Chapter 6

147 21 5
                                    

YESHA POV

TUMAGAL pa ng isang linggo at hindi pa rin ako nakakahanap ng apartment. Kaya ko namang bumili ng condo pero kailangan kong magtipid dahil hindi ko alam kung saan aabutin ang pera ko. Kahit si, Lucas ay tinulungan niya akong maghanap at nagtanong tanong din siya. Sabi pa niya ay naghahanap daw ang Isang kaibigan niya ng apartment para sa'kin na ikinatuwa ko.

Pakanta kanta akong nagluluto dito sa kusina niya ng almusal. Alas syete palang naman at papasok siya sa trabaho. Sa loob ng Isang linggo ito ang routine ko, Ang ipagluto siya ng almusal at kung minsan ay hapunan para manlang makabawi sa kaniya. Gusto ko ngang magbigay ng pera para sa upa kaso ayaw naman niya. Nagtataka din ako kung bakit apartment ang kinuha niya at hindi condo. Maganda naman ang apartment niya pero nagtataka talaga ako dahil may kaya naman siya at kahit siguro ilang condo ay mabibili niya. Siguro dahil simple lang siya?

Nakangiti naman akong naghain sa lamesa habang iniisip siya. Sa loob ng isang linggo ko rito ay masasabi kong sobrang bait niya. Maaalahanin din siya at kung minsan ay ang lakas mang asar. Isang beses nga ay inasar niya akong pandak at hindi ko naman nasadyang batukan siya, ang akala ko nga ay magagalit siya pero hindi naman bagkus ay tinawanan lang niya ako.

Aaminin ko na sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. Sa mga pinapakita at pinaparamdam niya sa 'kin ay hindi ko maiwasang mag assume minsan. Pero sa tuwing naaalala ko ang hindi pagdadalawang isip niyang tulungan ako ay parang may sumampal sa 'kin. Na kaya lang niya ako tinatrato ng ganito ay dahil sa awa. Oo sa loob ng Isang linggo ay may gusto na ako sa kaniya at natatakot akong mas mahulog pa. Parang may pumipigil sa'kin na hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag. Pero paano ko pipigilan ang nararamdaman ko kung hindi naman siya mahirap magustuhan.

Si, Lucas ang masasabi mong Ideal man ng lahat. Mabait, maalaga, marespeto, maaalahanin. Bunos nalang siguro ang may trabaho, may negosyo, gwapo at macho.

"Good morning."

Napatigil ako sa malalim na pag iisip ng marinig ang paos nitong boses na kay sarap sa tenga. Halatang bagong gising ito dahil medyo magulo pa ang buhok niya.

He looks hot..

Napalunok ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Mula sa magulo niyang buhok ay napunta ang tingin ko sa mapupungay niyang mata, sa ilong niyang kay sarap sigurong pisilin dahil sa katangusan, ang labi niyang mapula at bahagya pang nakaawang. Mas napalunok pa ako ng bumaba ang tingin ko sa adams apple nitong swabeng nagtaas baba.

"Done checking me?" He smirked.

Agad naman akong namula at ngumuso bago siya inirapan. Pa simple ko namang pinagalitan ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Bakit ba kasi ang macho nito? siya nalang kaya almusalin ko? siguradogg tiba-tiba ako nito. Ang sarap ng masel eh. Sherepmenemenlucas.

Kung pwede kalang gapangin sa gabi ginawa kona. Kaso lang syempre dalagang Pilipina tayo, hindi tayo manggagapang. Pero kung gagapangin niya ako ay aba come here baby, Lucas! Papagapang ako!

Tumikhim naman ako. "Heh! Done checking done checking ka diyan? Tinitignan lang kita bawal ba?" Sarap mong batukan self! halata ka talaga eh. Tunog defensive ka talaga..

He chuckled and look at with amusement in his eyes. "Yeah, yeah. Look tulo laway ka." tinuro niya ang gilid ng labi ko na agad ko namang kinapa ngunit wala naman akong nakapang laway.

Tiningnan ko siya ng masama ng makitang nagpipigil siya ng tawa. Bwesit pinagtripan na naman ako!

Akmang babatukan ko siya ng bigla siyang tumakbo na hinabol ko naman.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now