YESHA POV
NAGISING ako sa sunod sunod na katok sa pintuan ng apartment ko at hindi ko alam kung sino ang putanginang may matinong utak ang kakatok nang dis oras nang gabi.
Naiinis naman akong napabangon at tamad na tinungo ang pinto. Akma ko sanang sisinghalan ang taong kumatok nang magulat akong si, Lucas pa 'yon. Nakatingin siya sa'kin gamit ang mapupungay nitong mata at halata mong lasing ito. Agad ko naman siyang inalalayang makapasok at pinaupo sa maliit kong sala bago pumunta sa kusina para kumuha nang maliit na planggana at bimpo.
"Anong nangyari sayo? gabing gabi na ah," tanong ko at pinunasan ang kaliwang braso niya. Hindi naman ito sumagot at basta nalang pumikit kaya't hinayaan ko nalang at pinagpatuloy ang pagpupunas sa braso at pagkatapos ay sa leeg at muka naman gamit ang ibang bimpo.
Nag aalala ko siyang tiningnan na nakaupo at tulog sa sofa sa sala ko. Gusto ko man siyang tanungin kong anong nangyari sa kaniya ngunit lasing naman siya. Kanina nga nang magpaalam siya ay hindi ko pinayagan dahil gabi na ngunit alam kong umalis parin ito. Tinawagan ko rin ngunit pinatay niya lang ang cellphone niya. Plano ko ngang pagsabihan siya pero lasing naman. Siguro ay bukas ko nalang siya kakausapin kong anong problema niya at baka makatulong ako.
Napagpasyahan kong gisingin nalang siya at sa kwarto ko matulog dahil baka hindi siya komportable lalo na at malaki pa naman siyang tao. Ni hindi ko ngarin alam kung kakasiya rin ba siya sa kama ko eh. Ang haba ba naman ng paa.
"Lucas.." mahina ko siyang niyugyug ngunit hindi manlang siya nagising kaya ay nilakasan ko ito nang konti na ikinaungot naman niya at dahan dahang nagmulat nang mata.
Ngumiti naman ako sa kaniya, "Sa kwarto kana matulog, hindi ka komportable rito at baka mangalay ka sa sofa.."
Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan siyang hindi manlang gumalaw sa kinauupuan niya. Kinalabit ko naman siya ngunit pilit na ngiti naman ang sukli niya sa'kin kaya't nag aalala akong tiningnan siya.
"Ano ba talagang nangyari, Lucas? nag- aalala na ako sayo.." sinapo ko ang muka niya na ikinapikit naman nito.
"Nothing, I'm just tired."
"Tired tapos uminom ka at nagmaneho kapa nang dis oras nang gabi papunta dito?" gusto ko siyang batukan ngunit pinigilan kolang ang sarili ko. Paano nalang kung naaksedente siya?
Hinapit naman niya ako sa bewang at pinaupo sa kandungan niya at pinatong ang baba sa balikat ko. Mahigpit rin ang pagkakapulupot nang mga braso niya sa bewang ko kung kayat kahit anong pilit kong umalis ay hindi ko magawa.
"Look, I'm sorry, baby.. I need your hug right now. Just your hug and you.." lasing na sambit niya at sinubsub ang muka sa leeg ko na ikinapitlag ko naman. Nararamdaman kopa ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko at hindi ko maintindihan kung bakit tila uminiit ang paligid.
"Ano bang nangyari, Lucas?" umiling naman siya at mas humigpit ang yakap sa'kin kaya't niyakap kona lang din siya nang mahigpit.
"I can't tell you right now.. I'm sorry po," natawa naman ako sa pag 'po' niya. I just found it cute. Imagine ang laki niyang tao tapos nag po lang siya sa'kin.
"It's okay, and sorry for?" malambing kong tanong sa kaniya. Nag angat naman siya nang tingin at hinalikan ako sa labi.
"Sorry for disturbing your sleep, at sa pag drive nang dis oras nang gabi lalo na at lasing ako.." ngumuso pa siya.
"Basta wag mo nang ulitin okay? You make me worried." tumango naman siya sa'kin.
Ilang minutong namayani ang katahimikan saming dalawa habang nakakandong parin ako sa kaniya at siya ay mahigpit ang yakap sa'kin na tila ba ay kahit anong oras ay mawawala ako sa pagkakahawak niya.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
