LUCAS POV
Naiinis akong lumabas sa office ni, Storm kanina at umuwi. Hindi narin ako nakapagpaalam kay, Yesha dahil busy ito at sinasadyang utusan ni Storm. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa closeness nang dalawa. Minsan ko nang nakikita sila na nagtatawanan at mukang kilalang kilala nila ang Isat Isa na para bang kay tagal nilang hindi nagkita.
Nagngingitngit kong tinapon ang baso na may lamang alak. Nandito ako sa bahay namin sa Masbate dahil tinawagan ako ni mommy na magdidinner kami na hindi ko naman nagustuhan dahil may hindi ako inaasahang taong makakasabay ko sa hapag at ngayon ay nandito ako sa loob ng library at malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to alam kong mali. Pero hindi ako tanga para hindi malaman ang nararamdaman ko. I know, masiyadong mabilis, kabago bago palang naming nagkakilala pero bakit ganun? alam ko sa sarili kong may gusto ako sa kaniya. Kay Yesha. Susubukan ko paring pigilan ito. Dahil hanggag magkaibigan lang dapat kami, o mas mabuting hindi na. Isang babae lang naman siyang tinulungan ko, at dapat putulin ko na ang koneksyon ko sa kaniya pero iniisip ko palang iyon ay parang hindi ko na kaya. Nakokonsensya narin ako kay Stelie, mahal ko siya pero may kahati siya. Pero alam kong kay Stelie parin ako. Si Stelie lang dapat ang babae sa'kin. Sa kaniya parin ako babalik at babalik.
"Anak .." napalingon ako sa tumawag sa'kin, si Mommy.
Ngumiti naman ako nang mapait ng lumapit ito sa'kin at niyakap ako bago umupo sa sofa na nasa harap ko.
"I'm sorry.. I know na nagalit ka sa'kin." napabuntong hininga nalang ako at umiling.
Sinong hindi magagalit? Nag asawa lang naman siya at kaibigan pa ng yumao kong ama ang bagong asawa niya ngayon. Ang mas malala pa, sa kwarto sila ni papa natulog. Ni hindi manlang nila nirespeto si papa!
"bakit siya pa, ma? Bakit kaibigan pa ni papa?!" Tumaas narin ang boses ko na siyang ikinapitlag niya. "ang daming iba diyan ma bakit siya pa? ma may pamilya rin 'yon diba? wag mong sabihing naghiwalay na sila?" I can't imagine what really happened between them.
"Patay na ang asawa niya, apat na buwa—"
"WHAT THE F*UCK, MA! apat na buwan? apat na buwan palang na patay ang asawa niya at nag asawa ulit siya? tapos Ikaw pa?! ma naman, hindi ako tututol sa kaligayahan mo. Pero ito? Ma kaibigan siya ni papa tapos kakamatay lang din ng asawa niya. Ma kahit konting respeto lang naman sana sa namayapa niyang asawa." Napasabunot naman ako sa buhok ko at napasapo sa muka ko.
Hindi naman ako tututol ang sa'kin lang, parang sobrang dali nang pangyayari sa relasyon nila. "Ni hindi niyo nga sinabi sa'kin na may karelasyon kayo eh. Ma paano ang naiwang pamilya niyang bago mo asawa ah?" Tanong ko sa kaniya.
"Susuportahan naman niya ang anak niya. Basta magsasama kami sa Isang bubong.." para namang napantig ang tenga ko nang marinig Yun. "Anak, mahal ko talaga siya eh, mahal ko si Arman noon pa man." Tumalim ang tingin ko sa kaniya.
"Maasahan mo ako sa lahat ng bagay ma, iintindihin kita. Pero hindi muna sa ngayon. At titira pa talaga kayo sa iisang bubong? saan? dito? Hindi ako papayag ma." Napatayo naman siya at bigla akong sinampal.
"Gagawin ko lahat ng gusto ko! Wala kang alam, Lucas. Ang ama mo lang naman ang may gusto sa relasyon namin, hindi ko mahal ang papa mo at kahit kailan hindi ko siya minahal. Si Arman lang ang lalaking minahal ko mula noon hanggang ngayon. At parehas lang kami nang nararamdaman." Pagak akong natawa sa sinabi niya.
"Kaya pala.. kaya pala parang si papa lang ang nagmamahal sa relasyon niyo, kaya pala si papa lang ang sumuporta sa'kin, si papa lang ang sumuporta sa kung anong gusto ko, si papa lang ang nagmahal sa'kin sa pamamahay na'to. Sabihin mo nga ma. Masaya kaba na naging anak mo ako." Agad kong sinuntok ang lamesang nasa harap ko at tinapon ang bote nang alak na kanina lang ay iniinom ko.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
Storie d'amoreLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
