Chapter 18

198 12 0
                                        

YESHA'S FLASHBACK

SA burol ni mommy ay gusto kong magwala ng makita ang pekeng iyak ng tatlo. Kapag walang sa funeral ay tatawa tawa silang tinitingnan ang kabaong ni mama at sinasabing deserve daw niya ito. Kaninang umaga ay may lalaking nagwala sa harap ng funeral ngunit pinabugbug 'to ni daddy. May kung ano rin akong naramdaman ng makita ang itsura nitong dumadaing at nasasaktan, parang nasasaktan din ako. Nung magtama ang paningin namin ay nakita kong tumulo ang luha at pilit na nanlaban at nilalapitan ako ngunit nilalayo ako ni daddy. Tinatawag rin ng lalaki ang pangalan ni mama habang umiiyak at pagkatapos ay tumitingin na puno ng pangungulila, lungkot, at pagmamahal..hindi ko maintindihan ngunit gusto ko siyang yakapin.

Halos araw araw na pabalik balik ang lalaki at nanggugulo kung kaya ay maraming bantay lalo na sa'kin na ikinataka ko.

Hanggang sa araw ng libing ni mama ay nanggugulo ang lalaki sa labas ng simbahan hanggang sa sementeryo, hindi siya sumusuko at pilit na lumalapit kay mama at sa'kin. Tinatawag rin niya akong anak na hindi ko maintindihan ngunit parang maiiyak ako sa tinawag niya. Narinig ko naman ang mura ni daddy at mas lalo akong inilayo sa lalaking kinakaladkad at umiiyak. Ang mga tao naman na nakilibing ay nagbubulungan. Simple namang napangisi si tita na nakita ko at may kung ano siyang sinabi.

Pagkarating sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at hinanap ang kahon na sinasabi ni mama pati ang bag. Binalikan ko naman ang pinto at siniguradong nakalock ito bago pinagpatuloy ang paghahanap sa aparador. Nang makita ko ito ay una kong binuksan ang bag. Nakita ko ang apat na itim na card. Akmang bubuksan ko rin ang kahon ng maalala ko ang sinabi ni mama. Buksan ko raw kapag handa na ako at nasa tamang panahon.

Napaiyak ako ng maalala ang masayang ala ala namin ni mama. dalawang taon narin at katorse anyos na ako. Dalawang taon na wala si mama at dalawang taon na empyerno ang buhay ko. Palagi akong pinagbubuhatan ng kamay ni tita o kaya ni daddy. Si Andrea naman na pinsan ko ay palagi akong pinapahiya sa school kaya tampulan ako ng tukso sa buong campus.

"Putanginamo! napaka gaga!" napayuko ako at nanginig sa takot dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

Napaigik ako ng tumama ang dulo ng sinturon sa likod ko. Pigil ang luha ko at tila namanhid ang katawan dahil sa araw araw na pinaparanas nila sa'kin ang ganito.

Mabuti nalang at may mga kaibigan ako, si Reycarl at Gracie na palaging ginagamot ang sugat ko. Naaawa sila at nagagalit. Naaawa sa'kin at nagagalit sa tita at daddy ko. Minsan sinasabi nilang lumayas ako ngunit umaayaw ako. Pwede naman daw sa kanila ako dahil ayos lang naman sa mga magulang nila na nandun ako at handang tulungan ako. Alam ng mga magulang nila ang nangyayari sa'kin at alam kong alam din nila na kayang kaya nila si tita ngunit umayaw ako. Ayaw kong mandamay ng iba. Maghihintay nalang ako ng tamang panahon para lumaban. Lalo na at nalaman ko ang lahat ng kababuyan nila. Mga demonyo!

-----

Nagising ako at agad na sinapo ang ulo ko. Agad kong tinungo ang pinto at agad na napamura ng hindi ko mabuksan iyon. Inalala ko ang nangyari kanina o kahapon dahil hindi ko alam kung anong oras naba. Kaka dese-otso ko palang nung isang linggo at wala paring pinagbago. Pinagbubuhatan nila ako ng kamay.  At pinapunta nga ako ni daddy sa opisina niya at pinapirma ang papeles na kahit kailan ay hinding hindi ko gagawin. Nalaman ko ring hindi niya ako totoong anak.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now