Chapter 29

53 9 0
                                    

YESHA'S POV

DUMAAN ANG ilang linggo at masasabi kong naging maganda ang takbo nang buhay ko sa puder nang papa ko. Nasa bahay narin ako ni papa.

Ilang araw narin na palaging masama ang pakiramdam ko at palagi akong nasusuka na hindi ko alam. Ayoko rin nang amoy nang sibuyas kaya't nagtataka narin si papa. May hinala ako ngunit kailangan kong makasigurado. Kung buntis man ako ay kakayanin kong palakihin ang anak ko nang walang ama.

Nandito ako sa cr at hinihintay ang resulta nang pregnancy test na pinabili ko sa katulong kaninang umaga nang mag grocery sila. Alam narin ni papa at wala akong nakitang galit sa kaniya bagkus ay niyakap lang niya ako at sinabing ayos lang ang lahat. Kwenento korin ang nangyari sa kaniya at galit na galit siya nang malaman ang ginawa ni Lucas sa'kin.

Kinakabahan akong tiningnan ang pregnancy test at hindi alam ang gagawin. Kagat kagat ko ang daliri habang dahang dahang tinitignan ito.

"Two red lines.." I'm pregnant..

Lumabas ako ng Cr at naabutan ko si papa na naghihintay sa kwarto ko. Umiiyak akong yumakap sa kaniya at humingi nang sorry.


LUCAS POV

ILANG buwan na ang nagdaan at wala parin akong balita kay Yesha. Napapansin ko naman ang panay alis ni, Storm at hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin.

Nalaman korin na si, Stelie ngayon ay nasa puder ng nakabuntis sa kakambal niya. Kailangan daw siya nang pamangkin nito at hindi daw siya makadalaw dito o kahit ako ang pumunta sa kaniya. Gusto ko nang tapusin kung ano man ang namamagitan sa'min ngunit paano?

"Umuwi kana muna dito, kailangan nating mag usap. Importante ito Stelie ano ba?!" naiinis na ako. Ilang beses akong magmakaawa sa kaniya ngunit ayaw parin niya.

"Pwede ba, Lucas! Kahit ngayon lang makinig ka sa 'kin." saad nito sa kabilang linya. Habang pinapakinggan ko ang boses niya ay wala akong naramdamang kilig o ano man. Dati ay kahit mag away kami ay hindi parin noon nababawasan ang kabog nang dibdib ko pero ngayon ay wala na.

"Kahit Isang araw lang naman. Stelie kailangan nating pag usapan ang tayo" nagsusumamo kong sagot sa kaniya.

"Kailangan ako ng pamangkin ko. Sinabi ko naman sa'yo 'diba na uuwi din ako. Ano bang hindi mo maintindihan do'n? Hala kung ayaw mona sa 'kin at gusto mo ng makipaghiwalay eh 'di go. Hindi kita pipigilan. Ano ka gold? Break na tayo!" Napatanga ako at hindi kona namalayan na pinatayan niya ako nang tawag.

Si, Stelie ba talaga ang nakausap ko? Hindi naman siya ganoon makipag usap sa 'kin. Siya pa mismo ang nakipag hiwalay at parang wala lang sa kaniya nang sabihin niya iyon.

Napabuntong hininga nalang ako umiling. Hanggang ngayon ay pinapahanap ko parin si, Yesha. Malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Ni hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya at basta nalang siyang pinagsabihan nang masama. Miss na miss ko na siya.

Dumaan ang Isang linggo at dalawang private investigator na ang kinuha ko para tumulong sa'kin. Kasama ko naman ang tatlo dahil si, Storm ay hindi ako pinapansin at parang mas lumalala ang galit niya sa'kin tuwing nakikita niya ako.

Ilang lugar ang pinuntahan namin ngunit walang, Yesha ang nagpakita samin at katulad nang nakaraang araw ay umuwi kaming bagsak ang balikat.


Kakatapos kolang maligo nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon at nagtaka ako nang makitang may apat na missed calls galing kay Stelie. Akmang tatawagan ko siya nang may pumasok sa text galing sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabaham sa hindi ko malamang dahilan. Pinapapunta niya ako kasama si Lola at Lolo sa bahay nang mga magulang nila sa sabado.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now