Chapter 41

29 2 0
                                    

LUCAS POV

"Sigurado kabang gusto mong malaman ang kwento ng buhay ko Lucas?" nag-aalangang tanong niya sa'kin.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Gusto kong mas makilala pa ang babaeng mahal ko at pakakasalan. Sigurado na akong siya ang makakasama ko sa pagtanda.

"Oo, gusto kitang makilala pa. Gusto kong magsimula tayo. Alam kong malaki ang kasalanan ko, pero gagawin ko ang lahat maluha lang ulit ang tiwala mo lalong lalo na ng anak natin."

"L-lucas hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay ang hinihiling mo. Hindi ba at may girlfriend ka at siguro ngayon ay kasal na kayo. Kaya bakit ka nandito?" naguguluhang tanong nito sa'kin at halata ang sakit sa boses nito. "Minahal kita, Lucas alam mo 'yan, pero ang sakit nang ginawa mo. Sobra kitang kinamumuhian kung alam mo lang. Dumating pa sa puntong sinabi ko sa sarili kong sana hindi nalang kita nakilala. Pero kahit kailan, Lucas ay hindi ko sinisi ang anak natin. Mahal ko siya at wala siyang kasalanan." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

"Shh.. I know, baby. I know.. and I love you so much. Maniwala ka sa hindi mahal na mahal kita. Let me explain...hayaan mo akong magpaliwanag." marahan kong saad sa kaniya.

"Then go. Explain yourself."

"Mahigit isang taon na kaming magkarelasyon ni, Stelie ng magkakilala tayo. She's my first love, niligawan ko siya hanggang sa sinagot niya ako. Yes, I admit that pinangarap kong siya na sana ang babaeng para sa'kin but I'm wrong. Umalis siya at sabi niya ay nilipat siya ng branch ng pinagtatrabahuhan niya pero ang totoo ay sinamahan niya ang kakambal niyang buntis. Hindi niya sinabi sa'kin dahil alam niyang pipigilan ko siya. Bawal silang magkasama dahil ang sabi ng mga magulang nito ay may nangyayaring masama sa isa sa kanila kapag magkasama sila. Nung nagkita tayo ay nagandahan ako sayo una palang. Pinigilan ko namang mahulog sayo, eh, kaso itong puso ko nahulog kahit alam kong mali. Pinagpatuloy ko ang nararamdaman ko, Yesha kahit alam kong may masasaktan ako. I know selfish ako sa part na 'yun pero do'n ko kasi naramdaman ang sayang kahit kailan ay hindi ko naramdaman, eh. Pinaramdam mong importante ako, nararamdaman kong mahal mo ako. Yesha mahal kita kahit alam kong mali." sinapo ko ang mukha niya at marahan siyang hinalikan sa labi.

"If loving is a sin, then I don't care. Ginawa kona at gagawin ko parin 'yun hanggang sa maging tama ang lahat. Mamahalin kita hanggang sa huli."

"L-lucas.."

"Arman Madrigal, he's the one who killed my dad. Kaya ako galit na galit sa kaniya. Naging sila ni mama and isang gabi ay nakita ko sila ng babaeng nagngangalang Arina. Galit ang naramdaman ko nang malaman kong ginagamit lang nila si mama para sa pera. Nagpa-imbestiga ako at doon ko nalaman na anak ka niya. Nasabihan  kita ng masasakit na salita, yung araw na yun ay nalaman mong niloloko kita. Sa totoo lang ay gusto ko nang tapusin ang relasyon namin ni Stelie ngunit naghahanap lang ako ng tamang oras. Pero huli na pala. Hinanap kita, Yesha. Alam ni Storm lahat ng 'yun hanggang sa nalaman kong alam niya kung nasaan ka. Halos lumuhod ako sa harapan niya ngunit kahit anong gawin ko ay tikom ang bibig niya. Isang araw tinawagan ako at nung araw na 'yun ay halos gusto ko nang sumuko. Shes dead. Namatay siya. Namatay siyang ni hindi ko manlang nakakausap. Sobrang sakit. Gusto kong tapusin ang relasyon namin ng maayos ngunit wala na siya. Humingi ako ng tawad sa puntod niya at sinabi kong sa susunod na nagmamahal ulit ako ay hinding hindi kona gagawin ang ginawa ko. Sinabi ko ring dadalhin ko ang babaeng 'yun sa  puntod niya at nais ko kayong dalhin ni Calsey doon Yesha."


Saglit siyang natahimik at hindi nakaimik. Kita korin sa mga mata niyang nag-aalinlangan pa siya.

"Now, Yesha gusto kong malaman ang nangyari sayo." napabuntong hininga naman siya at nagsimula na siyang mag kwento.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now