35

953 28 7
                                    

"Wala anak. Bingi ka na rin pala ngayon. Este.. Wala pa si Deanna e. Nagpunta sa prisinto." What? Bakit sya nagpunta dun?

Para namang nabasa ni Manang yung nasa isip ko.

"Nagpunta kasi kanina dito si Christine, yung kaibigan nya. Sabay na silang umalis e." Tumango na lang din ako. Medyo nalungkot naman ako kasi diko sya nakita.

Teka nga.. bakit ba parang iba na mood ko ngayon. Dapat hindi ko na sya hinahanap. Dapat galit ako diba?

Pero.. miss ko talaga e. Haaay nako! Ewan ko na sa puso kong to. Nakakainis!!!

Bakit nga pala sya nagpunta don? Gustuhin ko man tanungin kaso baka sabihin nya.. nakikialam pa rin ako sa buhay nya.

Napahaba na ata pag iisip ko diko napansin na nagring yung phone ko. Naramdaman ko na lang na nagvibrate ito kaya chineck ko na lang din.

Mare, I'll be there sa house nyo on Monday. 1 week to go pa ah? Pero bakit pumirma na si Deanna? Wala na ba talagang comeback?

Been trying to call you mukhang busy ka.

Jema, kung pwede lang iextend yung 1 month para lang di kayo magdivorce ni Deanna ginawa ko na.

Hindi ko maiwasan malungkot sa nabasa kong text ni Des sa akin. Pinirmahan na pala nya yung divorce papers namin. So.. pumapayag na sya?

Maghihiwalay na talaga kami?

Is this really what I wanted?

Eto na ba talaga ang end namin ni Deanna?

(Medyo magulo ka pa sa buhok ko mare ah?)

Hehe. Sorry na author. Siguro sa umpisa lang to. Masasanay din naman ako. At least, this time naghiwalay kami ni Deanna ng maayos. Baka nga.. pwede pa kaming maging friends e. Kahit para sa mga anak na lang namin.

(Keme mo mare! Hahaha)

Seen.

Pumunta na lang ako sa mga bata at nakipagkwentuhan. Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Des kaya hindi ako tinitigilan ng mga bata kakatanong bakit mukhang malungkot ako.

Pero diko pa rin sinasagot. Bahala sila jan. Hahaha!

Deanna's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Mayabang na tanong sa akin ng lalaking kaharap ko.

"Si Tin." Nakita ko namang nagulat sya nung binanggit ko ang pangalan ng kaibigan ko.

"She's dying. She's been diagnosed with stage 4 cancer. Sa brain." Halos hindi makapagsalita si JV sa sinabi ko.

"Hindi mo alam no? Masyado ka kasing naging focused sa buhay ko e, hindi mo na namalayan na may sakit na sya." Litong lito naman si JV sa mga sinasabi ko.

Flashback

Andito ako sa bahay nila Christine ngayon. I told her na iuurong ko na ang demanda ko kay JV. I know na malaki ang naging kasalanan sa amin ng asawa nya, pero naiintindihan ko naman yung ginawa nya lalo na yung pinagdaanan nya.

"Oh Wong anong ginagawa mo dito?" Mataray na sagot ng kaibigan ko.

"Bawal ka na ba dalawin ha?" Pilosopong tanong ko kaya natawa naman sya.

"Hello po Tita Deanna!" Si Jana. Kawawang bata naman to. Alam mong broken hearted e. Ang laki na ng pinayat nya pati na rin yung mata nya mapapansin mo yung lungkot.

"Hello!" Niyakap ko sya at tinapik tapik ko pa ang likod.

"Laban lang okay. Just wait.. and magiging masaya ka na ulit." I smiled at her. Kahit nalilito naman siya e.. nagsmile na rin. Ang cute naman ng future manugang ko.

Nagexcuse na sya kasi mukhang may importante daw kaming pag uusapan ng mommy nya, totoo naman.

"So ano nga??" Ay ang taray pa rin talaga e.

"Here." I gave her a letter na nagsasabing inuurong ko na ang demanda ko kay JV. Gusto ko na kasi ng tahimik na buhay. Alam nyo yun.. good vibes na lang sana. Matatanda na kami e.. sana sabay sabay na kaming mag move on sa mga buhay namin. Hehehe.

"Deanna you don't need to do this." Ibinalik sakin ni Tin yung letter na hawak nya kanina.

"But I really wanted to do this Tin. I'm doing this not for you, lalo na di para kay JV. For Jema and sa mga anak ko. I just want them to have a peaceful life. Yung walang gulo. Yung alam mo sa sarili mo na walng nagsusuffer na iba. And I know, eto din yung gusto ni Jema. Hindi man nya sa akin sabihin noon, pero alam kong ayaw din nya na idemanda ko si JV despite sa ginawa nyang gulo sa amin."

"Deanna.." umiiyak na naman sya. Napakaiyakin naman po oh.

"Tama na Tintoy. Sabi ko sayo ang panget mo umiyak diba?" Natatawa pa ako nung sinabi ko yun.

"Deanna.."

"Tin, ang OA mo na!" Pang aasar ko pa.

"I have brain cancer!" Halos mabingi naman ako sa sinabi nya.

"Tin, di magandang biro yan ah?" She looked at me. At alam kong doon pa lang sa tingin nya e.. it's not good.

Niyakap ko na lang ulit ang kaibigan ko. Awang awa ako sa kanya.

Bakit sa kanya pa nangyari to? Nagmahal lang naman sya.

Umiiyak na rin ako.

"Magpagamot tayo Tin, kaya pa yan!" Bigla naman syang tumawa.

"Doctor ako diba? Hahaha! I know there's still a chance pero.."

"Pero ano?" Takang tanong ko.

"Wala hahaha." Naiinis na ako ah?

"Tin, ang bata mo pa."

"Bata pa yung mga anak ko Wong. Paano na sila pag nawala ako?" Tuluy tuloy na yung pag iyak nya. Pero pinipigilan nya kasi baka biglang dumating dito si Jana.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now