14

967 25 3
                                    

Jana's POV

Andito na kami sa bahay. Syempre dahil favorite akong anak alam ko na na sandamakmak na sermon ang makukuha ko ngayon.

"I already told you to stop seeing that woman! Hindi ka kasi nakikinig sa akin." Si Mommy yun. Ang dami na rin nyang sinabi kanina pa lang pagdating namin ni Dad pero halos iisa lang din naman ang thought.

"Masyadong pasaway yang anak mo Christine. Sa dinami dami ng magiging jowa nyan e anak pa ng Deanna Wong na yun. At babae pa talaga ha??" Sobrang sama ng tingin sa akin ni Dad. Pero.. hindi ako natatakot.

"Why Dad? What's so wrong about loving her? Mabuting tao si Jade dad."

"I don't care! Nakakadiri kayo!!"

"Bakit ang homophobic nyo Dad? Wala kayong magagawa kung siya yung gusto kong mahalin. Hindi nyo ako mapipigilan sa gusto ko!" Gagawin ko ang lahat para ipakita kina Dad na kaya ko ang sarili ko. Ipaglalaban ko si Jade.

"Jana!!" Nagulat ako nung sumigaw si Mommy.

"Wag kang ganyan sumagot sa Daddy mo. Kelan ka pa natutong sumagot ng ganyan ha?" Kung may mas nakakatakot sa kanilang 2, si Mommy yun. She was always my kakampi and sandalan for the longest time.

"Pati ba naman po kayo Mommy? Hindi nyo po ba ako tanggap kasi babae ang gusto ko?"

"Go to your room now! Simula ngayon you're grounded. Bahay at school ka lang. Naiintindihan mo?" Galit na galit na sabi ni Mommy. Wala akong nagawa kaya umalis na ako.

Bakit ganun na lang ang galit nila Dad kina Tita Deanna. Alam kong tanggap ako ni Mommy bilang ako. Pinupush nya pa ako noon na umamin kay Jade, pero ngayon ibang iba na sya. I know in my heart na may mali talaga.

Alam ko na may mabigat na dahilan and I need to know that.

Baby calling...

Hi Baby! How's Tita Jema?

Ang dami na palang chat ni Jade, sa sobrang tagal ng misa kanina ngayon na lang ulit ako nakapagcellphone.

She's okay Baby. Ikaw? How are you? Di ka naman ba sinaktan ng Dad mo?

Nope. Ganun lang talaga sya magalit pagdating sa akin pero never nya akong pinagbuhatan ng kamay.

Ako nga ang dapat magalala sa kanya e.

Ikaw Baby? Kamusta yung sugat mo? Masakit pa ba yung suntok ni Dad?

Biglang lumungkot yung mukha nya.

Walang masakit Baby, dito lang oh.

Sabay turo sa puso nya. Nalungkot naman ako.

Baby, I know nagsisimula pa lang tayo. And I know mas madami pang mangyayaring ganito in the future. Can I ask you a favor?

True naman. Alam kong madami pa kaming pagdadaanan ni Jade lalo na't pinasok namin ang ganitong relasyon.

What is it baby?

Promise me.. you won't leave me despite everything that will happen.

Ha? Bakit may paganun pa?

Promise!

Pero labas sa ilong ko. Nagroll din ang eyes ko. Kasi diko gusto yung favor nya.

Why Baby?

Seriously Jessica Wong? You're asking me that kind of favor? Okay ka lang ba talaga? Mukhang naalog utak mo sa suntok ni Dad ah?

Why what's wrong baby?

You should not ask for favors like that. You should know na I won't leave you even without asking me that! Okay?

Natahimik na sya.

Ipaglalaban kita hangga't kaya ko.

Nagiging seryoso na yung mukha nya kaya nakaisip ako ng kalokahan.

Pero pag napagod na ako sa kakulitan mo. Baka magbago isip ko!

Nanglaki yung mata nya bigla. Ahahaha! Diko pinahalata na natatawa ako. Kaya ang loko tahimik pa rin.

Hoy baliw ka na talaga no! Charot lang yun! Haaay baby! Ano na bang gagawin ko sayo?

Ayan, ngumiti na sya.

Shocks! Ang cute ng jowa ko uy!

Oh, why are you smiling naman ngayon ha baby? Kanina ang taray taray mo!

Tanong nya sakin habang tumatataas taas pa ang kilay.

Tse! Tigilan mo ako Jessica Wong!

Hahahha! Nacucutan ka sakin no? No? No?

Taas baba parin ang kilay habang nakangiti. Haaay ang cute talaga Lord!!!

Bahala ka jan!!!

Yieee si Baby! Cute ko no? Aminin mo na kasi!!!

Ayaw parin tumigil. Naiinis na ako.

Pero in fairness, mas cute sya pag makulit. Yung ngiti nya na ang ganda ganda. Haaaay! I'm so in love with this girl. Kainis!

Oo na. Cute naman talaga ang Baby ko. Kasi kung hindi.. malamang di kita Baby.

Sabay kindat ko sa kanya. Kaya namula naman ang loko. Kala mo ha?

Nagpatuloy na lang kami sa harutan namin hanggang antukin kami pareho. Nakalabas na rin pala daw si Tita Jema.

Kaya everything's good now except for my parents.

Nasabi ko na rin kay Jade na grounded ako so.. hanggang cellphone muna kaming 2.

Malungkot man sya pero mas okay na daw yun at least magkakausap pa rin kami.

Kahit grounded ako, hindi pa rin kinuha nila Dad yung cp ko since ginagamit ko to sa team namin and sa school na rin.

So for now virtual hugs and kisses lang muna kami ni Baby. Pero for now lang to. Kasi, sisiguraduhin ko na magiging okay ang lahat.

Tatanggapin din kami nila Mommy and Daddy. I will do everything para maging worthy ang love namin ni Jade sa mata ng mga magulang ko.


Huling SandaliWhere stories live. Discover now