Chapter 2

444 28 3
                                        

AN/ Hi! This chapter po and sa mga next chapter is yung nangyari kay Lucas habang nasa ibang lugar si Stelie Rose. Baka po malito kayo, bibigyan ko rin ng POV ang new fl ni Lucas sa mga next chapters.




Lucas Lavalle




Pagkatapos kong ihatid si, Stelie ay hindi muna ako umalis at sinamahan siya hanggang sa mapuno ang bus. Halos ayaw ko siyang bitawan nung paalis na siya dahil hindi ko kayang mawalay sa kaniya ngunit kailangan yun dahil sa nilipat siya ng pinagta-trabahuhan niya. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang nilipat? At kung sa totoo lang ay kaya ko na siyang buhayin kahit hindi pa kami mag asawa, hindi naman sa ayaw ko siyang mag trabaho pero ayaw ko lang na mapagod siya, tinuturing ko siyang reyna kaya dapat ay nakaupo lang siya. Umiyak pa ako ng humiwalay siya sa yakap dahil mamimiss ko talaga yun.



Mamimiss ko lahat sa kaniya kahit alam ko na magkikita naman kami.


Mag iisang buwan palang na wala si Stelie ay parang gusto ko na siyang puntahan pero kapag sinusubukan kong tanungin ay hindi niya sinasabi at sasagot ng siya nalang daw ang dadalaw sakin kapag nagka oras siya. Miss ko na siya. Miss kona yung yakap niya, yung tawa niya, yung boses niya, yung ngiti tuwing sasalubungin niya ako kapag sinusundo ko siya, lalo na ang katagang mahal kita. Miss ko na.



Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa apartment ko, Maya maya ay pupunta ako sa grocery store para mamili ng stocks ng pagkain dito. Naalala ko pa nung nandito si Stelie, sinasamahan niya ako mamili ng kung ano ano at siya pa ang magluluto para sa'kin. Sa mahigit isang taon namin, hindi pa kami nagtatabi sa kama, hindi ko rin nahalikan ang labi niya, dahil ang gusto ko, gagawin ko yun kapag naharap ko na siya sa altar.




Hindi ko nga alam ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa'kin, kaya nga nagsisipag ako para sa future namin, Nagpaplano rin akong pakasalan siya, pero bago yun ay hihingin ko muna ang kamay niya sa Lola at Lolo niya, pati na rin sa mga magulang niya at pagkatapos ay ipapakilala ko siya sa mga magulang ko. Hindi pa kami legal dahil yun ang kagustuhan niya kaya't hindi ko siya pinilit.


Kakarating ko lang sa apartment ko at agad akong nagbihis, nakasuot ako ng simpleng jogger at kulay itim na v-neck na t-shirt. Stelie gave it to me because bagay daw sakin, actually hindi ito branded katulad ng sa mga damit ko, sa ukay-ukay na binili ito. Nagtaka pa ako dahil marami siyang binili at akala ko ay gumastos siya ng marami pero ngumiti lang siya at sinabi na sa ukay-ukay niya binili yun at mura lang daw.  Akala pa nga niya ay hindi ko susuutin pero dahil galing sa kaniya 'yun ay kinuha ko, hindi naman ako maarte sa gamit.



Tumayo ako at napagpasyahan nalang na sa labas kumain. Tinatamad akong magluto at nakakawalang gana kumain dahil ako lang ang mag-isa. Dati kasi nung nandito si, Stelie sabay kaming kumakain ng hapunan. Dito rin siya natutulog, hindi naman kami magkatabi dahil sa ayaw niya pa at sa nererespeto ko siya. Ni minsan ay hindi ko siya nahalikan sa labi dahil ang gusto niya ay sa araw mismo nang kasal namin ang first kiss kaya nirespeto ko ito. Sa halos isang taon namin ay siya ang nasusunod, hindi naman ako nagrereklamo dahil iniintindi ko siya at ayaw ko ng away pero minsan ay hindi ko maiwasang magtampo.




Mas nagtampo nga ako sa kaniya noon no'ng niyaya ko siyang magpakasal. Oo niyaya ko siya at walang propose- propose na nangyari pero labis rin akong nadismaya  ng sinabi niya na masyado pang maaga para magpakasal kami at hindi pa kami masyadong matagal. Hindi naman siguro 'yon sa tagal ng pagsasama diba? Handa na rin naman akong ipakilala siya sa mga magulang ko pero umayaw ito at sinabing sa susunod nalang, hindi ko alam kung kinakabahan siya o ano dahil palagi niya iyong iniiwas tuwing binubuksan ko ang topic. Pero kahit ganun ay nirespeto ko siya.



To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now