Chapter 46

217 4 0
                                        

LUCAS POV

DALAWANG ARAW na ang nakalipas simula nang makalabas si, Yessa sa hospital at eto kami ngayon namamasyal sa park. Pinasyal ko ang mag-ina ko at mamaya ay pupunta kaming mall para mamili ng mga librong gusto ng anak ko.

Natatawa ako habang nakatingin sa mag-ina kong naglalambingan sa harapan ko. Minsan ay sinasali nila ako tapos ay aasarin na ikinatawa naman nila habang ako ay simusimangot.

"Diba, mama dami kang suitor dati, no?" napakunot ang kilay ko at tiningnan si, Yessa na nag-aalangang sumagot.

"A-ahh ehh.." kumamot pa siya ng kilay at binalingan ako ng tingin.

"Anong madami, ah?" tanong ko na ikinanguso naman ng mag- ina ko.

"Si mama po papa daming suitors dati, tanong mopa si papalo." tiningnan ko naman si, Yessa. Hindi na ako magtataka kung pila pila ang mga manliligaw niya. Ang ganda ba naman kasi.

"Talaga? buti nalang pala at walang naging boyfriend ang mama mo." nakangiti kong saad.

"Wala po, ikaw lang love niyan, eh. Kaya din po ako galit sa inyo kasi always siyang nag cry." napabuntong hininga naman ako at hinila siya paupo sa kandungan ko.

"Sorry sa mga nagawa ko, anak.. don't worry, diba babawi si papa? Gagawin ni papa 'yon." ngumiti naman siya sa'kin at niyakap ako.

"Okay lang po, papa. I know naman na love mo kami ni mama, eh."


Naglambingan pa kami ng anak ko habang nakangiti naman si, Yessa na pinapanood kami. Kinukuhanan din niya kami ng litrato kaya todo ngiti naman ang anak ko. May litrato din kaming tatlo at mamaya ay ilalagay ko 'yun aa picture frame at wallet ko. Iwa-wallwaper at ilo-lockscreen ko rin.


"Bibili muna ako ng ice cream." napatingin kami kay, Yessa ng tumayo ito. Akmang tatayo narin kami ng anak ko para sumama ng umayaw ito at siya nalang daw ang bibili. Hindi na namin siya pinilit pa dahil nakasimangot narin naman ito at saka pa, may sasabihin ako sa anak ko.


Nang makalayo kayo si, Yessa ay hinarap ko ang anak namin na nakangiting nakatingin sa'kin. Halatang gustong magpalambing.  Masaya narin ako dahil close na kami at kung anong ugali ang pinapakita niya kay Yessa ay ganun din sa'kin, lalong lalo na ang pagiging malambing nito.

"Anak, I want to tell you something but promise me na secret mo kay mama mo ah?" marahan kong saad sa kaniya.

"Why po need I secret papa? I don't like keeping secret po, eh, lalo na kay mama." napangiti ako.

"This is for your mama naman anak. I want to surprise her and I need your help.. pwede mo bang tulungan si papa?" nagningning naman ang mga mata nito at masayang tumango. Basta talaga para sa mama niya ay handa siyang gawin ang lahat para dito.

Sinabi ko sa kaniya ang plano ko para sa susunod na linggo. Sabi ko ay surprise lang at hindi binanggit ang tungkol sa pag-aalok ng kasal. Pero syempre, kung may surprise ako sa soon to be wife ko ay meron din sa anak ko.

"She love purple po, papa. 'Yung room namin dati ay puro purple po ang color kahit ang unan po. Actually same kami ni mama na love ang purple po." Ngayon kolang nalaman ang tungkol sa bagay na 'yun. Kailangan kopa talaga ng maraming panahon para makilala ang anak ko at si, Yessa.

"No, problem anak, purple ang theme and you said your mama loves Wattpad book diba?" tumango siya sa'kin.

"Opo, same kami ni mama, love din ang books and food narin po." napahagikhik pa ito sa huli na ikinangiti. Namana nga niya ang mukha ko pero ang hilig ay kay, Yessa.


To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now