LUCAS POV
"U-uhmm.." napatingin ako sa anak kong nakatingin din sa'kin at tila may gustong sabihin. Natawa pa ako ng makita na seryoso siya. Sanay na akong hindi siya ngumingiti sakin pero ayos lang naman 'yun.
"Yes, baby? do you need anything?" malambing kong tanong at binuhat siya.
"I want milk.." mahinang saad nito sa'kin na agad ko naman siyang tinimplahan. Natutuwa ako dahil sa murang edad niya ay deretso siyang magsalita at matured mag-isip. Sa ngayon ay ayos ang pakikitungo niya sa'kin pati kay, Yesha. Gusto ko ngang kausapin si, Yesha kapag hindi siya busy. Gusto kong itanong ang mga nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang taon. Pati ang mga paboritong pagkain ng anak ko ay itatanong ko rin pati ang mga favorite movie or cartoons niya. Gusto kong makilala ang anak ko at masabayan siya sa lahat ng bagay.
"Thank you.." tipid siyang ngumiti sa sa'kin. Hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo niya. Sa ngayon ay gustong gusto ko g marinig na tawagin niya akong papa pero maghihintay muna ako. Kahit habang buhay pa akong maghintay ay gagawin ko basta makabawi lang ako.
"You're always welcome, my son. What do you want for dinner?" napangiti at naaaliw ko siyang tiningnan nang makitang nag-iisip ito. Bahagya pa nga siyang ngumuso.
"I want.. kare-kare!" nanginginig ang mga mata nito at malawak na ngumiti sa'kin. Para naman akong nasa alapaap ng makita ang ngiti niya. Lumabas din ang dalawang biloy nito sa magkabilaang pinsgi.
"Kare-kare then! Papa will cook that for you!" masayang ani ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
"I want to help you.." napatingin naman ako sa kaniya. "I am always helping mama when she cook my food.." ngumiti ako sa kaniya at tumango. Isa na 'to sa mga umpisa para mapalapit kaming dalawa. Bonding narin namin itong dalawa.
Habang nagluluto kami ng anak ko ay hindi ko maiwasang palaging ngumiti. Paano ba naman, halatang magaling agadsa kusina. Limitado lang din ang galaw niya at todo ingat ako sa kaniya. Tawa rin kami ng tawa at minsan ay nagkwekwentuhan pa.
Nakatingin ako sa kaniya habang tinitikman nito ang niluto naming kare-kare. Balik seryoso naman ang mukha nito at hindi ko alam kung nagugustuhan ba niya ang niluto ko o hindi.
"Masarap po.." napangiti ako at nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.
"Okay, tawagin na natin sila mama at papalo kapag natapos na tayo dito, okay?" nakangiti kong saad sa kaniya na ikinatango naman nito.
Habang naghahain kami sa lamesa ay patingin tingin siya sa'kin at para bang may gusto itong itanong sa'kin. Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga plato bago siya hinarap.
"Is there any problem, anak?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang ito at nag-iwas ng tingin sa'kin. "If you want to ask me a question, don't hesitate to ask me, okay?" tiningnan naman niya ako.
"How's your relationship with your girlfriend?" nagtataka ko siyang tiningnan at hindi maiproseso sa isip ko ang tanong niya. "Diba, when you and my mama have a relationship may ibang girlfriend ka? you cheated, remember?" walang emosyong saad nito. "I give you a chance but it's not for me, it's for mama because I know that she still loves you. While me, I don't need you anymore. Don't expect that we will be close to each other because for me, I don't need a father." natulala ako at tila napulutan ng dila sa sinabi ng anak ko. Para rin akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sobrang sakit rin ng nararamdaman ko ngayon.
"I-i'm sorr--"
"I don't need your sorry. Sa palagay niyo ba ay ganun lang kadali 'yun? Hindi. You hurt my mama and now, I will do the same. I will hurt you. My mama, she said revenge is bad but right now, I will do that. I don't if I will be the most bad son in the world. All I want is..I want to see you suffer.."
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...