Jade's POV
Months have passed and naging maayos ang relasyon namin ni Jana.
Her Mom, Jan and Tito JV flew to the US para magpagaling si Tita Tin. While Jana is staying with Ate Tasha.
Sina MamaLa at TatayLolo are now in Laguna since nagkasakit din si Tita Jovi.
Si Jana naman madalas akong dinadalaw dito sa bahay. Hindi na kasi ako masyadong makalabas ng bahay lalo na sa kundisyon ni Mommy.
"Baby, sabe ni Ate Mona hinahanap ka daw ni Tita Jema." Nag aalalang sabi ni Jana sa akin.
Here we go again. Haaaay!! Pinuntahan ko na sya sa kwarto. Ayoko sana kaso pag di ako lumapit magagalit sya sa akin at magwawala na naman.
Yes, you heard it right. Ganun na po sya ngayon.
Simula nung... Nung nawala si Dada. Naging ganito na sya parang nawalan na rin kami ng isa pang magulang.
Flashback
After ng party namin sa Toi et Moi, nakita namin sina Mommy and Dada na nag uusap. I was so happy kasi baka may chance na ulit ang GaWong na magkabalikan. Although hindi sa amin sinasabi nina Mommy kung anong status nilang dalawa basta ang alam lang namin e, they are still trying their best to be civil lalo na sa harap namin.
Nauna na kaming umuwi ng bahay at hinayaan na lang namin sina Mommy na magkaroon ng moment together. Alam nyo na para makapag usap, at eventually magkabalikan na. Hihi.
Hours have passed and hindi pa rin umuuwi si Mommy. Medyo nagworry na ako kaya I've been trying to call them na. Si Mommy kasi antukin yun. So hindi yun talaga usually umuuwi ng gabi e.
Pero kasi past 2am na wala pa rin sya ni tawag or chat sa amin ni Doni e. Kaya nagwoworry na rin ako sa kanya.
I tried calling Dada too kaso wala ding sagot. Asan na kaya silang dalawa?
Maya maya, my phone rang. Teka.. si Kylie to ah? Anong oras na bat gising pa to?
I answered her call. Sana diko na lang pala sinagot.
Naaksidente daw sina Mommy and Dada sabi ni Tita Kyla. Sinabi sa akin ni Kylie kung paano nalaman nina Tita Kyla pero halos wala na rin akong naintindihan sa tindi ng kaba ko.
So ginising ko na sina MamaLa and TatayLolo para masamahan ako sa ospital. Nagising na rin si Doni.
Padating namin ng ospital. Nakita ko si Mommy na ang daming dugo. Nasa labas sya ng operating room. Hindi daw sya magpapacheck up hanggat hindi daw nya nalalaman kung anong lagay ni Dada.
Walang magawa yung mga nurses dito kasi hindi nakikinig si Mommy sa kanila.
Niyakap namin si Mommy and pinapakalma na rin pagdating namin ng ospital. Pero.. ramdam ko na hindi si Mommy itong nakikita namin ngayon.
Maya maya lumabas na yung doktor. Diko gusto yung aura ng doctor nung nakita ko sya.
Wag naman po sana. Wag po ang Dada ko please!!
"Doc, kamusta ang asawa ko?" Nag aalalang tanong ni Mommy.
"I'm sorry, Mrs. Wong pero hindi na kinaya ni Deanna!" Tumulo na yung luha ko nung sinabi pa lang ng doktor yun.
"Anong sinasabi mo. Diba doctor ka? Gawin mo ang trabaho mo. Pagalingin mo ang asawa ko!!!" Pinaghahampas na ni Mommy yung doktor. Buti nasasanggi ni Doni yung kamay ni Mommy kaya di nya naabot si Doc.
"Jema, tama na." Sabi ni MamaLa kahit umiiyak na.
"Buhay si Deanna Ma. Buhay ang asawa ko. Gunggong yang doktor na yan! Asan ang asawa ko ililipat namin sya ng ospital. Wala kayong kwenta dito!!" Pilit na pumapasok si Mommy sa operating room pero napipigilan na ni TatayLolo at Doni.
"I'm really sorry for your loss Mrs. Wong. We did everything we could to save her." Malungkot na sabi ng doktor.
Nagsorry na rin sa amin ang doktor.
Kanya kanya na kaming yakapan at iyakan dito dahil sa biglaang pagkawala ni Dada.
Pero..
Si Mommy naman nagwawala na lalo dito.
Pilit na pinapakalma ni TatayLolo at Doni si Mommy pero parang sinaniban si Mommy sa lakas nya.
"Jema anak umuwi na tayo. Magpacheck up na tayo. Baka mamaya may malalang sugat ka." Sabi ni MamaLa sa kanya. Pero parang wala lang kay Mommy yung sinabi sa kanya.
"Dito lang ako Ma. Aantayin kong magising si Deanna. Inaantay ako ng asawa ko." Mugtong mugto na ang mata ni Mommy kakaiyak.
"Anak, alam kong mahirap tanggapin sa ngayon pero kailangan mong gawin." Umiiyak na sabi ni MamaLa.
"Kung pagod na po kaya Ma, mauna na po kayo. Dito lang po ako. Para paggising ng asawa ko ako una nyang makikita. Hindi ako aalis dito."
"Jessica umayos ka nga. Ikaw lang inaalala ng Mama mo!!" Medyo napalakas na rin yung boses ni TatayLolo kaya nagulat kaming lahat. Si Mommy naman parang halos walang nadinig.
Minsan lang magalit si TatayLolo kaya alam mong naubos na rin ang pasensya nya kay Mommy. Lalo na kapag hindi maganda ang sagot ni Mommy kay MamaLa.
"Kung hindi nyo maaantay na magising si Deanna Tay, pwes ako kaya ko. Kaya kong antayin ang asawa ko. Umalis na po kayo!" Sa sobrang tigas ng ulo ni Mommy sumuko na lang din si TatayLolo.
"Manahimik ka na lang jan Jema! Sasamahan ka namin dito kaya wag mo kaming itaboy." Sabi pa ni TatayLolo.
Hindi ko alam bakit parang tumahimik na si Mommy. Nagulat kami nung bigla syang bumagsak sa floor at hinimatay.
Agad naman siyang binuhat ni Doni para dalhin sa emergency room.
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?