Chapter 16

45 10 0
                                    

YESHA POV

HANGGANG ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na magkasintahan kami ni, Lucas. Naging sweet siya sa'kin bigla at naninibago ako doon pero natutuwa din.

Dalawang linggo naring naging kami at masasabi kong masaya ako. Sobrang maalaga at maaalahanin niya. palagi rin niya akong sinusundo sa pinagtatrabahuhan ko ngunit hinihintay lang niya ako sa labas at hindi pumapasok. Si, Kuya Storm naman palagi kong nakikita nakatingin sa'kin at kapag nagtatama ang paningin namin ay umiiling siya. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako sa sinabi niya.

"Hi, baby!" Pigil ang tili ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"Lucas, bakit napatawag ka?"

"Na miss kita, eh, bakit ba?" tuluyan na akong napangiti, "pwede bang buksan mo ang pinto?" nagtataka naman akong sumunod at hindi na sumagot.

"Good morning, baby, surprise!"

Nagulat naman ako sa kaniya pagbukas ko ng pinto. He's holding a bouquet of crochet tulips. Binigay niya naman sa'kin 'yon na agad ko namang tinanggap. Napangiti pa ako ng may makita akong letter na agad ko namang binasa.

"Hope you like it, baby, ako mismo ang gumawa niyan. always smile beautiful!"

From:
Your poging Architect

"Nagustuhan mo ba?" Masaya akong tumango at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you, Lucas!" hinalikan niya naman ako sa sintido at hinaplos ang buhok ko.

"Anything for you, baby. Let's go?"

Kinuha ko naman ang shoulder bag ko at tinanggap ang kamay niyang nakalahad at
magkahawak kamay kaming lumabas ng apartment ko.

Agad naman akong napangiti ng pagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong makasakay bago siya pumasok sa driver seat. Inaya niya kasi akong mamasyal dahil day off niya raw kaya pinagbigyan kona.

Nagulat pa ako ng pagpasok niya ay agad niyang hinapit ang batok ko at hinalikan na agad ko namang tinugon. Tumagal pa ng ilang minuto ang halikan namin bago niya ako bitawan. Iisa pa sana kaso pinatigil kona at baka may makakita.

Nakasimangot naman itong nagmaneho at bubulong bulong pa na ang damot ko daw sa halik kaya natatawa nalang ako. Mamaya pag uuwi natin, hahalikan tala kita. Ako mismo ang magfi-first move. Napahagikhik naman ako sa naisip ko nagpigil ng ngiti.

Napatingin ako sa kaniya ng bigla niyang ilahad ang cellphone niya at sinabing hawakan ko daw muna kaya nilagay ko ito sa shoulder bag ko. nagtaka pa ako dahil bago ang cellphone niya. Alam kong mahal ang brand ng cellphone na 'to pero bakit may bago siya?

"bago yata yung cellphone mo?" napatingin naman siya sa'kin at bahagya pang napalunok.

"N-nasira kasi nung nakaraang araw 'yung cellphone ko. N-nahigaan ko tapos hindi na gumana kaya bumili nalang ako ng bago." napatango naman ako at hindi na nagtanong pa.

Habang nagmamaneho siya ay tahimik lang kami. Okay narin 'to dahil wala naman akong ike-kwento sa kaniya. Nararamdaman ko rin ang panaka nakang pagtingin niya sa'kin ngunit hindi kona 'yon pinansin at nanatiling nakatingin sa labas at iniisip kung sasabihin kona ba sa kaniya ang totoo.

Mahina akong napabuntong hininga at umiling. Hindi pa pwede, baka bigla niya akong layuan kapag nalaman niya. Ayokong mawala siya. Hindi pa man niya nasasabi ang tatlong katagang iyon ay nararamdaman ko naman. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang totoo at ayokong sabihin sa kaniya.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now