Chapter 42

201 5 0
                                        

LUCAS POV

"It's already late and you're still drinking?!"

Sabay kaming napahinto sa pagtawa at napalingon sa isang taong pinanggagalingan ng maliit na boses. Napaawang ang labi ko nang makita ang anak kong nakasuot ng pangtulog at nakapameywang nakatingin saming dalawa ni, Storm. Masama rin ang tingin nito sa'min na akala mo ay may ginawa kaming kasalanan sa kaniya. Bumulong bulong naman si Storm at hindi ko marinig iyon kaya nag focus nalang ako sa anak kong ngayon ay naglalakad palapit sa'min.

"You two are going to sleep na." tila boss na saad nito na kapag sinuway mo ay talagang matatanggal ka sa trabaho. "You. Sa guest room ka matutulog, bawal mag drive kapag lasing." saad niya sa'kin bago humarap kay Storm at pinagsabihan din ito. Para kaming mga bata na pinapagalitan at nakatingin lang sa kaniya.

"Matulog na kayo, it's already late. Ang iingay niyo at gusto ko nang matulog." masungit na saad naman nito.

"Yes, boss!" sumaludo pa kaming dalawa no Storm sa kaniya at natatawang niligpit ang mga baso at in can na light beer.

Pagkatapos naming maglinis doon ay hinatid naman ako ng anak ko sa guest room na katabi lang pala ng kuwarto nila ng mama niya. Tulog na raw si, Yessa at siya naman ay nagising dahil sa ingay namin. Nangingiti pa nga ako habang pinapagalitan niya dahil pakiramdam ko ay nag-aalala siya sa'kin. Kahit na alam kong galit parin siya ay hindi ko parin maiwasang matuwa. Nag-aalala na nga siya at dito pa ako pinatulog.

"Matutulog na ako, goodnight." natawa ako ng mahina dahil mukha talaga siyang matanda kung magsalita kapag kaharap ako, pero kapag ang mama naman niya ay kulang nalang na magpakalong siya.

"Goodnight, anak." hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo niya at hinatid rin siya sa kabilang kuwarto.

Nakangiti akong humiga sa kama at nag-iisip ng mga plano, plano para pasayahin ang mag-ina ko. Ipapasyal ko sila at ibibili lahat ng gusto. Lalong lalo na ang anak ko. Kailangan kong ayusin ang bahay at magpalagay ng malaking book shelf. Pupunuin korin ng mga historical na libro para marami siyang pagpipilian. May sariling library ang bahay ko pero gagawin kong dalawa para sa anak ko. Kay, Yessa naman ay napagdesiyonan kong palakihin ng kaunti ang kusina. Mahilig siyang magluto at mas maganda kung malaki. Kumpleto naman ang mga gamit ko pero bibili pa ako para mas ganahan siyang magluto pero syempre kasama ako. Hindi ko naman hahayaang siya ang magluto dahil kung ako lang ang masusunod, mas gusto kong nakaupo lang siya. Ituturing ko siyang reyna. Dadalhin ko rin sila sa puntod ni Stelie. Pero saka na kapag nagkaayos na talaga kami ng tuluyan.


Pagkagising ko ay agad kong niligpit ang tinulugan ko at bumaba para magluto. Ito ang routine ko araw araw dito sa bahay nila, ang magluto. Ito kasi ang isang paraan ko upang bumawi sa kanila.

Pagkatapos kong magluto ay sakto namang bumaba si, Yessa na bagong gising. Kailangan ko rin palang sanayin ang sarili kong Yessa ang itawag sa kaniya.

"Good morning!" Masiglang bati ko sa kaniya at pinaghila siya ng upuan. Nagtataka naman siyang nakatingin sa suot ko.

"Dito ako natulog kagabi. Pinatulog ako ng anak natin sa guest room dahil lasing daw ako at bawal mag drive." nakangiting ani ko.

"Mabuti naman at mukhang nagkakaayos na kayo." nakangiti siya sa'kin habang nakatingin. "Ikaw na ang gumising sa anak anak natin at ikaw na ang magpaligo."

"No need. I'm done." saad ng anak namin na kakapasok lang at nakabihis na. Napailing nalang si, Yessa at natawa bago nagsandok ng pagkain para sa kanila. Inaya rin nila akong sumabay na pinaunlakan ko naman.

"Aalis pala ako. Babalik naman ako bago mag lunch." pagpapaalam ko sa kanila habang kumakain kami.

"Wala kabang trabaho? Palagi ka nalang nandito at baka mamulubi ka na niyan." natawa ako at pinisil ang pisngi ni, Yessa ngunit agad ko ring binitawan iyon ng makitang masama ang tingin sa'kin ng anak ko.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now