Chapter 43

186 5 0
                                        

LUCAS POV



"WOW! tulips." napangiti ako at binigay kay Calsey ang tulips na kaagad naman nitong tinanggap at inamoy. "Thank you po." hinalikan ko siya sa pisngi at binuhat. Hindi naman siya umangal kaya pangiti ngiti ako habang nakatingin kay Yessa na ngayon naman ay inaamoy rin ang red roses na binili ko.

"Hindi kana sana nag-abala pa.." nahihiyang saad nito ngunit halata naman ang saya sa mukha.

"Nililigawan kita, Yessa at syempre pati ang anak natin. Gagawin ko ang sa tingin ko ang magpapasaya sa inyo." nilapitan ko siya at hinapit sa bewang para halikan sa sintido.

"Oh, so you're going to court me narin pala?" tumango ako sa anak ko. "Hmm, okay. Thank you for this tulips. I love it." nakangiti siya sa'kin at halata talagang masaya ito.

"You're welcome. And by the way, may pagkain pala sa kotse ko, puro favorite niyo ng mama mo and I have a big surprise for you my little boy."

Bago ako pumunta dito ay inayos ko muna ang mga libro sa backseat para pagbukas niya ay 'yun ang bubungad sa kaniya.

"A surprise?"

"Yes, let's go. Excited na ako. I hope that you will like it." Hinawakan ko ang kamay ni, Yessa at nakangiting tiningnan siya. Pagkalabas namin ay kaagad kong kinuha ang pagkain sa front seat.

"Now, open the backseat, baby." malambing na saad ko sa anak kong halatang excited na dahil nagmamadali siya.

Pagkabukas niya ng pinto ng backseat ay agad siyang natigilan at tila naestatwa sa kinatatayuan. Halata ang gulat sa mga mukha nito at namimilog pa ang mga mata.

"A big bouquet of books..." saad ni, Yessa at nakangiti akong tiningnan. "He will love it." siguradong aniya.

Kinakabahan akong lumapit sa anak kong hanggang ngayon ay gulat na gulat parin. Sinong hindi magugulat? Mahigit dalawang daang libro ang binili ko at tatlong bouquet ang ginawa ko at sobrang laki narin nito.

"D-do you like it?" kinakabahan kong tanong sa anak kong ngayon ay nakatingin sakin. Maya maya pa ay agad niya akong dinambahan ng mahigpit na yakap.

"Thank you..I r-really love it po.." himihikbi pa siya na kaagad ko namang inalo at ni, Yessa.

"Don't cry my baby. You deserve that naman. You're happy, hmm?" tumango naman siya sa'kin na ikinangti ni Yessa at kinuha sa'kin ang paper bag na may lamang pagkain para mabuhat ko ng maayos si, Calsey.

"Thank you." mahinang saad ni, Yessa at niyakap kaming dalawa ng anak namin.

Agad kaming pumasok sa loob ng tumahan na si, Calsey. Maingat ko ring kinuha ang mga libro at inakyat sa kwarto nila. Sobrang bigat pa naman ng mga ito at nakakapagod pero worth it naman dahil nagustuhan ng anak ko. Kumain narin kami at sarap na sarap naman ang dalawa. Magana at masaya kaming kumaing tatlo.

Pagkatapos naming kumain ay ako narin ang naghugas ng mga pinagkainan namin kahit na nagpresinta si, Yessa na ito ang maghugas at nakipagtalo pa ngunit sinabi kong ako na kaya hindi na siya namilit pa. Umakyat rin muna siya saglit para maligo kaya kaming dalawa ng anak ko ang natira sa kusina.

"So you're an architect at a chef po?" tanong ng anak ko habang nagbabasa ng libro.

"Yes, but now mas focus ako sa restaurant ko. May anim na branch narin ito at binabalak kong magtayo ulit ng dalawa sa ibang lugar." tumabi ako sa kaniya at binuhat siya para ikandong sa'kin.

"Thank you po.." ngumiti siya sa'kin at isinarado ang librong binabasa at inilapag sa mesa.

"Diba sinabi ko namang babawi si papa? Ibibigay ko lahat ng mga magpapasaya sa inyo. Ipaparamdam kong mahal na mahal ko kayo ng mama mo."

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now