Chapter 27

46 8 0
                                    

YESHA'S POV


AKO lang mag isa dito sa madilim na bodega. Hindi ko rin alam kung anong oras naba at hula ko ay hating gabi na dahil sa mga huni nang mga hayop.

Dahan dahan akong tumayo at napadaing pa nang mahirapan akong maglakad dahil sa sugat ko sa tuhod. Agad kong binuksan ang pinto at pinagpasalamat ko namang bukas ito.

Patingin tingin ako habang mahinang naglalakad. Mukang nasa abandonadong bahay ako. May nakita akong tatlong lalaki sa labas at mukang lasing ang tatlo dahil sa mga bote nang beer sa lamesa. Agad akong pumunta sa pinto at dahil magkalapit lang ang lamesa nila ay nahagip nang mata ko ang isang susi. Kinuha ko naman iyon at pumunta sa Isang lumang kotse na nakapark sa labas. Hindi korin ininda ang sakit ng tuhod ko.

Habang nasa biyahe ay laking pasalamat ko dahil alam ko ang lugar na ito. Agad kong tinungo ang apartment ko at kinuha ang mga importanteng gamit doon lalo na ang pera sa bag at ang kahon na isinama ko sa maliit kong bagpack na sinabit ko balikat ko para siguradong hindi ko ito maiwan. Ang maleta ko naman ay agad kong binitbit. Sinulyapan ko naman ang apartment ko at agad na lumabas.

"Yesha!" Napalingon ako at nakita ko si, daddy na may hawak na baril at nakatutok sakin. Dali dali akong sumakay sa kotse at naiwan ang maleta ko.

Napatili ako nang biglang natamaan ang likod nang kotse dahil sa baril. Bumilis narin ang kabog nang dibdib ko pati ang pagpapatakbo ko nang sasakyan. Nag overtake narin ako at wala akong pakialam kung magkaroon man ako nang violation dahil buhay kona ang nakasalalay dito.

Napatingin ako sa side mirror ko at nakita kong nakasunod parin siya sa'kin kaya at binilisan ko ang takbo nang kotse habang palingon lingon ako sa likod. Wala naring gaanong sasakyan sa daan.

Mas binilisan ko ang takbo nang kotse nang aabutan ako nito. Nasa may puro puno kaming daan at walang kabahayan kaya ay hindi ako makahingi nang tulong.

Naalarma ako nang biglang hindi ko makontrol ang kotse ko dahil hindi gumagana ang manibela nito. Nanlaki ang mata ko nang biglang may bumangga sa likod nito at nakita ko si daddy na nakangisi.

"Ahhh!!" sigaw ko nang paglingon ko ay bumangga sa malaking puno ang kotseng sinasakyan ko.

Nanghihina kong binuksan ang pinto nang kotse at dali daling lumabas para magtago sa kakahuyan. Mukang hindi naman ako napansin ni, daddy dahil hindi pa ito bumababa nang sasakyan niya.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarinig ako nang pagsabog. Nilingon ko ito at nakita ko mula rito ang papalayong sasakyang no daddy. At ang kotseng sumabog ay ang kotse ko. Siguradong masaya sila dahil akala nila ay patay na ako.

Naghintay ako nang ilang minuto hanggang sa hindi kona matanaw ang kotse nito. Agad akong bumalik sa kalsada para mag abang nang tulong.

Nanghihina at halos ilang oras narin akong naghihintay hanggang sa may makita akong tatlong sasakyan. Agad akong tumayo at humarang sa daan. Natumba pa ako ngunit agad ding tumayo.

"Tulungan niyo ako please.."

"Yesha?"

"Kuya Storm?"

Kita ko ang gulat sa muka nito at ilang minuto pang hindi nakagalaw. Lumabas narin ang ilang sakay nang kotse na hula ko ay mga bodyguards niya.

"Anak sino 'yan?" napalingon ako sa dalawang lalaking sabay na lumabas sa kotse ni Kuya Storm ngunit mas natuon ang mata ko sa lalaking lumabas sa back seat..

Hinding hindi ko makakalimutan ang muka niya. Para akong nabuhayan nang loob nang makita siya, para ring may mainit at kung anong maganda akong naramdaman sa dibdib ko habang nakatingin ako sa kaniya.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now