37

912 25 0
                                    

Nagtuluy tuloy yung magandang game nila Jade and nakuha pa nila ulit yung 1 pang set. Grabeh kitang kita mo yung saya at excitement sa mga players. Haaay! Nakakamiss din pala talaga maglaro.

Maya maya napansin kong bumalik na si Deanna. Since napansin nyang tumingin ako.. kaya tumingin din sya sa akin at nagsmile.

Shet! Ang ganda ng smile nya. Para akong natunaw. Bumilis yung tibok ng puso ko. Akala mo.. 2018 lang ulit ngayon.

Nagsmile back na lang din ako. Sa totoo lang nahihiya ako e. Pero more of.. kinilig. Kainis!

"Mommy, focus po sa game wag kay Dada." Sabi ni Doni kaya medyo nahiya ako. Ganun na ba ako kaobvious, jusko po!

Deanna's POV

Andito kami ngayon sa MOA to watch the finals game nina Jade. Kakatapos lang ng 1st set nang may tumawag sa akin.

Deans, okay na. Sure ka na ba dito?

Yup, Des! Thank you sa tulong mo. And sorry na rin kasi diko na pinaabot ng 1 month.

Haaay! Ganun talaga ang life e. O sya, alam kong nanunuod kayo. Send hugs na lang kina Jade sa game nila today.

See you Des!

After ko makausap si Des bumalik na ko sa upuan ko. Hindi ko alam pero parang hinahanap ako ni Jema. O feeling ko lang yun? Hehe.

When I saw her looking at me, I smiled. Syempre, baka sakaling magbago pa isip nya at balikan ako. Alam nyo na baka makuha pa sa killer smile ko.

Kaso, inalis na nya agad yung tingin nya sa akin. Sayang! Kung papayag sya kahit buong game kami magtitigan okay lang sa akin. Hahaha!

Back to the ball game.

Isang set na lang panalo na sina Jade. Panay ang dasal ko dito.

Kasama ko din pala sina Dale and Devon pati mga girlfriends nila. Langya! Ako lang walang partner dito ah? Hahaha!

Andito rin pala ang tatay kong si Ate Bei pati na rin si Bud and Jayce. Kumpleto ang pamilya ko. Kahit magkahiwalay kami ni Jema feel ko pa rin na masaya ang pamilya namin.

Pero mas masaya pa rin syempre kung kami pa rin ni Jema diba? Anyway, focus na lang muna ako sa game ulit.

23 all na pala ang score. Grabeh mga laruan ni Jana parang nakita ko sarili ko sa kanya. Haha. Tapos si Jade naman kay Jema. Ganitong ganito kami nun nung nasa Creamline pa kami. Mga tinginan pa lang namin alam na alam na namin pareho yung gusto naming play.

Nag time out na si Coach Reg. Kasi nakascore ang La Salle. So lamang na sila ng 1.

Nakita ko na pinuntahan ni Jade si Jana at nag usap sila. Naalala ko tuloy last week yung tinuro ko na play kay Jana na favorite din namin ni Jema noon.

Pagbalik nila sa court, nasa service line na si Mars Alba yung setter nila. Nareceive ni Kylie tapos nagdecoy si Jade tumakbo sa kanan si KC and booom.. pasok yung running spike nya. Woaaahh!! Ganda ng play na yun ah? Sigawan at talunan pa kami dito.

Nagdeuce na at 24-24 na nga ang score.

Nasa servige line na si Jade and boomm.. an ACE again. Jusko! Isa na lang champion na ang anak ko.

Nagtime out na din ang La Salle to freeze Jade sa pagseserve. Kaso sorry sila.. walang kaba sa katawan yang baby princess ko no!

Nakita kong tumingin sa akin si Jade nung nag time out. She smiled at me. I smiled back. Sweet ng baby princess ko diba?

Pagbalik ng court. Bago pumito yung ref, Jade looked at me again then pointed at me. So, finocus tuloy ako ng cameraman. Nakikita na ako sa screen. Ahhhhh!!! Nakakahiya! Pero no choice na.. so I smiled. Hahaha!

Nag jump serve si Jade received by Jazareno setup ni Alba kay Gagate.. dug by Kylie. Ang lakas nun pero pinuto lang nya. Manang mana rin sa nanay e..

Nag decoy na si KC pakanan tapos may sumabay din na tumalon sa kaliwa..

Ang di nila alam e.. sa gitna padadaanin ni Jana yung back set..

Kaya pagkaset ni Jana, sa gitna nanggaling si Jade then booom she scored again.

Waaaaahhhh! Ang ganda ng play na yun. Talunan na ang mga tao dito.

Champion na ang baby princess ko. We were all hugging each other here. Nakakaiyak.

Nakita kong nagyakapan na ang mga players sa court. Then si Jade umakyat pa dito sa pwesto namin.

"Dada!!!"

"Galing ng baby princess ko." Hinug ko ang anak ko ng mahigpit.

"I'm so proud of you anak!"

"Thank you Dada, I love you!" I kissed her forehead bago sya pumunta sa Mommy nya.

Proud na proud si Jema lalo. Kasi bukod sa same position sila ni Jema sa volleyball noon e.. same school pa sila. Haaay! Ang saya saya!

Thank you Lord for this win and thank you also for my family.

After ng celebration sa loob ng court, inaayos na nila ang stage para sa awarding. I know na malakas ang laban ni Jade for the Rookie-MVP award. Bibihira to pero alam kong deserved na deserved nya.

Tahimik na din yung audience and ready na kaming lahat dito. Hehehe!

Huling SandaliWhere stories live. Discover now