5

987 27 0
                                    

"Jana waittt!!!" Tuluy tuloy pa rin sya sa paglalakad kaya naglakas loob na akong hawakan ang kamay nya.

"Pakinggan mo muna ako please!!" Tumigil na sya pero inalis nya yung nakahawak kong kamay sa kanya.

"I'm sorry Jana." hinahabol ko pa yung hininga ko. Ang layo nung tinakbo ko ah?

"Ahmmm... wait lang. Napagod ako." Tinaasan naman nya ako ng kilay. Pero hinayaan ko na sya na tarayan ako. Haha!

I looked straight into her eyes.

"I'm really sorry for what I said a while ago. Sorry kung naduwag ako. Hindi ko dapat dineny yung totoong feelings ko for you." Nakatingin lang sya sa akin pero alam mong nagtataka sya sa mga sinasabi ko.

"Jana, I like you! Ahhhmmm... Hindi lang pala like.

Ahhmmm.. Mahal kita! Simula pa nung una kitang nakita dito sa school. I don't know why or how, pero yun na e." Walang reaction yung mukha nya. Hindi man lang sya nagulat. Kaya bahala na. Kailangan ko nang sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

"I'm sorry kung hindi ko inamin sayo agad. Natakot ako! Natakot ako na baka masaktan lang ako kasi akala ko..."

"Akala mo gusto ko si Doni? Akala mo.. totoong nililigawan nya ako??" Tumango tango ako sa sinabi nya kasi yun naman ang totoo e.

"Dahil lang don? Maduduwag ka? Hindi mo man lang pinaglaban yung pagmamahal na sinasabi mo para sa akin?" Natigilan ako sa sinabi nya. Totoo naman e. Ang duwag ko talaga.

Tumingin ako sa mga mata ni Jana. I want her to feel na nagsisisi ako sa ginawa kong pagdeny sa totoong feelings ko.

"Jana, I'm really sorry. Sana mapatawad mo pa ako. Sana bigyan mo pa ako ng chance." Please baby. Gagawin ko lahat para mapakita ko sayo na mahal kita.

"Chance? I gave you a chance kanina lang. Pero dineny mo nga diba? Dineny mo na mahal mo ako." Nakatingin lang ako sa kanya. Alam kong nasaktan ko sya.

Katapusan na ba namin? hindi na ba nya talaga ako mapapatawad?

Napayuko na lang ako kasi tumutulo na rin yung luha ko. Bakit kasi hindi ko pa sinabi sa kanya na mahal ko sya.

Matagal kaming natahimik. Hindi ko ata kakayanin kung magagalit pa sya sa akin. Ano ng gagawin ko? 

"So.. ganyan ka lang talaga? Wala ka man lang gagawin ha Wong?" Napatingin na ako sa kanya. Nakataas yung kilay nya pero iba na yung aura nya ngayon.

Chance ko na to. Kaya mo to Jade!!!

"Will you let me court you Jana?" Lakas loob na sabi ko sa kanya. Bahala na. Hindi na ako titigil. Ito na yung chance ko ulit.

Hindi ko sure pero I saw it. Ngumiti sya. Oo ngumiti sya pero saglit lang.

Nag aantay ako ng sagot nya, gusto ko nang ngumiti pero baka masapak ako e. Seryoso na kasi ulit yung mukha nya.

"Do you want to court me?" Tanong nya habang nakatingin lang sakin ng diretso.

Nakakatakot naman po si Madame.

"Yes po. If only you will let me." Nangungusap na yung mga mata ko. Pumayag kana please??

"Liligawan mo ako because....???

Bakit parang nadinig ko si Kris Aquino nung sinabi nya yun? Hahaha! Teka.. seryoso ako dito.

"Because. I like you. No.. I love you! Papakita ko sayo na mahal kita araw araw hanggang makulitan ka sa akin." I said that will all sincerity and bravery.

"Anong sabi mo?" Hala! Hindi ba nya nadinig. Baby, maglinis ka naman ng tenga mo please?

"Ulitin mo nga?" Sabi nya ulit. Pero parang kinikilig pa. Hahaha!

"Alin don ang haba nun e." Medyo naiinis na sabi ko.

"Kahit yung una na lang." Tapos nagsmile sya.

"I love you Jana Victoria De Guzman. Pwede na ba kitang ligawan??" Lakas loob na tanong ko. Napapikit pa ako.

Jusko Lord. Tulungan nyo ako please!!!

"Hmmm... Yes!" Ha? Ano daw??

"Yes? As in yes?? Pwede na kitang ligawan?? Lalapit na sana ako pero.. pinigilan nya ako.

Nakacross arms na sya ngayon tapos nakasalubong ang kilay.

"Ligaw? Ligaw pa rin? E sinabi ko na ngang mahal kita kanina e. Mukhang ayaw mo naman atang maging tayo." Whatt??? Maging kami? Wala ng ligaw. Yung ngiti ko parang mapupunit na yung labi ko sa laki e. Hahhaha!

"Teka nga lang muna.. bago pa saan mapunta tong usapan natin. Matanong nga kita...

Kayo ba ni Patrice? Kasi ayoko nang may kahati e." Mataray na tanong nya sa akin. Parang di pa kami nagsisimula mukhang underdog ang Jessica nyo e.

Lakas loob na akong lumapit sa kanya at kinuha ang kamay nya at hinawakan ito.

I looked at her and..

"Wala pa akong nagiging gf. Kung meron man mauuna e.. sisiguraduhin kong ikaw yun." Nakita ko naman na napangiti sya. Uuyy kinilig.

"Kaya kung papayagan mo ako.. gusto ko sanang ikaw ang unang maging gf ko." Hinawakan ko nang mahigpit yung kamay nya.

Nakangiti na sya at nakatingin lang sa magkahawak na kamay namin.

Yung tibok ng puso ko parang nagraracing sa bilis.

"Liligawan na kita ha?" Pang aasar ko pa.

Tinignan nya ako at nakataas ulit ang kilay.

"Kulit mo ah?" May pagbabanta.

"Bakit?" Kunwaring tanong ko pa.

"Bakit may ligaw pa nga e.. sinabi ko na ngang mahal kita e." Yiiieee! Kinikilig naman ako. Ang sarap ipaulit ulit. Hahaha!

"Ayaw mo ata akong maging gf e." Nakasimangot na po sya this time. At inalis pa yung kamay nya na hawak ko kanina.

"Totoo? Tayo na? As in?? GF ko na ang POG setter ng ADU?" Pang aasar ko sa kanya. Pero ngumiti naman sya kaya napangiti na din ako.

Tumango tango pa sya pero diko na napigilan ang sarili ko. Kaya nabuhat ko sya.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now