6 footer ako at nasa 5'9 naman si Jana kaya kayang kaya ko talaga syang buhatin.
"Hoy Jade ibaba mo ako." Natatawang sabi nya.
"I love you Jana Victoria. My baby!!" Binaba ko na sya at tumingin lang sya sa mga mata ko.
Matagal yung titigan naming 2. Ahhh... Sobrang saya ko kasi naamin ko na din yung matagal ko nang tinatago sa dibdib ko.
I closed my eyes. Nilapit ko yung noo ko at dinikit ko sa noo nya. I feel happy, super happy right now.
"Mula ngayon Baby akin ka na. Walang pwedeng magpahiwalay sa atin. I will be your first and last GF. Pangako ko yan!" Awwww! Nakakakilig naman po sya mga Lods.
Niyakap ko sya nang mahigpit. Feel na feel ko pa yung kabog sa dibdib ko.
"Ang bilis ng tibok ng puso mo baby! Kasing bilis ng the moves mo. Ahhahaa!" Natatawang sabi nya kaya niyakap ko na lang sya ulit ng mahigpit.
Haaaay! Ang saya saya ko.
"Jade.." mahigpit pa rin yung yakap ko sa kanya.
"Baby?" Mahinang sabi nya.
"Hmmm.." sagot ko.
"Naiipit na ako." Natatawang sabi ni Jana. Kahit ayaw ko pang kumalas e.. di na pwede kasi naiipit na daw yung baby ko e.
"Sorry baby." Kiniss ko yung ulo nya.
"Naks! Baby agad." Pang aasar pa nya.
"Pero sige na nga.. dahil happy ako ngayon sige papayag na ako. Haaaay! Nung nakaraan lang ang tawag sayo ni KC e.. future baby ko.. pero ngayon e present baby ko na. Yieeee! I like it!" Sabi nya sabay pisil sa 2 pisngi ko.
Kinurot ko yung ilong ni Jana and I hugged her. Ang sarap sa feeling na yakap ko ang gf ko. Naks!! May gf na ako.
Ang saya ko ang saya saya ko. Sana hindi na matapos ang gabing to.
"Baby?" Tawag nya ulit habang magkayap kami. This time hindi na mahigpit baka umangal na naman e.
"I nee to go na. Inaantay na ako ni Mommy kanina pa." Tumango naman ako at umalis na ako sa yakapan namin.
Hinawakan ko yung kamay nya. Grabeh! Ang sarap sa feeling.
"Sakto yung kamay ko sayo ah? Meant to be yarn?" Pang aasar ko.. pero kinilig ang baby kasi sumandal na sya sa balikat ko ngayon.
Magkaholding hands kami na nglalakad papunta sa parking lot. Papakilala na daw nya ako sa mommy nya since nabanggit na daw nya ako sa Mom nya last week pa.
Inaasar ko nga e.. kasi nasabi na pala nya sa Mom nya na gusto nya ako. Ay mali mahal na nya ako. Hahaha.
Ayun nakatikim tuloy ako ng kurot sa tagiliran ko. Ang sakit po mga besh. Hahaha!
"Baby, wait ah? Papakilala muna kita kay Mommy"
Pagdating namin malapit sa car nila napansin na kami agad ng Mommy nya. Lumabas na to at inantay na lang kaming makalapit sa kanya.
Ang ganda ng Mom nya kamukhang kamukha nya. She looks nice din.
"Mom this is Jade po. Jade this is my mommy Christine." I greeted her Mom and smiled.
"Helo po Tita. Good evening po." She smiled back at me. Parang ang good vibes ni Mommy oh.. este Tita pala.
"So.. is she..." Yung tingin ni Tita may pang aasar.
"Yes Mommy! Si Jade po.. My GIRLFRIEND!!!" Inemphasize nya pa yung gifrlfiend. Kaya tumaas yung kilay ng Mommy nya na parang nang aasar.
Yieee kinikilig ako.
"Bilis ah?" Natatawang sabi ni Tita. Pero si Jana medyo nahiya naman.
"Mommy..." Naiinis na sabi ni Jana kaya sumingit na ako. Ayoko namang mapahiya pa ang baby ko. Hehehe!
"Good evening po ulit Tita. I'm Jessica Adriel Dennise Wong po." Nagpakilala na ako baka kasi makalimutan ni Tita yung name ng magiging future in law nya e. Hehe!
Nakita ko na parang nagulat siya sa pangalan ko.
"Wong? Are you related to..??" Takang tanong nya.
"Yes mommy she's the daughter of the famous LGBT couple Jema and Deanna Wong po." Pagmamalaki pa ng baby ko..
Hmmp! Cute mo talaga Baby ko.
She looked surprised pero bakit ganun bakit parang more of.. more of.. scared?
"Halika na Jana. Get inside the car." Galit na sabi ng Mommy nya. Nagtataka man kaming 2 ni Jana bakit biglang nagbago ang mood ni Tita.
"Mommy bakit po? Isabay na po natin si Jade Mom." Ang bilis ni Tita nakalapit na sya sa pinto ng car nila.
Napabitaw na sa akin si Jana at dahil na rin sa sigaw ng Mommy nya e napalayo na sa akin agad.
"Just get inside now!!!" Ang lakas ng pagkakasabi nya kaya walang nagawa si Jana kundi magsmile ng pilit sa akin at pumasok na sa loob ng kotse nila.
Pagpasok pa lang ni Jana sa sasakyan e mabilis na nagdrive ang Mommy nito paalis.
Anong nangyari kay Tita? Nalaman nya lang na isa akong Wong. Bigla na lang syang nagalit.
May problema ba? Kilala ba ni Tita Christine ang parents ko?
Jana's POV
"Mommy? Ano pong nangyare? Bakit po tayo umalis agad?" Tahimik lang si Mommy sa car pero alam kong galit sya.
"Mom?" Kilala ko ang Mommy ko. Never pa nya akong sinigawan o pinagalitan. Ngayon pa lang ata.
"Ngayon pa lang tigilan mo na yan si Jade. Hindi maganda na magkaroon kayo ng relasyon!" Galit na sabi ni Mommy. Kahit na naguguluhan ako sa sinasabi nya.. I still want an answer.

YOU ARE READING
Huling Sandali
Roman d'amourBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?