Jana's POV
Ang sarap sa feeling na magchampion sa unang year mo pa lang na naglalaro. I super loved this sport. Grabeh!
Andito pa rin kami sa loob ng court at awarding ceremony na namin.
Na award na yung best middle blocker kay Kap, tapos best libero din si Kylie. Syempre.. best opposite si Jade no. Imposibleng walang award yun.
Nagulat ako nung tinawag yung name ko for the best setter. Grabeh worth it lahat ng pagod ko. Hehe!
I saw Mommy, Jan Victor and.. Dad? Todo palakpak pa sya habang nagpupunas pa ng luha. Wow! Emotional yarn? Hahah!
Then inanounce na yung Finals MVP. Bakit yung MVP hindi pa sinasabi? Anyway, nung inaannounce naman yung Finals MVP e.. halos wala akong nadinig.
Nagulat na lang ako nung tinulak tulak ako ng mga team mates ko. Ahahah! Langya! Ako pala yung nanalo.
Eeeeeekk!! Sobrang saya ko to receive this award.
Pinagspeech pa nila ako. Syempre puro pakwela ako para di ako maiyak.
I thanked my team mates, coaches pati na rin yung pamilya ko at pamilya ng mga team mates ko.
After ko magsalita e.. iaannounce naman na yung MVP. Alam ko deserved ni Jade ang award na to. Hoping and praying ako na makuha nya ang award na yun.
Nung iannounce na yung MVP, ewan bakit kinakabahan ako. Jusko! Ang tahimik kasi e..
Maya maya..
"And for this season's MVP...
Drum rooooollllll....
Jessica Adrielle Dennise Wong of Adamson University!!!"
Sabi ng announcer. Wow! Nakakaproud. Rookie-MVP si Jade. Nakita ko si Tita Jema at Tita Deanna na nagpupunas din ng luha kaya naiyak na din ako.
Nakakaproud! I looked at her and smiled.
I'm so proud of you baby. Yun na lang ang naibulong ko sa hangin.
Maya maya tinawag na sya para magspeech.
Nagulat ako na may mga flowers nang hawak mga team mates ko pero ako wala. Nagtataka pa rin ako e.. pero diko na lang din pinansin.
"Swishy, mamaya itatali ko yung hair mo ah? Sobrang haba aabot ata hanggang sa labas ng MOA e." Si KC yun.
"Pinagsasabi mo?" Mataray na tanong ko habang nagsasalita pa si Jade.
".... Lastly, I want to thank the most special person in my life.. Mommy and Dada don't get jealous, okay?" Nagtawanan naman yung mga tao pero ako halos nabibingi na talaga.
"Jana Victoria De Guzman, thank you for all the amazing sets inside the court. This time, I will be the one to set it up for you!"
Ano daw? Bakit sya nagpapagsalamay sa akin?
Maya maya isa isa nang nagsilapitan ang mga team mates ko at binigay sakin yung 1 stem ng white and lavender roses. Bakit ito ang kulay di naman ito favorite color ko.
Nagtitilian na yung mga tao dito. Pero ako guming gulo pa rin sa mga nangyayari.
Nagtataka pa rin ako lalo na nung nagsalita pa ulit yung announcer.
"Jana, what can you say?" Pagkaharap ko may hawak na banner si Daddy and Mommy.
"Will you be my girlfriend again, baby?" Whaaatt??
Nagtitilian na din yung mga team mates ko pati na rin mga coaches ko.
Ano bang nangyayari talaga? Yung mukha ko alam kong pulang pula na sa hiya, bukod don e.. mukha ng litong lito din.
"Anak may tanong sayo yung baby mo!" Ha? Teka lang po Daddy.. gulong gulo na ako e.
Pero dahil makukulit sila. Pinatabi na nila ako kay Jade. Ewan pero lalong uminit yung mukha ko.
"So what's your answer Jana?" Sinimplehan ko ng bulong si Jade.
"Anong gingawa mo?" Nagfake smile pa ako sa mga tao nung sinabi ko yun.
"Just answer it! Nag aantay sila oh." Sabay turo pa sa mag tao sa paligid namin.
"Hindi nga pwede diba?" Medyo irita na ako pero pabulong parin.
"Hahaha. Do you still believe that story?"
"Ha?"
"Hindi tayo magkapatid kaya sagot na!!" Kung saan man nya nakuha yun e.. sige go na.
"Yes yes yes yes yesss!!!" Dinig kong sigaw ng mga tao dito. Anjan pa pala kayo. Akala ko umalis na kayo e. Hahaha!
Kanina ko pa naman gustong sumigaw dito e. Pero sige na.. dahil mapilit kayo.
"Yes Jade Wong I would love to." Nagsigawan na g nga po sila. Pati mga team mates ko nagtatatalon na dito. Pati na rin sina Tita Deanna.
Niyakap naman ako ng mahigpit ni Jade. Jusko! Nakakahiya kaya tinago ko yung mukha ko sa dibdib ni Jade. Kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao.
Sina Mommy at Daddy naman nagpunas na rin ng luha. Ano to? Bakit may pag iyak? Hahaha!
Pinuntahan ko na sila pareho at sabay na niyakap. Ngayon ko lang nafeel na buo ang pamilya ko.
Double celebration pala tong araw na to.
Kami na ulit ni Jade tapos champion pa kmi..what a better way to end this day.
Natapos na yung awarding at nasa dug out na kami. May famiy dinner daw kami with the Wongs At wag ka kasama din sina Jan, Mommy at Daddy. Ano to mamanhikan na ba? Char!!! Haha.
"Namiss kita baby!" Nakatingin lang ako sa kamay namin ni Jade na magkahawak.
"Me too!" Nahihiya pang sagot ko.
"Teka nga.. ang dame kong tanong e. Sagutin mo nang matino ah?" Natawa naman sya pero pumayag din naman agad.
"Bakit white and lavender yung kulay ng roses?"
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?