"Mommy tara na umakyat na tayo." Sabi naman ni Doni sa kanya.
"Paaalisin mo yan o kakaladkarin ko palabas sa bahay na to?" Sigaw pa nya.
Napapikit na lang ako sa sobrang inis ko sa kanya.
Tumingin sa akin si Jana and she smiled.Naintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin.
Umalis na din agad si Jana.
Pagbalik ko.. nakaupo na si Mommy sa sofa. Pero alam mo yung parang walang nangyari. Si Doni nasa tabi lang din ni Mommy.
"Naaalala mo si Patrice anak diba? Maganda yun. Yung anak ni Tita Ponggay mo." Nako po. Eto na nga ba sinasabi ko bakit parang ang bait nya sa akin kanina e.
"Wag na yun.. Jana ba pangalan nun? Bukod sa hindi sya maganda. Anak pa sya ng hayop na JV na yun." Haaaay! Para na lang tumigil sinakyan ko na lang yung mga sinasabi nya.
"Sige po Mommy. Tara na po magpahinga na po kayo." Pag iiba ko ng usapan.
"Promise anak pupuntahan mo si Patrice ah? Sya na lang ang gawin mong gf. Maganda yun sexy pa. Yung sinasabi mong gf mo masyadong payat tapos di naman maganda." Haaay Mommy! Hindi ka naman po dating ganyan e.
"Sa kanya na yung boto ko anak." May pahabol pa talaga.
"Sige na po mommy. Rest ka na po." Para lang matapos na yung usapan.
Dinala na sya ni Doni sa kwarto nya para makapagpahinga.
Si Doni nakaalis na rin kasi nga may date pa daw sya.
Pumunta na rin ako sa kwarto ko. Sobrang nakakastress at nakakapagod ang araw na to.
Nasasaktan na ako dahil sa mga nangyayari. Si Dada yung nawala pero pakiramdam ko pati si Mommy nawala na rin.
I feel so lost.
Nagsisimula na naman akong umiyak. Everyday din ang pag iyak ko. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na sya.
Dada, I missed you. Kung andito ka lang sana hindi ko mararamdaman to ngayon.
Ang hirap hirap na po Dada.
Bumalik ka na please sobrang miss na kita!
Sa kakaiyak ko diko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako kasi nagring yung phone ko.
Si Jana pala yung tumatawag.
"Kamusta ka baby? Nakapagrest kana ba?
"Yes po. Nagising ako sa tawag mo e."
"Hala sorry baby. Naistorbo tuloy kita." Automatic naman akong napangiti.
"It's okay baby. Basta ikaw iistorbo sa akin okay lang." Natawa naman sya sa sinabi ko.
"Baby, about nga pala sa nangyari kanina..."
"Ssshhh.. Okay lang yun baby. I undestand. Konting pasensya pa kay Tita Jema okay. Dadating din yung oras na gagaling sya at dika na ulit mahihirapan.
Hindi kita susukuan okay? Kahit ilang beses pako itulak ng nanay mo palabas ng pintuan. Hahaha!Joke lang." sabay na kaming tumawa. Pareho naming naalala yung nangyari kanina e.
"Magsmile ka na ulit. Hindi kana papi, ayaw ko na sayo sige ka!"
Nagpout naman ako kaya mas nakita ko na napangiti sya.
"Pasalamat ka talaga cute ka!"
"Salamat..hehehe!"
Nagkuwentuhan na lang kami ni Jana. May gudnews daw sya sa akin. Maganda daw ang progress ni Tita Tin ngayon.
Naiiyak na naman sya. Kasi naalala nya daw yung ginawa ni Dada para sa kanila. Imagine, she paid for everything para lang makapunta sila sa US at don magpagaling si Tita Tin.
Inurong pa ni Dada yung demanda nya kay Tito JV. Kaya abot abot langit ang pasasalamat nila.
Halos atakihin din daw si Tita Tin nung nalaman nya yung nangyari kay Dada. Pero eventually natanggap na rin nya.
Syempre di daw nya maiwasang di malungkot. Lalo na, na sinabi pa daw ni Dada na lalaban sila para gumaling si Tita Tin. Kaso.. wala na si Dada. Haaay!
I misss you Dada soo soo much!
Sina Kuya Dino nga pala nasa Korea pa rin tinatapos na lang nila yung contract nila then babalik na ulit dito for good.
Dito na rin pala nakatira sina Kuya Dale at Kuya Devon sa bahay. Kaso busy sila ngayon dahil sa volleyball and sila din yung kapalitan nila Tita Bei sa resto.
Kaya mas kami ni Doni yung nag aalalaga kay Mommy sa ngayon.
Sina Kuya Dale and Devon nga pala may plano nang magpakasal next year. Pagagalingin daw muna nila si Mommy bago sila magsettle down. Yung business na naiwan ni Dada sina Tita Bei muna ang nag aasikaso. Pagbalik nila Kuya Doni saka sila tuturuan pano imanage lahat ng business ni Dada.
While si Doni naman is getting stonger sila ni Jen. Iba din ang inlove diba.
Sa amin naman ni Jana we are taking everything slow. 17 pa lang naman kami. So malayo layo pa sa katotohanan. Hehehe!
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?