"Pasensya na po Tay." Tinapik pa ni Tatay yung balikat ni Deanna bago sya umalis.
"Tigilan mo na tong kaplastikan na to Deanna! Bait baitan ka pa sa harap ng Tatay ko."
"Jema I'm sorry. I'm really sorry. Nadala lang talaga ako ng galit ko nun. Please, mag usap tayo ng maayos."
"Nadala ka lang? Mas inuna mo pa yung galit mo kesa pakinggan ako Deanna. Inuna mo yang pride mo. O ego mo o kung anuman ang tawag mo jan.
Yang pride mo na yan.. lamunin mo. Isaksak mo sa baga mo. Wala na akong pakialam."
"Jema please, sorry..sorry na..please!" Luluhod na sana si Deanna pero pinigilan ko.
"Haha! Sa tingin mo ba pag lumuhod ka jan maaawa ako sayo? Sa tingin mo? Yung galit ko sayo sobra sobra Deanna. Sa sobrang galit ko hindi ko na alam kung may pwesto ka pa ba sa puso ko.
Kaya tigilan mo na ako!"
"Jema pano mga anak natin? Gusto ko pa silang makasama."
"Anak natin Deanna? Ahhhh.. sina Dale and Devon.. wag kang mag alala makikita mo pa rin naman sila..binasa mo man lang ba yung binigay ko na document kay Des?" Naiiritang tanong ko sa kanya.
"I mean.. Sina Jade and Doni Jema." Nakayuko na si Deanna ngayon.
"Wow. Ngayon anak na natin sila? Hahaha! Nagpapatawa ka ba talaga Deanna?" Naiirita ako sa itsura nya. Paawa effect pa.
"Bakit? Nagpa DNA test kana ba kaya ngayon nagpupumilit ka sakin na anak mo na sila ulit?" Pilosopong tanong ko.
"Jema hindi ko na kailangan gawin yun!"
"Hahaha! Wag mo akong gawing tanga Deanna." Tumahimik na ulit sya. Kaya mas lalo akong nanggigil.
"Galing no? Paraheo tayo ng linya?
Hindi ako tanga Deana..kaya ka lang andito kasi napatunayan mo na anak mo nga sila. Diba? Diba?
Kinailangn pa ng ibang tao para lang maniwala ka sa akin. Ganun ka e. Ganun ka kawalang tiwala sa akin Deanna."
"Jema.. hindi ganun. Please, ayusin natin to. Mahal kita Jema. "
"Tigilan mo na ako Deanna makakaalis ka na!
And please.. wag ka nang bumalik. Madameng beses na rin akong nagpatawad Deanna. Hindi ko na kayang gawin yun ngayon."
Tuluy tuloy na ang luha ko. Kahit makita pa nya. Wala na akong pakialam.
"Tatanda ka na lang nang mag isa." Kahit galit ako sa kanya hindi ko pa rin maiwasan na masaktan.
Deanna's POV
Umalis ako ng bahay nila Jema na hinang hina. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko halos diko na maihakbang yung mga paa ko palabas ng bahay nila.
What did I do? Bakit umabot sa ganito yung galit sa akin ni Jema?
Napakatanga mo kasi Deanna! Ang tanga tanga mo!!!
Pumasok na ako ng kotse at dun ko na binuhos ang lahat ng frustrations ko. Kung noon kahit gano kasakit ang nagawa ko kay Jema, kitang kita ko pa rin sa mga mata nya na mahal nya ako.
Pero ngayon.. ibang iba na sya. Tama yung sabi ni Des iba na yung aura ni Jema ngayon.
Hindi na ba talaga pwede? Natakpan na ba ng galit yung puso nya kaya nakalimutan nya nang mahal nya ako.
Ate Bei calling...
Wong! Andito ako sa bahay ninyo. Asan ka?
Pauwi na Te Bei.
Sige see you here. We need to talk.
End call.
Pagkauwi ko ng bahay. Dumiretso na ako sa music room. Andon kasi si Ate Bei. Gustung gusto kong magpakawasak ngayon. Tama. Iinom na lang para tulog na lang ulit ako at hindi ko na maramdaman yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Ate Bei, nadalaw ka ata." Sabi ko sa kanya habang naghahanap ng alak.
"Anong hinahanap mo? Iinom ka na naman?" Hindi ko sya sinasagot. Alam ko meron pa akong nilagay na alak dito e.
"Wala ka nang makikita jan kasi sinabi ni Manang pinatapon na daw lahat ni Jema." Oo nga pala. Bakit ba kasi ginawa pa nya yun? Wala naman na syang pakialam sa akin diba?
"Deanna, umayos ka nga! Hindi yan ang soultion sa problema mo.
Ang tanda tanda mo na, pabigla bigla ka pa rin sa decision mo." Nagpantig naman ang tenga ko.
"Ano ba Ate Bei. Pumunta ka ba dito para sermonan lang ako. Hindi yan ang kailangan ko. Kaibigan! Kaya kung di mo mabibigay yun umalis ka na lang!"
"Yan.. jan ka magaling e. Yung itaboy yung mga taong nagmamahal sayo. Kaya ka iniiwan ni Jema e." Diko na napigilan sarili ko kaya nasapak ko na si sya.
"Tang ina mo Deanna!" Isa ring sapak ang binigay nya sa akin. Halos nahilo ako e.
Kasama na ata pati yung kapitbahay nila sa tindi ng suntok nya sa akin e.
Iisa pa sana sya nung pinigilan ko sya. Masakit talaga mga besh!
Kinuwelyuhan ako ni Ate Bei pagtapos nyang mapigilan ang sarili nya na sapakin ako.
"Hanggang kailan ka ba ganito Deanna? Hanggang kailan???" Sabay bitaw nya.
"Tinatawagan kita pero di mo pinapansin. I heard what you did to Jema nung pumunta sya sa bahay para kausapin kami ni Jho. Halos hindi ko na makikilala yung tao sa sobrang maga ng mata nya kakaiyak." Nahiya naman ako sa sinabi ni Ate Bei.
"Hindi ka na natuto Deanna. Jema was there nung mga panahon na halos ang hirap mong intindihin. Nung unang beses na naghiwalay kayo. Kung gaano katagal ka nyang inantay. Nung iniwan mo ulit sya. Pinatawad ka pa rin nung tao.
Pero ngayon Deanna hindi ko na alam talaga kung papatawarin ka pa nya dahil jan sa kalokohan mo!
Matalino ka naman. Bakit ba naniniwala ka agad kay JV." Napatingin ako kay Ate Bei.
"Yes, alam ko lahat. Sinabi sa akin ni Jema." May binigay sa akin si Ate Bei na document. Hindi naman na ako nagulat.
YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?