YESHA'S POV
NAGISING akong mabigat ang katawan ko at parang nasa Isang mamahaling kwarto ako. Sumisigaw sa yaman. Dahan dahan akong bumangon hanggang sa bumalik sa isip ko ang nangyari sa'kin. Mula sa nalaman kong nagloko si Lucas, hanggang sa pagkamalan niya akong ginagamit lang siya, sa pagkuha sa'kin nila daddy at pagbugbug sa lumang bahay, sa paghabol nito sa'kin hanggang sa mabangga ako sa puno at sumabog ang kotseng sinasakyan ko. Hanggang sa...
"Papa.." bumukas ang pinto at agad akong napalingon doon. Isang katulong na agad namang lumabas nang makitang gising ako.
Agad namang pumasok ang taong nais kong makita ang akala ko ay panaginip kolang na makita siya nang gabing iyon. Kasunod niya si Kuya Storm at isang lalaking kamuka niya.
"Y-yessa anak.." naluluha niya akong nilapitan at niyakap.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang init nang yakap niya sa'kin. Kay tagal kong hinintay ang oras na to. Ang maramdaman ang yakap ng isang ama. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinayaan ang luha kong umagos.
"Papa... p-papa ko.." humigpit ang yakap nito sa'kin at tila ninanamnam ang sinabi ko. Narinig ko rin ang mahinang singhot nito at alam kong umiiyak narin siya.
"Kilala mo ako.." tumango ako at sinapo ang muka niya.
"A-ang tagal kong naghintay papa..ang tagal kong gustong makita ka.." niyakap ko ulit siya nang mahigpit. "Ayoko sa kanila papa.. dito nalang ako sa inyo pa.. ayoko sa kanila pa..." inalo naman niya ako at hinalikan sa ulo.
"Hindi ka ibabalik ni papa sa kanila. Hindi ako papayag na magkahiwalay ulit tayo, naiintindihan mo anak?" tumango ako sa kaniya.
Agad ko namang naalala ang bagpack ko at mukang napansin naman niya iyon. Tumayo siya at kinuha ito sa ilalim nang kama at binigay sa'kin na agad ko namang binuksan.
"Oh God..." naiiyak niyang tiningnan ang kahon na hawak ko at niyakap ito nang ibigay ko sa kaniya. "Sa mama mo ito." tumango ako.
"N-nung bago siya nawala ay s-sinabi niya sa'kin kung saan iyan nakatago." tumigil naman siya at tiningnan ako.
"Totoo bang cardiac arrest ang ikinamatay nang mama mo?" naguguluhan ko siyang tiningnan at umiling. Bumalik sa ala ala ko ang nangyari at agad na napakuyom nang kamao.
"H-hindi papa..hindi po." paulit ulit akong umiling sa kaniya. "Hindi po cardiac arrest ang ikinamatay ni mama pa.." napahagulhul ako at niyakap siya.
"A-anong nangyari anak.. anong nangyari sa inyo nang mama mo?" basag na ang boses nito habang yakap yakap ako.
Nakaupo ako habang mataman na nakikinig ang tatlo. Si Tito Simon, Kuya Storm at papa.
"Bata palang po ako ay nakikita ko nang madalas mag away si mama at si A-arman," tumikhim ako, "hanggang sa isang araw ay nagawa niyang saktan nang pisikal si mama sa harap ko, nandoon si Tita Arina at Andrea na tawa ng tawa sa sa ginagawa ni, Arman kay mama habang ako naman ay pinaluhod nila at hinahataw nang sinturon sa likod." Nakita ko ang galit sa mga mata nila lalo na kay papa.
"Gusto po nilang pirmahan ni mama ang mga dukomento ngunit ayaw ni mama at kapag po ganoon at sinasaktan nila kami. Hanggang sa dumating po na dose anyos ako. Pa.. kinulong nila kami sa abandonadong kwarto.. madilim at madumi.. yun yung panahon na ayaw kong matandaan pa, gusto kong kalimutan 'yun dahil bumabalik ang tagpong iyon sa isip ko.
Tinago ako ni mama sa isang kahon sapat na para makita ko ang nangyayari sa. Pumasok po si tita Arina at kung ano ano ang sinabi kay mama. Hanggang sa nakita pk ako ni, Arman sa kahon. Papa.." umiiyak akong tumingin sa kanila at napahagulhul.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...