44

802 20 0
                                    

Jade's POV

"Diba sinabi ko sayo puntahan mo si Patrice. Bakit ba ang kulit kulit mo. Sinabihan na kita na ayoko nga sa babaeng yan! Diba?"

"Mommy please. Not now! Pagod po ako." Galing ako ng school..final exam namin kanina. Then nagtraining pa kami.

Pinakamasakit pa sa lahat nag away pa kami ni Jana. I am physically, mentally and emotionally tired right now.

"I don't care. Mag uusap tayo kung kelan ko gusto."

"Mom, please po. I will go to Patrice tomorrow Mommy. I promise."

"Ngayon tayo mag uusap. Bahay ko to. My house, my rules." Okay. Sabi mo po e.

"Mabuti pa si Doni maayos yung gf nya. E ikaw babae na nga yang jinowa mo yung di ko pa gusto."

"Si Patrice gusto nyo Mommy may boyfriend na yung tao." Kahit naiinis ako sa kanya maayos ko pa rin syang kinakausap.

"Wala na daw sila yun ang sabi nya." Haaay! Bakit ngayon pa talaga natiming tong pakikipagbreak ni Patrice sa jowa nya e.

"Ano sumagot ka!" Galit na sabi nya.

"Opo mommy sige po. Kakausapin ko po si Patrice. Can I go and rest now?"

"Okay, I'll ask Patrice tomorrow kung nakipagkita ka ba talaga sa kanya. Kasi pag hindi mo ginawa, talagang malilintikan ka sa akin." Everyday na lang ganito. Sobrang sama na ng loob ko kay Mommy. Hindi ko alam kung ako ba yung sinisisi nya bakit nawala si Dada. O is it because she knows I'm Dada's favorite.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Basta napapagod na rin ako.

Kinabukasan

"Baby, I'm sorry. Pagod lang din siguro ako. Kahapon kaya nasungitan kita.

Please don't get mad at me na. Bati na tayo please?"

Mga text ni Jana na nabasa ko paggising ko kaya napangiti naman ako.

Tumawag pa sa akin paggising ko. She invited me to go out daw. Hindi na kasi talaga kami nakakapagdate simula nung nawala si Dada.

I know kahit sinasabi nyang naiintindihan nya. Part of me kahit papaano naguguilty na rin since hindi ko mabigay yung time na kailangan nya.

I told her na magpapacheck up si Mommy kaya hindi ako pwede. So, nagsinungaling ako kay Jana. I know na asar si Jana kay Patrice dati pa. Kaya kahit sabihin ko na walang malisya ang pagpunta ko kay Patrice hindi maniniwala yun.

Nung una nagtampo pa pero nakuha din sa pagsuyo ko.

After how many hours. Nagkita na kami ni Patrice sa MOA. Nagpic kami para may proof ako kay Mommy na pinuntahan ko talaga si Patrice.

Kumaen lang kami and nagcoffee. Ang dami naming napagkwentuhan. More of.. ako lang ata ang nagshare. Hehe.

Napansin nya daw kasi na pumanget ako. Hanep sa remarks diba? Nakakainspire. Haha.

Mukha daw akong laging pagod and stressed. Sinabi pa na hindi daw ba ako inaalagaan ni Jana para maging ganito itsura ko. Yabang diba? Kainis.

Pero totoo naman, stressed at pagod talaga ako dahil kay Mommy. Hindi dahil sa pag aalaga sa kanya ah? Dahil sa pangungulit nya sa akin about kay Patrice.

Maya maya.

"Akala ko ba, magpapacheck up kayo ni Tita Jema. Hindi ko alam 17 years old na rin pala si Tita Jema ngayon." Shet! Nagulat ako nung nadinig ko yung boses nya..

Kaya napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

"Don't make a scene here Jana. Naguusap lang kami." Mataray na sabi ni Patrice.

"And who are you again? Ako ang girlfriend pero ikaw ang kasama. Are you guys cheating on me?"

Masama na yung tingin nina Patrice and Jana sa isa't isa.

Tinignan ko na si Patrice para hindi na sumagot at hindi na rin lumala yung sitwasyon.

"Baby, let me explain." Hinawakan ko na sya pero bumitaw sya.

"Next time kung magsisinungaling ka galingan mo. Para di ka nabubuko." Sabay walk out nya.

"Jana, wait please. Let me explain!" Sinenyasan ko si Patrcie na hahabulin ko lang muna si Jana.

Ang bilis ng lakad nya. Jusko! Nakakahingal.

"Explain go!" Tumigil sya sa paglalakad. Buti dito sya dumaan sa walang ganung tao.

"Si Mommy kasi e. She asked me to see Patrice today." Nahihiyang sabi ko.

"Okay, kasi ayaw sa akin ng Mommy mo. I get it. Pero bakit kailangan mo magsinungaling?" Galit na tanong nya.

"Kasi alam ko ganyan ka..magagalit ka."

"Wow. So kasalanan ko pa talaga ngayon ha?"

"Hindi naman ayoko lang kasi na magkaissue pa tayo."

"So ngayon hindi yun issue?" Sarcastic na tanong nya.

"Baby please. Pagod na ako." Naiiyak na sabi ko.

"Talaga ba? Ikaw lang? Ako ba hindi? Ikaw lang ba maysakit ang magulang dito? Ikaw lang ba yung nagtitiis na hindi kayo nagkikita ng gf mo dahil ayaw ng nanay nya sayo?" Umiiyak na si Jana. I hate this feeling. Ayoko nang nakikita syang umiiyak.

Pero sa totoo lang, I feel so drained na. Parang pakiramdam ko any moment susuko na rin ako.

"Pagod na rin ako Jade. Pagod na pagod na ako." Gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa. I am physically and emotionally drained right now.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now