ang kasama ko na uuwi galing sa ospital.
"Jema, asan ang mga anak natin? Bakit hindi sila kasama magsundo sa akin?" Napansin kong medyo nag aalala yung mukha ni Jema.
Kaya natawa ako..kasi ako naman talaga ang may pakana nun e. Hahaha!
"Ahhhhh.. kasi ano e.. may training daw sila Deanna. Sorry na. Andito naman ako, ako nang bahala sayo." Medyo nahihiya pa sya nung sinabi niya yung huli. Hahaha! Akala mo ah?
Simula kasi nung magising ako.. kahit na nagkaroon na kami ng kissing scene at landian bigla na lang syang lumayo sa akin. I mean yung naging ilang.
Siguro iniisip nya na.. baka nagpapakita sya masyado ng motibo sa akin e.. hindi pa naman kami ulit at on going na yung divorce namin.
So.. to make it official, magppropose ulit tayo kay Misis. Hihihi!!
"Hehe. Ikaw naman, okay lang yun. Alam ko naman na busy mga anak natin e. Pero thank you kasi andito ka kasama ko." Napansin ko naman na namula sya.
Tsk! Matindi pa rin talaga tama mo sa akin Jema. Hahah!
Pupunta na sana sya sa driver's seat pero inunahan ko.
"Anong ginagawa mo Deanna? Ako na magddrive. Hindi pa magaling yang braso mo." Masungit na sabi nya.
Ako ang magddrive para madala kita sa langit. Este sa lugar na magugustuhan mo.
"I can do this. Sige na pasok ka na sa car." Ayaw pa rin nyang umalis sa pwesto kaya ang ginawa ko hinila ko na sya at pinagbuksan ng pinto.
"Hep! Quiet ka na Jema please? Kaya ko naman e. Magaling kaya akong driver." Salubong parin yung kilay nya habang nakacross arms.
Di pa rin talaga sya nagbabago mataray pa rin.
Bago pa man din sya mag amok e.. pinaandar ko na yung sasakyan. Pero hindi na nya ako kinausap ulit.
Nagsalita lang sya nung napansin nyang parang iba yung dinadaanan namin.
"Deanna, saan tayo pupunta? Hindi naman dito yung way papuntang bahay mo." Panay ang tingin nya pa sa labas.
"Wag ka na magtanong Jema. Itretreat lang kita kasi ikaw lang yung nagtyagang magsundo sa akin ngayon e. Okay lang ba?
Kung hindi.. pwede naman kitang iuwi." Bigla kong tinabi yung sasakyan habang inaantay ko yung sagot nya.
Jusko! Dapat diko na lang pala ginawa kasi grabhe yung kaba ko. Paano pag sinabi nyang umuwi na kami? Edi sira na yung plano ko?
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?