Chapter 1

152 49 13
                                    

Stelie Rose Uy

Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Princess at hirap na hirap ako pero mas naghihirap ang kapatid ko. Masyadong maselan ang ipinagbubuntis niya. Yung tipong nakahiga lang siya. Isang beses kasi at sinugod ko siya sa ospital, tatlong buwan ang tiyan niya ng bigla itong dinugo. Mabuti na lamang at naagapan kaagad, sabi ng doktor ay bawal daw siyang magkilos at mapagod, lalo na ang maglakad ng malayo dahil mababa daw ang bata at baka tuluyan na daw itong makuha.


Halos iyak ako nang iyak non kahit si Princess din at sinasabayan ako, kaya pinipigilan ko ang sarili kong humagulhul sa harap niya at inalo nalang siya. Sinisisi niya ang sarili niya dahil matigas daw ang ulo nito, kaya nangako siyang susundin na daw niya ako para sa ikabubuti niya.

Nandito ako sa kusina at kausap si Lucas. Nagkwekwento kasi siya na baka busy siya sa susunod dahil may project daw siya, he is a architect at pagkatapos ay nag aral ng culinary. May tatlong branch ang restaurant niya sa sa pilipinas at balak daw niyang bumili ng lupa dahil magtatayo na naman daw siya ng new branch. Pero baka daw matagalan dahil busy siya sa new project niya.

"Ano kaba mahal, ayos lang." Narinig ko naman ang buntong hininga niya kaya natawa ako. "O siya sige na at may gagawin pa ako. Mag ingat ka mahal. I love you!" Ngumiti naman siya.

"Okay mahal, ingat ka rin okay? Wag mo akong ipagpapalit. Mahal na mahal kita." Agad kong pinatay ang tawag at nagluto ng hapunan namin.

Pagkatapos kong nagluto ay agad ko itong nilagay sa lagayan, dadalhin ko kasi ito kay, Princess Stelie, bawal kasi siyang maglakad o gumalaw sa sobrang selan ng pagbubuntis nito. Minsan nga ay halos sigawan ko siya sa kakulitan niya, buti nalang ngayon ay nakikinig na siya. Ilang beses na kasi siyang muntik malaglagan. Kaya simula no'n inaalagaan na niya ang sarili niya.


"Kumain kana para mainom mo ang vitamins mo." Nilagay ko sa maliit na lamesa ang pagkain niya na nasa tabi lang din ng kama. Pagtapos ay kumuha ako ng upuan at sinubuan siya.


"Stelie, pasensiya kana ah? Ikaw lang kasi ang mahihingian ko ng tulong, pasensiya narin kung naaabala kita ng sobra, imbes na pahinga mo inaalagaan mo pa ako, imbes na bonding niyo ng boyfriend at nila Lola at Lolo ay hindi mo magawa lalo na at inaalagaan mo ako, hindi narin kayo nagkikita ng boyfriend mo sa kadahilahang nandito ka at nagbabantay sakin tapos nagtatrabaho ka.." huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.


"Ilang beses kobang sinabi sayo na ayos lang, naiintindihan naman ni Lucas yun." Pangsisinunangaling ko. Ang alam kasi ni, Princess ay sinabi ko kay, Lucas ngunit hindi, alam kong magagalit si Lucas lalo na at alam niya ang mangyayari sa amin o Isa samin ng kakambal ko, nai kwento kasi ni Lola yun sa kaniya nung minsang dumalaw siya.


"Hayaan mo, kapag nanganak na ako at maging maayos ang kinalalagyan ko. Magtatrabaho na ako para maka balik ka sa kanila." Ngumiti nalang ako at sinubuan ulit siya ng pagkain.

"Stelie, ihatid mo ito sa table 5." Agad naman akong tumungo duon at
hinatid ang order nila. Pagkatapos ay agad naman akong bumalik.

Yun lang ang ginawa ko buong maghapon. Ala sais ng umaga ang pasok ko at alas otso naman ang out ko, malaki laki naman ang pasahod nila kaya ayos lang din at may pangtustus ako para sa araw araw namin, may naipon narin akong sapat para sa panganganak niya.


"Hay salamat at natapos din!" Nag unat ako ng katawan at agad na lumabas sa pinagta- trabahuhan ko upang makabili ng lutong ulam, pagod na ako kaya hindi ako makakaluto ng ulam namin kaya bibili nalang. Mabuti nalang at suki ako ni ate kaya may libreng sabaw tsaka mas mapapatipid pa ako.


To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now