28

762 25 0
                                    

Jade's POV

Nasa game kami ngayon at kanina pa nakakatikim ng sermon si Jana kay Coach Reg kaya nilabas na rin sya. Puro error kasi sya lalo na pag sa akin sya magseset.

Either sobrang baba na halos malunod ako... O sobrang taas naman na kala ko 7 footer ako.. haaaay!

Pag tinitignan ko sya ang sama pa ng tingin sa akin kaya parang mas lalo akong natakot sa kanya.

Sana bumalik na kami sa dati. Ayoko nang ganito kami. I miss you na baby!

Teka.. about dun sa sinabi nya nung last time na nag usap kami. Totoo ba yun? Bakit? Tsaka paano nangyari yun?

Anyway, focus muna ako sa game namin ngayon. Kasi baka ako ang sumunod na sermonan ni Coach.

Andito rin nga pala si Dada ko. Hindi man sila sabay na dumating nila Mommy at least pareho silang andito diba?

Kaya kahit hindi ako pinapansin ni Jana, ganado pa rin ako maglaro kasi kahit di okay ang parents ko sa ngayon e.. andito sila to support me.

Swerte swerte ko talaga sa kanila.

Tapos na yung first set and natalo kami. 25-21 ang score. Nakahabol kami nung binalik na ulit sa loob si Jana. Medyo nahimasmasan na siguro kaya umayos na kahit papano yung game nya.

Maya maya dumating na si Doni pati na rin si Jen. Si Jen Nierva nga pala, girlfriend ni Doni. Madalas na rin kami magkasama lately since dito din nag aaral yung brother nya.

E since athlete din sya kaya nakakapasok din sya sa school namin. Pero hindi sya pwede pumunta sa gym namin lalo na pag practice. Kasi baka magspy lang sya amin. Ahhahaa!

Pagkakita ko pa lang sa kanya kumaway na din ako and nagsmile. Nakita ko naman na nagsalubong yung kilay ni Jana.

Nagselos ba sya? Yiiieee! Kinilig naman ako.

"Wong! Ayos ah? Ganda naman ng pinalit mo kay Jana." Medyo napalakas ang bulong ni Kylie.

Di pala bulong yun.. kasi lahat ng team mates namin nagulat sa sinabi ni Kylie. Low key nga lang kami kasi dati diba bago pa magbreak.

Halos mabaon naman sa lupa si Kylie sa sama ng titig ni Jana sa kanya. Natawa na lang din ako.

Ano pa bang itatago ko? Sa laki ng bunganga ni Kylie, nakita na ng lahat ang iniisip nya. Hahaha!

"Umayos ka Wong! Wag puro lande!" Ayyyy! Selos nga. Hahaha! Arte kasi e.. may pabreak break pang nalalaman. Alam ko namang hindi kami magkapatid. I know and I can feel it..

Pumayag lang ako sa gusto nya dahil gusto ko muna syang bigyan ng space. Lalo na at alam kong nagaaway sila ng Daddy niya dahil sa akin.

"Oh Wong, tama na daw lande ah?" Sabay tapik pa sakin ni Kap habang tumatawa. Papasok na kami ulit ng court. Magstart na rin yung 2nd set.

"Di ko gawain yun Kap. Faithful to no!" Sabay punta na sa pwesto ko.

Inayos ko na yung laro ko, and I can see na medyo distracted pa rin si Jana lalo na pag nakikita nya si Jen na sumisigaw pag nakakascore ako.

Tumino lang sya nung nasermonan na rin sya ni Kap sa loob ng court.

"Tigilan mo ang arte mong yan De Guzman! Hindi nakakaganda." Nagroll eyes na lang yung baby ko. Pero umayos din talaga sya e.

Ganyan nya kasi talaga respetuhin si Kap. Susunod at susunod talaga sya. Actually, lahat naman kami ganun. Lalong lalo na si Kylie. Ahhahaha!

Naalala ko pa nung minsang nag away sila at sakto may training kami. Pinatakbo ni Kap si Kylie sa oval ng 30 minutes. Ayun labas dila nya lalo na't nag one man pa sila ni Coach pagkatapos.

Tawang tawa ako e. Ang swerte ko pa daw pala kasi kahit mukhang under daw ako kay Jana e.. hindi mangyayari sa akin yung ginawa sa kanya.

Well. Mabait din kasi ang baby ko e.

Haaaay! Miss na miss ko na talaga sya.

Kahit gustung gusto ko nang malaman ang totoo, pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na tanungin sina Mommy. Gusto ko kasing maayos muna nila ang problema nila bago sa amin ni Jana.

Alam ko kasi na connected ang problema namin ni Jana kina Mommy at Dada. Lalo na at sinabi pa ni Jana na magkapatid daw kami.

I don't have the guts to ask right now. Ang alam ko lang e...  I need to give my parents the space that they needed para maayos ang problema nila.

Ganun ko sila kamahal. Sana lang e.. hindi pa huli ang lahat.

Sana din makita pa rin nila yung daan pauwi sa isa't isa. Hindi man sabihin ni Mommy, alam ko na mahal na mahal pa rin nya si Dada. At ganun din si Dada sa kanya.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now