"Hindi pa ba sapat sayo na halos ikaw yung dahilan bakit muntik nang mamatay yung kambal nung pinanganak sila ni Jema?" Mamatay? Bakit? Anong ginawa ni Dad?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Tumigil kana."
"Jema was sick nung mga panahon na buntis sya kina Jade. She had panic attacks pag nakikita ka nya o pag lumalapit ka pa lang. She almost lost the twins dahil sayo." Tahimik lang si Dad.
"Do you even need to go this far? Para saan? Dahil sa ego mo?"
"I said tumigil kana! Baka madinig ka ng anak mo." Sumigaw na si Dad pero di natinag si Mom.
"No JV hindi ako titigil. Nakikita mo ba yung anak mo? Halos hindi na kumakain yan dito sa bahay. Para lang di ka makita. Pinapagod nya yung sarili nya sa training.. sa pag aaral. Para lang makalimutan nya si Jade. Yung taong gustong mahalin ng anak mo.
JV, napakabuti mong tao. Kaya nga kita minahal e. Nagkamali ako noon kasi pinili ko ang career ko over you. Nung nagdecide ako na balikan ka ulit kayo na nun ni Jema. Sinabi ko sa sarili ko.. okay lang mamahalin kita kahit sa malayo na lang.
Then nagbago ka nung naghiwalay kayo at pinili ni Jema si Deanna. I had the chance para itama ang mali ko na iwan at saktan ka noon.
To the point na ginawa ko ang lahat para sayo. Kahit alam kong mali na.
Nung tinanggap mo ako ulit, I thought magiging masaya na tayo. Pero wala. You got worse. Nakakatakot ka na nga e. Sa totoo lang.
Then our children came to our lives akala ko simula na yun ng pagbabago mo. Hindi pa rin pala.
What happened to you JV? Masaya ka pa ba? Kinakaya pa ba ng konsensya mo na may nahihirapan.. nasisira na pamilya dahil sayo?"
"Whatever happened to them, kasalanan nila yun. Wag mo sa akin isisi yun Tin." Sumisigaw na rin si Dad.
"Talaga JV? Look at Tasha. Masaya ba yung pamangkin mo hanggang ngayon? Hanggang ngayon single pa rin sya. Hindi na nag asawa. Dahil kanino? Dahil sayo. Dahil minahal nya yung anak ni Deanna." What? Si Ate Tasha??? Napahawak na lang din ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat sa mga nadidinig ko.
"Ako JV, Deanna's my best friend. Sya yung karamay ko nun nung panahon na sising sisi ako na iniwan kita. Pero anong ginawa ko sa kaibigan ko. Tinalikuran ko ren para sayo. I did not talk to her for what.. almost 20 years.
Siguro naman tama na yung paghihirap na yun JV para gumising ka.
Tama na to please lang!" Umiiyak na sabi ni Mom. Pati ako naiiyak na rin.
Tahimik lang si Dad. Alam kong nagugulat din sya sa mga sinasabi ni Mommy ngayon, kasi madalas tahimik lang siya at laging nakasupport kay Dad.
"Kasi kung hindi ka pa rin titigil. I will not let you see any of our children anymore. Maghihiwalay na tayo." Shocks! Totoo ba to?
"Tin!" Pigil ni Dad.
"Get your acts together JV. Itama mo lahat ng pagkakamali mo. At simulan mo yan sa anak mo!"
Bumalik na ako ng room ko. Sobrang overwhelming nung mga nalaman ko.
Grabeh yung love ni Mommy para kay Dad. She sacrificed her friendship with Tita Deanna para lang sa kanya.
Gusto ko din nang ganung klase ng pagmamahal. I mean yung pagmamahal na meron si Mommy. Yung kaya kang damayan, intindihin kahit na mali kana. Don't get me wrong guys ah? What I mean is..
Yung pagmamahal na kayang tiisin ang lahat.. yung mag aantay sayo hanggang mabuo mo ulit ang sarili mo.
Sana ganun din ako. Sana magkaroon din ako ng taong kaya akong mahalin ng buong buo.
Jema's POV
Happy naman ako para kay Des. Kahit na medyo biglaan ang lahat, masaya ako na malaman na ikakasal na rin sya. Naging kaibigan ko na rin si Des kaya kahit gusto ko nang maayos yung divorce namin ni Deanna sige para sa kaibigan ko gagawin ko ang lahat.
"Anak, may bisita ka." Si Mama.
"Sige po Ma, bababa na muna ako. Salamat po!"
Pagbaba ko pa lang, alam ko na agad kung sino yung sinasabi ni Mama. Amoy pa lang.
"Tay, bakit po kayo nagpapasok ng ibang tao dito?" Galit na sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Ahhh anak, hindi naman.."
"Simula po ngayon, bawal na po syang pumasok sa bahay natin Tay. Makakaalis ka na." Tatalikod na sana ako nang hawakan nya yung braso ko. Sorry guys pero mainit ang dugo ko sa taong to.
"Jema, talk to me please." Pag harap ko, isang malakas lang naman na sampal ang binigay ko sa kanya.
"Jema, ano kaba?! Bakit mo naman sinampal si Deanna." Hindi ko pa sinasabi kina Tatay ang dahilan. Baka kasi pag nalaman nila mawalan na ng isa pang magulang ang mga anak ko.
"Tay, paalisin nyo na po sya. Ayoko na po syang makita."
"Jema please? Kausapin mo ako. Kahit sampalin mo pa ako ng ilang beses. Patawarin mo lang ako."
"Patawarin? Anong karapatan mong hingin sakin yan? Hindi mo deserve ang patawad ko. Hindi mo deserve na pakinggan ka!"
"Jema please!" Nakita ko si Tatay na nakatingin lang kay Deanna. Awang awa sa itsura ni Deanna. Ako naman naiirita. Kaya kailangan kong paalisin ang tatay ko dito.
"Tay, sorry po...mag uusap lang po muna kami."
"Sige anak, aalis muna ako. Pero please mag usap kayong mag asawa ng mahinahon." Tumango na lang ako para tumigil na rin si Tatay at saka umalis.

YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?