A/N: Maybe next is epilogue na? HAHAHA
YESSA'S POV
NAPAPANSIN kong busy si, Lucas at panay din ang alis nito. Minsan ay hapon na siyang makakapunta dito ngunit naiintindihan ko naman dahil may trabaho siya. Hindi rin naman siya nagkulang sa'min at kahit na hapon na siyang umuwi ay sa amin narin ang oras niya. Para ngang hindi siya pagod tuwing naglalambing sa'min ng anak niya.
"Baby, you okay?" niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi. "Para kasing malalim ang iniisip mo, baka pwede mong I share sa'kin?" nagtaas baba pa ang kilay nito kaya natawa ako sa kaniya.
"Baliw! hindi, ah, iniisip kolang na baka kasi sobrang pagod kana galing trabaho tapos hindi ka nagpapahinga manlang kahit isang oras. Deretso ka lambing sa'min, eh. Hindi naman sa ayaw ko, ang iniisip kolang ay baka sobrang pagod ka sa trabaho at magkasakit ka.." nag-aalala kong saad sa kaniya.
"Hindi ako napapagod pagdating sa inyo ng anak natin, sa totoo nga ay nakakawala kayo ng pagod. Sasalubungin ba naman ako ng magandang ngiti at may halong pagkasabik ng mag-ina ko pagkarating sa trabaho, sinong hindi mawawala ang pagod nun? And Yessa, baby, kung pagod ako, sa inyo parin ako magpapahinga ng anak natin." kinilig ako sa sinabi nito ngunit hindi ko ipinahalata sa kaniya.
"Matulog na nga tayo at baka magising ang anak natin na wala tayo sa tabi niya." saad ko. Nandito kasi kami sa terrace at tumambay muna saglit para magpaantok.
"Mabuti pa nga. Let's go. I want to hug my future wife and my son." namula ako sa sinabi nito na ikinatawa niya lang at hinalikan ako sa labi. "I love you, Yessa Gregorio Mendez, future Misis. Yessa Mendez Lavalle.." napahagikhik ako ng halikan niya ako sa leeg at inamoy amoy pa niya iyon.
"I love you, more Lucas Lavalle.. My only one." kita ko ang pagkislap ng mga mata nito at bahagyang pamumula ng pisngi at tenga.
"Lagot ka talaga sa'kin kapag nasolo kita. Hindi ka makakalad." hinampas ko naman ito na ikinatawa niya lang.
"Heh! magtigil ka diyan ah!" namumulang singhal ko sa kaniya.
"Parang hindi naman niya gusto, eh! Pa kiss nalang ako baby." hinapit niya ako sa bewang at marahang hinalikan na agad ko namang tinugon. Hindi ko alam kung ilang minuto ba kaming naghahalikan. Hinihingal rin ako ng pakawalan niya ang labi ko habang siya naman ay malawak ang pagkakangiti.
"Ayy! ibaba mo ako!" mariing sigaw ko ng bigla niya akong buhatin kaya napakapit ako sa leeg niya. Tawa naman siya ng tawa at hindi ako binitawan hanggang sa kwarto namin. Inilapag pa niya ako sa kama at saka humiga narin sa tabi ng anak namin. Napapagitnaan kasi namin si, Calsey.
"Usog kapa dito, baby.." mahinang sabi niya habang nakanguso pa kaya sinunod ko ang gusto nito at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit kasama ang anak namin na agad namang yumakap sa bewang ko.
"Goodnight baby.. I love you two.."
"goodnight, baby mahal ko rin kayong dalawa.." napangiti ito ng malawak at dumukwang para halikan ako sa labi..
Ilang araw pa ang lumipas at bigla nalang nagsabi si Papa na magbabakasyon daw kami kaya heto kami ngayon at nag-iimpake. Hindi ko alam kung saan ba iyon. Nagtataka rin ako kung bakit hapon kami aalis at siguradong gabi kami makakarating sa pupuntahan namin.
Sa isang private resort kami pupunta at sobrang ganda dito. Malinis ang paligid at halatang inaalagaan talaga ng maayos.
"Bakit naman kasi hapon niyo pa naisipan, pa? nauna na pala sila Lucas dito? hindi manlang nagsabi." saad ko at lumabas ng sasakyan para ibaba ang mga gamit namin ngunit natigilan ako ng biglang may lumapit sa'kin at tinulungan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/352650624-288-k347254.jpg)
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomansaLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...