Chapter 30

51 5 0
                                    

YESHA'S POV

"GUSTO ko nga ng lansones, Kuya Storm!" nandito kami sa mall at dinala niya ako sa mamahaling restaurant.

Kanina pa kaming dalawa na nagtatalo. Ayoko kasing kumain dito at siya ang mapilit dahil lunch na at baka daw may mangyaring masama sa'kin. OA talaga sila pagdating sa'kin at laging nakabantay.

"Kakain nga muna tayo. Ang tigas din talaga ng ulo mo, buntis ano?!" sinamaan ko naman siya ng tingin at hinampas sa braso na ikinaigik niya.

Simula ng malaman ko lahat lahat ay mas naging malapit kaming dalawa sa isat-isa. Hindi narin ako naiilang sa kaniya at hindi nahihiya katulad ngayon na nagagawa kona siyang singhalan.

"Gusto ko nga nang lansones. Kulit mo din ano? Dalawa na ulo mo tapos 'di ka makagets?" pinagkrus ko ang dalawang braso ko habang siya ay gulat na nakatingin sa'kin.

"God! Paano mo nalaman ang bagay na 'yan? Ikaw ang bata bata mopa may alam kana."

"Buntis na nga ako oh! buntis na ang tinatawag mong bata."

Napabuntong hininga naman siya, "Fine. Bibili tayo mamaya nang maraming lansones basta kakain muna tayo."

Tila nagningning naman ang mata ko sa narinig sa kaniya. Lansones ko wait for me! "Sige ba! Tara na, wag kanang tumayo pa diyan."

---

"Kuya Storm naman.." kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kaniya. Paano ba naman pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa parking lot at uuwi na raw kami. Bukas nalang daw bibili ng lansones.

"Look, I have an emergency meeting and I need to attend okay? Iuuwi muna kita, male-late na ako." halata sa boses nito ang pagmamadali at alam mo agad na importante ito.

"Sama nalang ako.." na miss korin kasi gumala at kapag ihahatid niya ako ay male-late talaga siya sigurado.

"Baka mainip ka doon?" umiling ako sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang isama ako.

Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan pero halata ang pag-iingat doon. Parehas silang tatlo ni papa at tito, halos lahat ng galaw ko ay bantay sarado at kapag oras ng pagkain ay dapat kakain talaga ako.

Napangiti ako at hinaplos ang tatlong buwan kong tiyan. Si papa ay todo bantay sa'kin at siya pa mismo ang nagluluto ng kinakain ko, pati pagtimpla ng gatas ay siya kaya sasabihin kong sobrang swerte ko kay papa dahil kahit na ngayon lang kami nagkita ay ramdam ko ang pagmamahal niya. At kahit na sobrang sakit ng ginawa ni, Lucas ay hindi sumagi sa isipan ko ang ipalaglag siya. Hindi naman niya kasalanan kung nabuo siya sa kataksilan ng ama niya. Pero isa lang sigurado ako, hindi ko ipapakilala ang anak ko sa kaniya dahil ayokong magmukang kawawa ang anak ko. Ikakasal narin naman siya at mayroon akong pamilya na nagmamahal sa'kin.

Siguro ay masaya na sila ngayon ng babaeng mahal niya. Sana lang ay maging masaya talaga sila ng tuluyan at hindi sa kaniya bumalik ang ginawa niya. Mahal na mahal kita, Lucas pero handa akong lumayo sayo kung 'yun ang ikakasaya mo. Siguro ay hindi mo naman talaga ako minahal o nagustuhan talaga. Baka nga ay naboryo kalang sa kakahintay sa girlfriend mo o di kaya ay kailangan mo ng mapaglabasan ng init at ako ang napili mo.

Tama na, Lucas, sana sa susunod na pagkikita natin ay wala na ang sakit na nararamdaman ko. Dahil hindi ko kakayanin kung makita kitang masaya habang ako ay nandito parin at hindi manlang nakaalis sa sakit na iniwan mo.

Nakarating kami nang ligtas at todo alalay sa'kin si, Kuya Storm na ikinatawa ko nalang. Para kasi siyang umaalalay ng bata.

Pagkapasok namin sa loob ay pinagtitinginan kaming dalawa at halata sa mga mukha nito ang pagtataka. Hindi naman ito pinansin ni, Kuya Storm at patuloy lang na naglalakad habang inaalalayan ako. Sumakay kami sa elevator at walang nagsasalita. Naiinip tuloy ako at gusto kong umuwi kaso lang ay may meeting pa si Kuya Storm kaya hihintayin ko nalang at doon nalang ako mags-stay sa office niya at matutulog.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now