17

823 26 1
                                    

Jema's POV

"B, please makinig ka naman sa akin. Sakin ka maniwala. Hindi ko kayang gawin sayo yang iniisip mo." Kitang kita ko yung galit sa mga mata niya.

"Anong hindi mo kaya? E nagawa mo na nga? All this time Jema niloloko mo lang pala ako. Kaya pala, kaya pala binigay mo sa kanya yung resort nang ganun ganun lang. Hanggang ngayon sinungaling ka. Hanggang ngayon manloloko ka!"

"Tang ina Deanna! Ano pa bang kailangan mong proof? Sa tagal na magkasama tayo never akong nagcheat sayo. Kahit ilang beses mo akong iniwan sinaktan, binalikan pa rin kita."

"So it's my fault now? Dahil lang iniwan at sinaktan kita noon e.. lolokohin mo na ako? Ang tagal mong tinago sakin to Jema. Do I deserve this? Tang ina Jema!!!!" Pinagbabato ni Deanna yung mga gamit dito sa kwarto.

Kahit nabasag na yung iba, hindi pa rin ako natitinag sa pwesto ko.

"Makinig ka muna kasi! Hindi totoo yang document na yan! Gawa gawa lang yan ni JV. Kanino ka ba maniniwala? Sakin na asawa mo o sa taong walang ginawa kundi sirain tayo?"

"Hindi pa ba sapat to Jema? Tanga bako? Ginagawa mo akong bobo sa mga paliwanag mo e!" Lumapit na ako sa kanya. Gusto ko na syang sampalin kanina pa.

"Ready akong magpa DNA test Deanna! Just give me a chance to prove to you na mali yang iniisip mo." Alam ko sa sarili ko na hindi to totoo.

"DNA test? E ano pa ba tong hawak ko? At ang masakit pa dito.. May picture ka pa Jema. Kasama mo sya sa kwarto nya Jema. Tang ina naman Jema!! Galingan mo naman pagsisinungaling mo oh!" Galit na galit na sabi ni Deanna.

"Ngayon lang nagsisink in sa akin lahat. Lahat ng sinabi ni JV. Etong papel na to and pictures are enough for me to know na niloko mo ako. Ginawa mo akong tanga Jema!!"

"O ano kung may pictures Deanna? Nakita mo ba jan sa picture na yan na nagsesex kami ha?

Yang DNA Test na yan pano mo masasabi na totoo yan?!!" Totoo naman. Ang babaw nya para pagbasehan lang ang mga to.

"Alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo. Hindi kita niloko! Bigyan mo lang ako ng chance to prove it!!" Naninikip na yung dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Deanna please?! Sa akin ka maniwala." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Please baby?" Lumapit na ako sa kanya at pilit ko syang niyayakap pero tinulak nya ako. Natumba ako sa lakas ng tulak nya.

Nakaupo na ako sa sahig at ramdam ko yung sakit sa pagtama ko sa kama.

Umiiyak na kami pareho.

Si Deanna sobra yung galit na makikita mo sa mga mata nya.

"Hindi ko alam Deanna na ganyan kababaw ang tingin mo sa akin. Na hanggang ngayon wala ka paring tiwala sa pagmamahal ko para sayo. Na hanggang ngayon, sarili mo lang ang iniisip mo. Nangako ka sa akin na walang problema na hindi natin aayusin.

Nangako ka sakin na kahit gano kahirap intindihin ang sitwasyon, you will always find a reason to hear me out. Pero anong ginagawa mo ngayon Deanna? Mas naniniwala ka pa sa ibang tao kesa sa asawa mo?"

Alam ko sa sarili ko na anak namin sina Jade and Doni. At lalong lalo na walang nangyari sa amin ni JV.

"Katawan ko to Deanna. I should know kung may nangyari sa amin o wala." Paliwanag ko pa kahit halos hindi na ako makasalita dahil sa sobrang pag iyak ko.

"Tama na Jema. Ayoko nang madinig ang paliwanag mo." Para naman akong sinaksak sa mga sinabi ni Deanna.

So hindi sya naniniwala sa akin? Deanna being Deanna.. tsk!

"Tapusin na natin to Jema." Yan. Jan sya magaling e. Sa pakikipaghiwalay.

"Ilang beses nang nangyari satin to Deanna. Laging ang solution mo e.. iwan ako. You always wanted the easy way out! Lakasan mo naman yung loob mo Deanna. Lakasan mo naman yung tiwala mo sa akin. Na kahit kailan hindi kita kayang lokohin.."

Tuluy tuloy pa rin ang luha ko. Halos wala na akong makita. Totoo ba to? Hindi ko akalain na mangyayari pa sa amin to ni Deanna.

"Sana alam mo na... Hindi kita kayang saktan!

Mahal kita Deanna! Sobra sobra!!!"

Napapagod na rin ako sa pag iyak. Nakakapagod din pala talaga magpaliwanag lalo na kung ayaw naman makinig sayo.

"Umalis kana Jema. Isama mo na din ang mga anak mo." Lalong tumulo ang luha sa mga mata ko. Anak ko? Hindi nya ba once naramdaman na anak niya talaga ang kambal?

"Hindi na kita kailangan.. at kahit kailan. Hinding hindi na kita matatanggap ulit! Niloko mo ako Jema!" Unti unti na akong tumayo kahit masakit ang tagiliran ko.

"Maghiwalay na tayo Jema!" Madiin na sabi ni Deanna.

Lahat ng emosyon ko naipon na kaya diko na napigilan ang sarili ko na..

Pak!!!

Sobrang lakas ng sampal ko na halos napangiwi si Deanna sa ginawa ko. Wala na akong pakialam.

"I hate you Deanna Wong!" Tinanggal ko na yung singsing sa daliri ko at binato ko sa kanya.

"Hindi ko alam na sa tagal nang pagsasama natin aabot pa tayo sa ganito na maghihiwalay tayo.

At least bago man lang ako mawala sa mundong to.. nakita ko kung gano kababaw ang pagmamahal mo sa akin!!" Galit na sabi ko sa kanya.

Hindi nya pinansin yung wedding at engagement ring namin na binato ko lang sa kanya.

"Umalis ka na Jema. Ayaw na kitang makita dito sa bahay ko."

I looked at her at lakas loob na sinabing..

"Simula sa oras na to Deanna, pinuputol ko na ang kahit anong connection natin sa isa't isa.

Simula sa oras na to, pinapangako ko sayo na wala ka nang babalikan.

Pinapangako ko sayo na ito na ang huling beses na sasaktan mo ako!

Kasi alam mo..

Nakakapagod na..

Nakakasawa na..

Napakahirap mong mahalin Deanna! Sa totoo lang!"

Huling SandaliWhere stories live. Discover now