34

987 33 2
                                    

She just went there to talk to JV. Akala namin simula nun magbabago na si JV pero hindi pala. Kasi nalaman na lang namin na you were pregnant. He was so devastated kaya bumalik ulit sya sa drugs, sugal at kung anu ano pang gulo ang pinasok nya.

Then one day, Daddy passed on. Sa sobrang sama ng loob at stress ni Daddy kay JV kaya kinuha na sya sa amin ni Lord. Hindi matanggap ni JV yun, that's why he blamed Jema sa lahat ng nangyari sa buhay nya.. lalo na yung pagmakatay ni Dad.

Kung hindi daw sya iniwan ni Jema at pinagpalit sayo, maayos pa daw sana ang buhay nya and baka andito pa daw ang Daddy.

I was hurt kasi, he was building his future with Jema at hindi ako.

Ayun.. Dahil na rin sa paglalasing nya at dahil na rin palagi akong nasa tabi nya kaya.. nabuo namin si Jade. Nagpakasal kami agad nung nalaman nyang buntis ako. I thought mahal na nya ako ulit kaya nya ginawa yun. Pero hindi pala..

Nalaman ko na lang na yun pala yung huling hiling sa kanya ni Daddy. Ang pakasalan ako at magkaroon sya ng sarili nyang pamilya.

Fast forward to this day, nalaman ko lang din yung about sa resort nung kinakausap ko sya about sa gulong ginawa nya sainyo.

Hindi totoong binigay ni Jema ang resort dahil anak nila ni JV ang kambal. She gave it to him, para daw makapagsimula siya. Tinulungan lang ni Jema si JV para makabangon ulit, Deanna.

You know how amazing Jema is. Kahit na ginawan na ng masama ni JV si Jema, inisip pa rin nya yung kalagayan ni JV hanggang sa huli.

I'm really sorry Deanna. I lost my bestfriend dahil sa pagmamahal ko sa kanya.. I even lost myself too."

Yun pala ang nangyari sa kanya, all this time akala ko okay ang buhay ni Tin, hindi pala. Hindi ko mapigilan hindi maawa sa kanya. Pero ayoko namang ipakita sa kanya yun.

Grabeh! Mas lalo ko pa atang minahal si Jema dahil sa mga kwento ni Tin. Ngayon ko napagdudugtong ang mga nangyari ngayon. Hindi man lang binanggit ni Jema yung kahit na ano sa kwento ni Tin. Alam ko na alam nyang hindi ako papayag.

Haaaay! Ano ba tong pinakawalan ko? Napakabuting tao na.. napakabuting asawa pa.

"I'm really sorry Deanna!" Ang haba na ng naisip ko diko namalayan, umiiyak pa rin sya.

Agad ko syang niyakap. Namiss ko tong bestfriend kong to.

"Tama na! Lalo kang pumapanget." Natawa naman sya kaya halos maubo na sya dahil umiyak at tumawa sya at the same time. Buang diba?

"Wag ka na magsorry sa akin. Kasalanan ko rin naman e. Kung nag isip lang sana ako nang maigi hindi kami maghihiwalay ni Jema. Pero Tin.."

"I'm not asking you na iurong ang demanda kay JV Deans! Gusto ko lang bumalik ulit ang kaibigan ko sa buhay ko. Kahit may pagkaabnuy ka e.. sobrang namiss kita!" Tawa na kami nang tawa ngayon. Abnuy din naman sya e.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ni Tin. Alam nyo na halos 20 years din kaming di ng usap. Nakakaamaze lang din yung pagmamahal nya kay JV. Kahit na ang martir sa paningin ko e.. napabilib din naman ako sa kanya. Imagine evrything she went through para lang magstay kay JV. Grabeh talaga ang pagmamahal no? Hindi mo alam yung kaya mong magawa dahil lang sa sobrang pagmamahal.

Jema's POV

Days have passed and wala nang Deanna ang dumadalaw sa bahay. Medyo nakakamiss din pala. Kaya parang nalulungkot din ako.

Andito kami sa dining area at sabay sabay na kumakaen..

"Bakit malungkot ang beshy ko?" Si Mama.

Tawang tawa naman kaming lahat dito. Baliw talaga e.

"E pano hindi na dumadalaw ang lola mo!" Si Tatay. Jusko! Bagay nga kayong dalawa. Tawa sila nang tawa pati na rin yung kambal.

"Sige pagtulungan nyo ako!" Medyo naiinis na sabi ko. Kaya si Jade tumigil na rin.

"Mommy, namimiss mo na po ba si Dada?" Biglang tanong naman netong bunso ko. Silang lahat nakatingin na sa akin at nag aantay ng sagot.

"Hmmm.. secret! Hahahaha!" Pang aasar ko pa.

"Corny mo po Mommy!" Sabi naman ni Doni kaya natawa na din ako.

"Mom, pwede ko naman sabihin kay Dada na gusto lang namin sya makita pati na rin sina Kuya. Sige na Mommy, miss mo na rin sina Kuya diba? Tara na po sa bahay ni Dada!" Pag aya nila sa akin. Parang naexcite ako na ewan. Hahaha!

"Yiieeee! Papayag na yan." Si Mama naman yun. May pasiko pa sa akin tapos sabay taas baba pa ng kilay.

"GaWong pa rin talaga ang endgame Mama." Sabi ni Tatay. Ang dami talagang alam ng mag asawang to. Jusko! Hahahha!

Dahil mapilit sila e.. pumunta na nga kami sa bahay ni Deanna.

Pagpasok pa lang namin nakita ko na agad si Manang Lucing.

"Wow andito na ang reyna. Ano pong nakaen nyo?" Hahaha! Si Manang talaga.

Sinalubong na kami nina Dale at Devon. Pumasok na rin kami agad sa loob ng bahay kasi mainet e.

"Manang, dadalawin ko lang po ang mga bata." Pasimple kong nilibot ang mata ko sa bahay. Namiss ko din to ah?

Bigla namang ngumiti si Manang.

"E bakit parang may hinahanap ka anak? Hehehe!"

"Ano po Manang?" Kunwaring diko nadinig yung sinabi nya.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now