Chapter 20

241 12 1
                                        

YESHA'S POV

PINUNASAN ko ang tumulong luha galing sa mga mata ko. Patuloy paring bumabalik sa'kin ang nakaraan at hindi ko alam kung paano ko ito makakalimutan. Para itong bangungot na kahit gising ako ay basta basta nalang lumilitaw sa isipan ko.

"I miss you, mama." naluluha kong niyakap ang litrato niya at hinalikan iyon.

Naalala kopa yung mga masasayang araw naming dalawa. Kapag hindi ako nakakatulog ay sa kwarto ko siya naglalagi hanggang sa umaga. Palagi niya rin akong kinakantahan at niyayakap. Tuwing pinapagalitan ako ni daddy ay palagi niya akong pinagtatanggol. Yung mga kulitan namin ay namimiss ko narin lalo na yung mga tawa niya. 

Napahikbi ako habang patuloy na sinasambit ang pangalan niya. Kung nandito lang sana siya ay hindi ako mahihirapan nang ganito. Kung nandito sana siya ay nasagot na ang mga katanungan ko. Kung sino ba ang totoo kong ama at kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Bigla namang sumagi sa isipan ko ang kahon na sinasabi ni mama. Agad akong tumayo at hinanap 'yon sa maleta ko. Nang makuha ko ito ay umupo ako sa gilid ng kama habang pinakatitigan ito ng mabuti. Bubuksan koba? Ano ba talaga ang laman nito? Masasagot ba nito ang mga katanungan ko?

Dahan dahan kong binuksan ito at ang unang bumungad sa'kin ay isang album na naglalaman ng mga larawan. Dahan dahan ko itong binuklat habang nanginginig ang kamay.

Para namang napugto ang hininga ko ng sa unang larawan palang ay bumungad sa'kin ang litrato ng dalawang tao. Si mama at ang lalaking nanggulo sa burol niya! Agad ko ito g kinuha at napansin ko agad na may nakasulat sa likod nito.

You're the best gift that God gave me. You and our future baby. I promise to love you both until I died.

-Love

Sandro

Unang larawan palang ay alam kona ang isang sagot sa katanungan ko. Siya ang ama ko. Kaya pala nung mga panahon iyon ay wala siyang pakialam kahit magmuka pa siyang kawawa yun ay dahil siya talaga ang mahal ni mama at alam kong mahal niya rin si mama. Nung tinawag niya akong anak ay parang may humaplos sa puso ko.

Sa mga sumunod na larawan ay napapaiyak nalang ako. Kita ko ang saya sa mga mata nila at halatang halata mo na nagmamahalan talaga sila.

Pagkatapos kong tingnan ang mga larawan ay may nakita akong isang envelope. Agad ko rin itong binuksan at halos hindi na rin mag sink in sa utak ko ang mga nalaman ko.

Name: Yessa Gregorio Mendez
Born: July 2*, 2***
Mother: Yenna Gregorio
Father: Sandro Mendez

Iyun ang pinaka nakakuha ng atensiyon ko. Nanginginig na napatakip ako ng bibig at pinigilan ang paghikbi. They are protecting me. God! I know..kaya pala tinawag akong Yessa ni mama at nang lalaking nagngangalang Sandro na totoo kong ama 'yun pala ay iyon talaga ang totoo kong pangalan.

Yessa Gregorio Mendez...

I need more answers..

Ang sunod ko namang nakita ay mga papeles na nagpapakita na sa'kin talaga nakapangalan ang nga ari-arian ni mama. Buhay pa si mama ay nakapangalan na sa'kin 'yun. Mula sa bahay, negosyo, flower shop, at boutique. Nakapangalan sa totoo kong pangalan lahat. Ibig sabihin ba nito kahit pirmahan ko ang dokumentong na kay daddy ay wala paring bisa ito?

Kanina pa ako nag iisip kung ano na ang gagawin ko gayong alam ko na ang lahat. Hahanapin koba ang totoo kong ama? Kumabog naman ang dibdib ko sa isiping 'yon at napangiti. Ngunit papaano kung may pamilya na ito?

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now